ETHAN EVANS in multimedia
----
ELLA EVANS
Naririnig ko nanaman na tinutugtog ni Ethan ang kantang yan. Simula ng mawala si Clarisa palagi na nyang tinutugtog ang kantang yan." Asan si Than?" Napatingin ako kay Jake na kararating lang.Tinawagan ata syan ni Ethan kaya andito sya. "Asa taas sya. Tinawagan ka ba nya?" Tanong ko. Tumango ito at nag punta na sa taas. Pero d pa man sya nakakarating sa taas..."Sir Jake,Lady Ella may sulat po para sa inyong dalawa." Sabay abot samin ang isang envelope.Actualy muka itong invitation. Kulay itim at pula ito at napakaganda talaga.pero nagulat ako kung ano yung tatak sa likod nito. Mas lalo akong nagulat kung ano yung naka sulat sa harap nito.Nagkatinginan kami ni Jake at nag kibit balikat. Imbitasyon ba toh ng mga Dela Fuente?? Ng tignan namin kung ano ang sulat sa loob d naman namin naintindihan.
"Gumamit kaya tayo ng translator---""wait Jake!dba pamilyar sayo yung sulat kamay ng nag sulat nito?" Tinitigan nyang mabuti yung sulat at namutla. Tumawa ito ng peke at tumingin sakin."ha-haha!wag ka ngang manakot. Gagamit na ako ng translator." Trinanslate nya yung nasa sulat at nakita ko ang pagkaputla nya. "Volví- I'm Back."nag katinginan kami. Nanlaki ang mata namin ng mapagtanto namin ang ibigsabihin ng sulat."naiisip mo ba yung naiisip ko??"tanong ni Jake sakin.tumango ako at inalala ang isang katagang nakatatak na sa lahat ng tao sa San Filipe.
Babalik ako...BABALIKAN KO KAYO!
"Anong nangyari sa inyo?" Naitago namin bigla ang sulat. Hindi nya pwedeng malaman ngayon hanggat hindi namin nakukumpirma. Tama! "Ahhh....w-wala bro.hahaha!may pinag uusapan lang kami.diba La?" Tumango ako at nakitawa din. Hindi ngayun. Sinenyasan ko na umakyat na sila at ako na ang bahala sa sulat. Bat ngayun pa? Pano toh nangyari? Impusible toh! Pero kailangan ko makasigurado. Kinuha ko ang phone ko at may tinawagan. "Hello? Detective? Meron akong ipapagawa sayo. Importante."
JAKE SANTILAN
"Bro?bakit mo ko pinapunta dito?gabing gabi na.inaantok na ako." Reklamo ko kay Ethan. Itinago ko sa bulsa ko ang envelope. Kailangan muna naming makasigurado ni Ella kung legit ang sulat O gawa-gawa lang ng kung sinong prankster. Ayaw naming ipaalam kay Ethan ang patungkol dito. Hindi ngayon. "Ang tagal ko ding tinago toh bro. Isang taon din. Siguro ito na ang tamang oras para malaman mo. Oo. Ikaw lang...sa ngayon." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Ethan. "Bukod sa pang loloko mo kay Clarisa? Ano pang sekreto mo Ethan? Kaibigan mo ko pero parang hindi kita kilala." Masama parin ang loob ko kay Ethan kasi parang hindi sya yung Ethan na nakilala ko simula pagkabata namin. "Nandoon ako ng mamatay si Clarisa." Natahimik ako at nanlaki ang mata dahil sa siniwalat nya sakin." A-ano??" Yun lang ang lumabas sa bibig ko . "Nasaksihan ko ang buong pangyayari. At sobrang sakit nun. Hindi ko man lang sya nailigtas." Halos parang gumuho ang mundo ko. Ano pa ba ang mas sasakit? Yung niloko ng kaibigan mo ang kaibigan mo? O yung nakita na nga nya yung nangyari hindi pa nya tinulungan? "Ano?! Bakit nung tinanong ka ng mga pulis sa pangyayari wala ka man lang sinabi?!" Kailangan kong ikalma ang sarili ko. "Nagkaroon kami ng kasunduan nila Nathalie at Nathan na hindi nila sasaktan ang isa sa mga Dela Fuente kapalit nun papalabasin ko na niloko ko lang si Clarisa. Nangako sila na hindi nila sasaktan si Clarisa. Pero nag bago ang lahat ng mangyari ang gabing yun. Hindi namin alam na makagagawa ng ganon si Clarisa." Ngayon nagiging malinaw na ang lahat. Hindi niloko ni Ethan si Clarisa. Nakipag kasundo si Ethan sa kambal na Gomez kapalit ng siguridad ng mga Dela Fuente. Pero anong ginawa ni Clarisa? "Anong ginawa ni Clarisa?" Tanong ko. "Tinangka nyang saksakin si Nathalie. Hindi ko alam na meron syang maliit na kutsilyo sa hita nya. At hindi ako makapaniwala sa kilos nya nung gabing yun." Kita ko ang pag kunot ng noo nya. Sino bang mag hihinala na kayang manakit ni Clarisa na napak anghel ng muka? "Sinong sumaksak kay Clarisa??" Tanong ko. "Si...."Halos natulal ako kay Ethan. Siya? Pano nya nagawa toh? Pero hindi na kataka taka na magagawa nya yun. Tsk! "Pero Ethan?Bakit ngayun mo lang toh sinabi?bakit hindi ka nag sumbong sa pulis?? O takot ka lang na pati ikaw makulong?" Hindi ko pinag dududahan ang kaibigan ko. Pero kataka-taka kasi ang ginawa nya. " gusto kong maranasan nila ang ginawa nila kay Clarisa. Kung ako lang okay lang sakin makulong o parusahan ko ang sarili ko, Pero gusto ko silang mag dusa sa ginawa nila." Kita ko ang galit sa mata ni Ethan habang sinasabi ang mga katagang yun. " alam mo bang sobrang galit ang mga Dela Fuente sa mga Evans hanggang ngayon? Lalo na sayo??" Tumango ito. "Wala akong magagawa. Ngayon gusto kong itama ang mga maling nagawa ko. Gusto kong isiwalat lahat. Pero uunti-untiin ko ang lahat ng yun." Nakatingin lang sya sa labas habang nakatayo sa harap ng bintana nya."pano mo gagawin yun?" Tanong ko sa kanya. "Sa tingin mo nag katotoo ang sinabi ni Clarisa bago sya mamatay?" Tanong nya sakin na nakapag panginig sa buo kong katawan. Alam kong hindi pa namin kumpirmado ang nasa sulat pero sigurado akong sulat ni Clarisa ang nasa Card. "Hindi ko alam." "Pero ng makita ko si Clarina masaya ako pero malungkot at nasaktan din ako. Oo. Alam kong hindi sya si Clarisa pero merong part sakin na gusto ko syang makilala. " napatingin ako sa kanya. "Wag mong sabihing..." tinitigan lang niya ako.
"Jake!ayos ka lang?" Tanong sakin ni Ella. Tumango lang ako."anong pinag usapan nyo ni Ethan?" Tanong nya sakin. "Mabuti siguro kung si Ethan ang mag sabi sayo." Ngumiti ako at umalis na may kailangan pa akong alamin bukas...
EMILY SANTIAGO
maaga akong nagising sa hindi malamang dahilan. Parang may nag sasabi sakin na kailangan kong gumising ng maaga. Kaya ito ako ngayun, nasa cafeteria kumakain ng umagahan. Habang sarap na sarap ako sa pagkain ng egg sandwich... "Emily.."muntik ko ng maibuga yung kinakain ko ng may tumapik sa likod ko. "Ano ba?!wag ka nga kashi ng gugulat." Salita ko habang may laman pa ang bibig ko. Pag tingin ko sa kanya si Jake pala. Ano kayang kailangan nito. Umupo sya sa kaharap kong upuan. Tumitig sya sakin ng ilang saglit. Ngayon ko lang napansin na may dala din syang pag kain. Siguro maaga din toh? "Kaya pala maaga akong nagising dahil tingin ko may mag hahanap sakin. Ikaw pala yun. Anong kailangan mo? Ang aga mo ata? Mukhang di ka naka tulog?" Huminga sya ng malalim. "May natanggap akong envelope ng mag punta ako sa bahay nila Ethan." Kumunot naman ang noo ko."oh?tapos? Yun lang pala akala ko kung ano na." Inilapag nya ang envelope at halos maibuga ko naman ang iniinom kong kape. "De--Dela Fu-Fuente??" Tanong ko. Halos isang taon din ang lumipas ng huli kong makita ang envelope ng pamilya nila. May tatlo kasing klase ang envelope. Red and black sa mga Dela Fuente, Blue and white sa mga Gomez at Violet and Black naman sa mga Evans. May mga simbolo itoDF-DELA FUENTE
GZ-GOMEZ
ES-EVANSat alam ko na hindi ako namamalikmata. "Gusto kong kumpirmahin sayo kung kaninong sulat ang nasa loob." Seryoso nyang sabi. "Ayoko munang sabihin kay Ethan ang tungkol diyan. Gusto ko munang kumpirmahin." Binuksan ko ang envelope at nanginginig ko binasa ang sulat pero ang mas nakaka panginig ay ang sulat kamay nito. Imposible!
---
A/N:Sorry kung ngayun lang ako nakapag UD sensya na😅
BINABASA MO ANG
CLARINA
Mystery / ThrillerAng katagang binitawan ay isasakatuparan.. ---- What if your worst nightmare comes to life??? Clarisa Dela Fuente is a rich yet simple girl. Mabait, masayahin, may tapat at mabubuting kaibigan, mapagmahal na pamilya at mapagmahal na kasintahan, nas...