CLARINA DELA VEGA (CLARISA)
Habang nakahiga ako sa aking kama ay bigla nalang akong nakakarinig nang ingay mula sa labas. Mga ingay ng tao na tila ba umaga pa kung maka pag-usap sa labas. Pumunta ako sa balkonahe ng aking kwarto at nakita ko nga na maraming tao na nasa kalsada pa at tila nababahala.
Napagdisisyonan ko na lumbas ng kwarto, ngunit hindi pa man ako nakaka lapit sa pintuan ay may naramdaman akong kakaiba sa likod ko. Isang napakadilim na aura ang nararamdaman ko sa aking likuran. Unti-unti akong humarap sa balkonahe kung saan ako nanggaling at halos muntikan na akong mapasigaw sa nakita ko.
Isang babaeng duguan na may tama sa ulo. Hindi ko ito makilala dahil against the light ang kanyang pwesto. Tumingin ako sa gilid at nilapitan ang switch ng ilaw, bubuksan ko na sana ang ilaw para makita kung sino siya ng bigla syang lumitaw sa tabi ng switch ng ilaw.
" Sino ka?!" Sigaw niya sa akin. Napaatras naman ako, hindi dahil sa takot, kundi dahil nakilala ko kung sino ang na sa harap ko. Hindi ako makapaniwala—hindi, ayokong maniwala kung sino ang na sa harap ko ngayon.
" Ate A-alice?!" Halos manghina ang aking mga tuhod dahil sa sitwasyon niya ngayon. Duguan siya na nagmumula sa ulo niya. Napatakit ako ng aking bibig habang ako ay paatras ng paatras. Habang ako ay umaatras ay napapailing ako dahil hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
" Hindi...Hindi.." Sambit ko habang ako ay patuloy sa pag-atras at pag-iling. Hindi ito pwede.
" No, Ate Alice... You can't be dead..." Tuluyan ng tumulo ang luha ko ng ma proseso ng utak ko ang mga nangyayari.
" Inuulit ko, Sino ka?" Tanong niya sa akin. Hindi ako makasagot sa tanong niya.
" Hindi ikaw si Clarina. Hindi ko man makita kung sino ka talaga but, I know that you're not Clarina. Nakikita ko ang aura mo. I thought if spirits or ghost are true, and if I became one, makikita ko kung sino ba talaga ang nasa katawan ng isang taong nasaniban." Paliwanag nito.
" Well... It depends." Napalingon naman kami sa gilid namin at nakita namin si Deon.
" Teka, ikaw yung kaklase nila na palagi nilang kasama. Nakikita mo ko?"
"Obvious ba?" Sarkastikong sagot ni Deon. Unti-unti itong lumapit sa amin.
" You know who killed her, right?" Tanong ulit ni Deon kay Ate Alice. Napakunot noo naman si Ate Alice sa tanong niya.
" Unfortunately, nakalimutan niya. Just like I did before." Seryoso kong sagot. Sasagot na sana si Ate Alice ng magsalita ulit ako.
" Hindi ba dapat nakita mo na mamatay si Ate Alice? Bakit hindi mo siya pinuntahan agad?" Tanong ko kay Deon. Inirapan naman ako nito bago sagutin ang tanong ko.
" Remember? Kayo ang focus ko. Hindi ako binibigyan ng listahan o mga cards dahil sa misyon na to'. You think makikita ko yun in this kind of situation we're in to? No." Sagot nito. Napabuntong hininga nalang ako sa sagot niya.
BINABASA MO ANG
CLARINA
Mystery / ThrillerAng katagang binitawan ay isasakatuparan.. ---- What if your worst nightmare comes to life??? Clarisa Dela Fuente is a rich yet simple girl. Mabait, masayahin, may tapat at mabubuting kaibigan, mapagmahal na pamilya at mapagmahal na kasintahan, nas...