JHERAH SANTILAN
Patingin-tingin lamang ako sa paligid habang ako ay nag lalakad patungo sa simbahan. Mahirap na kapag may nakakilala sa akin. Tinatanong niyo siguro kung anong sadya ko sa simbahan? May mga katanungan lang sa aking isipan ang gusto kong mabigyan ng kasagutan. Mga tanong na matagal ng nasa isip ko.
Kringgg....
Kinuha ko kaagad ang cellphone sa bulsa ko ng tumunog ito. Ng makita ko kaagad kung sino ang tumatawag ay agad ko itong sinagot. Pagkatapos kong sagutin tawag ay agad na pumasok ako sa simbahan ng walang pag-aalinlangan. Sa aking pagpasok ay umupo ako sa pinaka likod katulad ng dati.
" Ang tagal din simula ng huli tayong nagkita, Jherah..." Napatingin ako sa taong nagsalita sa gilid ko.
" Father..." Naupo ito sa tabi ko. Sandaling nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin bago siya ulit nagsalita.
" Marami ka nanaman sigurong katanungan sa iyong isipan?" Tanong nito. Bumuntong hininga muna ako bago ako nag bitaw ng katanungan sa kanya.
" Why do spirits stays here kahit na tapos na ang oras nila?" Tanong ko sa kanya.
" Jhe bago ko sagutin iyan, may tanong ako sayo." Humarap siya sa akin at ganun din ang ginawa ko.
" Pag ba may nakita kang tao na nahulugan ng pera sa kalsada o sa sahig at nakita mo ito tapos pinulot mo ngunit nawala na siya sa paningin mo, ano ang gagawin mo? Hahanapin mo ba yung taong nakahulog o hahayaan mo nalang at ibubulsa ang pera?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong niya. Sandali akong nag-isip bago sagutin ang tanong niya.
" Hahanapin ko yung tao at isasauli sa kanya." Tumango-tango siya sa sinagot ko.
" Pero pano kung kailangan na kailangan mo ng pera, isasauli mo pa rin ba?" Tanong nito na napaisip ulit ako.
" Oh? Dba napaisip ka ng matagal? Dipende diba?" Tanong niya. Tumango lang ako pero hindi ko pa rin gets.
" Para lang yang mga ispiritu. Dipende sa mga karanasan nila. May mga gustong sumama sa liwanag dahil payapa naman sila pero may mga gustong manatili dahil may mga bagay o pangyayari na pumipigil sa kanila, at yun ang kailangan nila malaman at matuklasan. Once na magawa na nila yun magiging payapa na sila. Kagaya ng tanong ko, may mga taong mas pipiliing hanapin ang may ari para hindi sila makunsensya at may mga taong hayaan nalang ngunit uusigin sila ng konsensya at yun yung pumipigil sa kanila para gamitin yung pera na napulot nila kasi iisipin nila deserve ba nila yung pera na yun? Ganun din ang tanong nila, 'deserve ba namin ang nangyari samin?' lalo na kung hindi nila ginusto." Napatingin ulit ako sa harap. Tama si Father.
BINABASA MO ANG
CLARINA
Mystery / ThrillerAng katagang binitawan ay isasakatuparan.. ---- What if your worst nightmare comes to life??? Clarisa Dela Fuente is a rich yet simple girl. Mabait, masayahin, may tapat at mabubuting kaibigan, mapagmahal na pamilya at mapagmahal na kasintahan, nas...