Play the audio while reading. Enjoy
-------
CLARINA DELA VEGA
Nagpaiwan ako dito sa San Felipe para gawin ang talagang pakay namin dito ni Deon. Speaking of that Stupid Man, asan na pala yun? Kanina ko pa hinahanap. Sabi pa niya kagabi pupuntahan namin yung Paranormal Expert na pinuntahan nila Nathalie tapos siya tong wala?
" Sino kaya talagay yung nagtanggal ng katawan ni Clarisa noh?" Napatingin ako sa paparating na apat na tao. Nasa park ako ngayon at nakaupo sa isang bench. Ang una kong nakita ay si Jake at Ella pero natigilan ako ng Makita ko si Emily at Jerico. Napakaliit nga naman ng mundo...
" Baka naman totoo na nabuhay na talaga siya." May pagkabahalang sabi ni Emily. Tumawa naman si Jerico pero mahahalata mong kinakabahan siya.
" Wag ka ngang magbiro ng ganyan." Sabi nito at naupo sa isa sa mga swing. Nakaupo pa din ako sa bench malapit sa kanila. Naupo na din yung iba sa swing.
" Gumising ka Jerico! Nakikita mob a kung anon a ang nangyayari sa paligid? Simula ng dumating si Clarina, nag-umpisang magparamdam at magpakita si Clarisa. Hindi sa ayaw kong Makita si Clarisa... It's just.... If Clarina wasn't here in the first place? Baka tahimik pa ang buhay natin." Natulala ako sa sinabi ni Emily. Tinignan naman siya ng masama ni Jerico at Jake, napakunot naman ang noo ni Ella. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tinanggal ko ang name plate ko at tinaago sa bulsa ko.
" Parang sinabi mo na din na ayaw mo sakin at ayaw mo na akong makita at makasama." Sagot ko sa kanya. Napatayo sila sa kinauupuan niya. I stared at her blankly. Deretso lang ang upo ko sa bench. Hindi sila makapagsalita. Napangisi naman ako.
" Masama ba nandito ako?" Tanong ko sa kanila. Hindi parin sila nakakapagsalita.
" Bat parang nawalan kayo ng boses?" Tanong ko sa kanila.
" Clarisa?" Tanong ni Jerico. Napangiti naman ako ng kaonti ngunit makikita mo na mapait ang mga ito. Tinitigan ko naman siya.
" Clarisa? Clarisa..." Yun lang ang nasabi ko. Isa-isa ko silang tinignan.
" Naaalala niyo lang ako.... Kapag may nangyayaring masama sa paligid. Nakakatawa... Nakakainis." Tama. Naaalala lang nila ako kapag may hindi na magandang nangyari. Pero pag si Clarisa, puro paghihirap nito at kabutihan ang nakikita nila. Nakakatawa lang. Hindi nila ma gets kung ano ang gusto kong sabihin sa kanila.
" Hindi sa ganun. Clarisa, kung narinig mo yung mga sinabi ko... I... I'm sorry." Nakatitig lang ako kay Emily. Hindi ko din gusto ang ugali ng babaeng toh.
" Tutal andito ka naman, may tanong ako." Nagawi ang tingin naming kay Jerico.
" Alam mo ba... kung nasaan yung bangkay mo?" Tinitigan ko lang siya bago sumagot.
" Who knows?" Taas-kilay kong sagot sa kanila ng patanong. Napakunot naman ang noo ni Jerico.
" Teka...." Napangisi naman ako.
" Bakit Jerico? May problema ba?" Tanong ko. Mukhang natunugan niya ako.
" Walang saysay kung makikipag-usap pa ako sa inyo." At umalis na ako doon. Nakakasakit lang sa mata na makita sila. Lalo na pagnaririnig ko na ako ang dahlan kung bakit sila nasasaktan, lalo na si Jerico.
Nasa tapat kami ng isang bahay, kung hindi ako nagkakamali bahay ito nung Paranormal Expert na si Greg. Pakay naming? Basahin niyo nalang. Tinatamad ako mag explain.
" So tara na sa loob?" Tanong ko. Tumango naman si Deon at nagsimulang mag lakad kay kumunot ang noo ko. Napatingin naman siya sakin ng maramdaman niya na hindi ako sumusunod.
BINABASA MO ANG
CLARINA
Mystery / ThrillerAng katagang binitawan ay isasakatuparan.. ---- What if your worst nightmare comes to life??? Clarisa Dela Fuente is a rich yet simple girl. Mabait, masayahin, may tapat at mabubuting kaibigan, mapagmahal na pamilya at mapagmahal na kasintahan, nas...