CHAPTER 33

14 0 0
                                    

CLEO SEBASTIAN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CLEO SEBASTIAN

" Kilala ko ang may ari niyan." Nabaling agad ang tingin ko kay Emily sa sinabi niya. Pinanliitan ko siya ng nata bago ako nag tanong.

" Sigurado ka ba?" Tanong ko. Gusto kong makasigurado kung kilala niya ang sapatos na yun. Dahil isa lang magiging ibig sabihin nito, kilala niya kung sino ang nasa likod ng hoodie na yun. Napatingin siya sakin at nakakunot pa ang noo.

" Hindi mo man lang ba itatanong kung sino?" Tanong niya sakin. Bumuntong hininga ako dahil sa tanong niya.

" Just answer me." Tumango naman siya bilang tugon. Luminga-linga pa ito sa paligid. I looked at her in annoyance.

" Mukha bang may ibang tao dito para mag gaganyan ka?" Tanong ko. Humalukikip naman ito at tinaasan ako ng isang kilay na para bang sinusungitan niya ako.

" Malay mo, may listening bugs dito. Tsk." Inirapan ko naman siya.

" Alam mo namang may bug sensory device dito. Parang hindi mo kabisado ang lugar na ito. Halos maging tambayan mo 'to dati." Nakahalukipkip na sagot ko sa kanya. Umirap lang siya at bigla niyang hinahwakan ng dalawa niyang kamay ang magkabila kong pisngi. Nagulat naman ako sa ginawa niya. The next thing I knew is may ibinulong siya sakin na nagpagulat sa buong sistema ko. Lumayo siya at nagkatitigan kami ng ilang saglit.

" Si-sigurado ka ba sa sinasabi mo? Hindi ka ba namamalikmata?" Halos hindi ako makapaniwala sa siniwalat niya sakin. I remain calm while asking her. Tumango naman siya. Napatayo naman ako sa kinauupuan ko at napahilamos sa mukha ko habang pabalik-balik na nag lalakad sa harap niya. Napa hagod pa ako sa aking buhok dahil sa mga narinig ko. Hindi ko rin napigilan na mapakagat sa aking labi. This can't be. If she really saw that person that means.... she's in danger. Mabilis ko siya nilapitan at hinawakan ang magkabilang braso niya. Napatingin naman ito ng deretso sa mata ko. Napalunok pa ito dahil sa ginawa ko. Tinitigan ko siya sa mata.

" Emily... listen to me." Yan agad ang unang mga salitang lumabas mula sa aking bibig.

" No one... should know... what you saw that night, got it?" Pabulong na tanong ko sa kanya in a soothing tone. Ayoko siyang mataranta o mas lalo pang matakot.

" This is between you and me. Got it?" Tanong ko pa ulit sa kanya. Tumango naman siya. Binitawan ko na siya pagkatapos ko makasigurado sa sagot niya.

" Ilapag mo nalang dyan sa desk ko lahat ng napulot mo, pwede ka na umalis." Nilapag naman niya yung mga CD na pinulot niya kanina at umalis na. Kinuha ko yung mga CD na naka date kung kelan namatay si Clarisa at inilagay ito sa bag ko. Wala dapat makakita nito. Dahil pag nawala pa ito, mawawala lahat ng efforts namin. Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan ko agad ang isang taong alam kong dapat ko pag bigyang alam.

" Hello? I think nakita ko na ang hinahanap mo. Don't worry, I'll keep an eye on her. Trust me." At binaba ko na ang tawag at may tinawagan ulit ako.

CLARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon