EMILY SANTIAGO
Kinabukasan pagkatapos ng mga nangyari, hindi pa rin mawaglit sa isipan ko yung babaeng nakita namin kahapon. Para kasi itong pamilyar sakin. Hindi ko lang matanto kung saan ko siya nakita noon. Tsaka napansin ko rin ang kakaibang ikinikilos ngayon ni Jake. Oo, si Jake. Kaninang umaga habang nasa school kami para ayusin ang mga gamit namin sa bago naming classroom, nakita ko sa si Jake na nag lalakad sa hallway. Tinawag ko siya pero para wala ito sa sarili. Mabilis lang ang lakad niya na para bang nag mamadali ito sa kung saan man siya pumunta.Ng mag lalunch na ay kinuha na namin ni Jerico ang mga niluto naming pagkain na nasa bahay para ihatid sa classroom namin at doon nalang kami mag tatanghalian. Naaninag naman namin ni Jerico na kinakausap nila Clarina at Nathan sa tapat ng classroom namin. Nilapitan kasi ni Clarina si Jake para sana kausapin, ngunit si Jake ay mabilis ding sumagot at tila ba nag aapura itong umalis at nakangiti ba ito. Dumaan pa siya sa gitna namin ni Jerico kaya napatabi kaming dalawa ni Jerico na tila ba hindi niya kami nakita. Nag lakad nalang kami ni Jerico papuntang classroom habang sina Clarina at Nathan ay naka titig parin kay Jake na papalayo sa amin.
" Ayus yun ah? Parang walang tao?" Rinig kong sabi ni Nathan. Napatingin naman si Jerico kay Clarina at nagtanong pa ito.
" Ano nangyari dun?" Tanong niya sa babaeng katapat niya.
" Don't know. He's been so weird since last night. Tinanong naman namin siya pero no response." Seryosong sabi nito. Pansin ko na walang kabuhay-buhay ang kanayang expression ng mukha. Pumasok nalang ako sa classroom pero hindi nakatakas sakin ang saglit na pagtingin sa akin ni Clarina. Ano bang sadya ng babaeng 'to?
" Galit ka pa rin ba kay Clarina?" Rinig kong bulong ni Jerico sakin pag pasok namin. Bumuntong hininga naman ako sa tanong niya. Sa totoo lang, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Yung tipong ayoko yung presensya niya pero a part of me na ramdam kong may kirot sa puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Siguro dahil kamukha siya ni Clarisa? Speaking of Clarisa, medyo tahimik na ang kaluluwa niya ngayon. Hindi lang medyo. Talagang wala na itong paramdam sa amin.
" Ewan ko sayo, Jerico. Tigil-tigilan mo muna ako sa ganyang topic." Sabay alis ko sa harap niya.
" Miss Emily? Pwede ba akong pasuyo na pumunta ka sa head masters office? Nag hahanap kasi si HM ng mauutusan. Pwedeng ikaw na ang pumunta?" Napatingin naman sa Guro namin na nag-utos sa akin. Sa lahat pa naman ng ayoko, sa headmaster's office pa.
" Sige po, ma'am." Dinig ko naman na nagpasalamat si ma'am sa akin bago ako umalis.
Naglakad na ako papuntang Headmaster's office ayon sa utos ng Guro namin. Naiinis talaga ako sa Head master namin. Oo, naiinis ako dun. Feeling gwapo eh. Kung alam niyo lang yung unang encounter namin years ago. Hayst. Sa tuwing naalala ko yun para akong sasabog na bulkan.
BINABASA MO ANG
CLARINA
Mystery / ThrillerAng katagang binitawan ay isasakatuparan.. ---- What if your worst nightmare comes to life??? Clarisa Dela Fuente is a rich yet simple girl. Mabait, masayahin, may tapat at mabubuting kaibigan, mapagmahal na pamilya at mapagmahal na kasintahan, nas...