CHAPTER 4

55 5 0
                                    

Ang storyang ito ay hinango sa kantang Halik sa hangin By:KZ Tandingan.sana subaybayan nyo pa ang mga susunod na kabanata.
_________________

JERICO ALVAREZ
     "Nag balik na si Clarisa." Nag katinginan kami ni Emily dahil sa rinuran ni lolo. " lo. Ano po bang pinag sasabi nyo?"natatawang tanong ko. Imposible. Napaka imposible."totoo ang sinabi ng lolo mo. Jerico,nag balik na si Clarisa. Usap-usapan na yan dito sa San Filipe." Napailing iling ako."hindi totoo yan.matagal na syang patay. At isa pa--"d ko na naituloy ang aking sasabihin ng mag salita ang nakababata kong kapatid na si Jane."eh ano toh?"sabay pakita sakin ng isang picture.

    "Baka kaha--"mas lalong tumigil ang mundo ko ng mag pakita sya ng mas malinaw na litrato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    "Baka kaha--"mas lalong tumigil ang mundo ko ng mag pakita sya ng mas malinaw na litrato.

    "Baka kaha--"mas lalong tumigil ang mundo ko ng mag pakita sya ng mas malinaw na litrato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

    "Nakuha ko toh nung nag memeryenda sila kanina. Ngayon mo sabihin sakin na kuya na kahawig lang."namutla kami ni Emily at nakatitiglang sa picture. Kahit nakabangs sya makikita mo parin na magkamukha sila. Imposible toh. Napaka imposible. "Sa mansyon ng mga Dela Fuente siya nakatira."wala ng lumalabas na salita mula sa bibigko. Lalo na ngayon na nalaman ko na nakatira ang babaeng ito sa bahay mismo nila Clarisa. Dali-dali akong lumabas para makita kung totoo. Napatingin ako sa ikatlong palapag kung nasaan ang kwarto ni Clarisa. Bukas ang pintuan ng Balkonahe nito at pati narin ang ilaw sa kwarto. Lahat ng ilaw sa mansyon ay bukas. Napansin ko na may tao sa balkonahe. Hindi ko makita ang mukha nito pero alam kong babae ang nakatayo doon. Maya maya tumalikod sya at ng papasok na sya tumingin sya sakin. Nakita ko ng malinawan ang kalahati ng mukha nito. Imposible.. hindi... tuluyan na syang pumasok sa kwarto nya."Jerico..." napalingon ako kay Emily na naluluha na. Okay na eh. Bakit ngayon pa.

     "Clarina Dela Vega." Yan ang lumabas sa bibig ng kapatid ni Emily na si Cyruz. Napatingin kaming lahat sa kanya. "Ano?" Tanong ni Jane sa kanya. " Clarina Dela Vega ang pangalan nya. Hindi sya ni Ate Clarisa. Kahit itanong mo pa sa mga kaklase nya. ABM student katulad ninyo Ate Emily. Kung itatanong nyo kung bakit sila magkamukha. Ewan ko. Humanda kayo Ate,kuya, mukhang haharapin nyo nanaman ang kalungkutan."

CLARINA DELA VEGA
     panibagong umaga nanaman ang haharapin ko. At panibagong bitch nanaman ang bubungaran ko. Hayyy.... " It's time for breakfast, Young Lady."narinig kong sabi ni Ate Alice. " tell them I'll be there in a few minutes." Nag baw lang ito at lumabas na.

     Ng matapos ang umagahan ay umalis na kami ni Ate Alice kasama si Shen. "Andito na tayo Young Lady." Lumabas na si Shen at pinag buksan ako ng pinto. Habang nag lalakad ako may naririnig nanaman ako mga bulungan.

Ayan na sya.

Grabe hindi ako makapaniwala.

Kamukha lang sya ni Clarisa.Narinig ko sa kaibigan ko. Tsk!d sya nababagay dito.

Wag kang maingay baka marinig tayo.

Bakit totoo naman ah.

   "Same as you. D ka rin bagay dto." Natahimik ang lahat. Hindi alam ng dalawang babae dto ay nasa tabi na nila ako. Tsk. Chismosa. Nakita kong namutla sya ng tumingin sya sakin. "Bakit hindi ka makatingin sakin? Bakit hindi mo yan sabihinsa harap ko?" Malamig ang boses ko kaya nakita ko kung pano sya matakot. Sige lang matakot ka... Nagulat ako ng tumakbo silang dalawa. Hindi ko alam kung dahil sa takot o dahil sa hiya. Nag patuloy nalang ako mag lakad at nakita kong may isang lalake at babae  ang nakita kong naka titig sakin. Sila yung dalawang magkasama na nakita ko kahapon! Binaliwala ko lang sila at umalis na ako sa lugar na yun.

    "Jina may tanong ako." Panimula ko kay Jina. Wala kaming klase ngayun dahil may meeting ang mga teacher ngayon. Pero bawal kaming lumabas ng class room. Tingin parin ng tingin si Ethan sakin. Masamang tingin naman ang pinupukol ni Nathalie sakin. Ang bruhang yan!tsk!"ano yun?" Tanong nya sakin ng humarap sya sakin. "May mga kaibigan ba si Clarisa?"tanong ko sa kanya. " Oo. Dba nasabi ko na sayo yun? Or hinde. Ah!basata."sabi nito."sino naman sila?"tanong ko."sa pagkakaalam ko si... Jerico? At Emily? Oo!tama!si Jerico Alvarez at Emily Santiago.bat mo pala naitanong?"tanong nito. Umiling lang ako at tumunganga na sa labas.

    "Jina. Samahan mo ako mag CR." Sabi ko dito. Tumango sya at sabay na kaming lumabas ng pinto. Habang nag lalakad kami ay may naramdaman akong may sumusunod samin. "Jina mauna ka muna sa CR. Sunod ako."sabi ko dito."Sige. Naiihi na kasi ako.hehe."sabi nya atsaka nauna na sya. Tumingin ako sa likod pero wala. May nakita akong daanan siguro mga tatlong hakbang ang haba nito papunta sa storage room mabilis akong nag tago doong sakto lang na hindi nila ako makikita.

JERICO ALVAREZ
   Bigla syang nawala sa kinatatayuan nya kaya nataranta kami at nag punta sa lugar kung nasaan sya nakatayo."Hala!asan na sya?"tanong ni Emily. Napabuntong hininga naman ako. "Tama nga ang hinala ko." Nagulat kami sa taong nagsalita sa likod namin. Malamig ang boses nito pero hindi ko makakalimutan ang boses na yan kahit Isang taon na ang nakakaraan. Humarap kami sa kanya at nakita namin ang malamig nitong mga mata at walang ekspresiyon na mukaha. Nakatayo lang sya ng tuwid at nakahalukipkip. "Sinusundan nyo nga ako. Anong kailangan nyo?"tanong nito. Hindi kami makapagsalita. Natuod kami sa kinatatayuan namin. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil nakita ko na sya ng harap harapan. "Tsk!" Nabalik lang kami sa ulirat ng lagpasan nya kami. "Sa-sa-saglit la-lang!" Sabi ko.Huminto ito pero hindi lumingon."anong kailangan nyo sakin...Jerico Alvarez?Emily Santiago?"tanong nito na ikinagulat namin.paanong--"ID."nag katinginan kami ni Emily. Humarap sya samin at nag tanong ng hindi namin inaasahan na itatanong nya?"sino ba si Clarisa?"Nagulat kami at ayaw mag proseso sa utak ko ang mga tinanong nya."kung iniisip nyo na magkatulad kami ni Clarisa nag kakamali kayo. Hindi ako mahina katulad nya."at tuluyan na syang umalis.
----
Sorry po kung natagalan ang pag update ko.hehehe. plss vote for my story😊.hope you like it. Thank you😊

CLARINATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon