Second cover photo of CLARINA
-----
EMILY SANTIAGO
Imposible toh!!"Emily?ano na?" Napatingin ako kay Jake."Imposible toh--""pero paano mo ipapaliwanag ang sulat na yan? Emily. Wag lang tayo tumingin sa logic side kailangan din nating lumiko minsan para tignan pa ang iba pang pusibilidad.ngayon sabihin mo sakin. Kay Clarisa ba ang sulat na yan???" Tanong nito sakin. Kahit itanggi ko pilit na sinasampal ako ng riyalidad. Dahan dahan akong tumango. Walang duda na sakanya ang sulat nito. Nakakamiss lang...Flash back....
"Hoy!anong sinusulat mo?" Natatawa kong tanong sa kanya. "Ahh..para to sa 1st year aniversary namin ni Ethan." Sagot nya na may ngiti sa labi. Malambing dina ang boses nya. "Ikaw Clarisa ha~ may pa sulat ka pa kay fafa Ethan ha?hahaha." Biro ko sa kaibigan ko na si Clarisa. Nginitian lang nya ako at bumalik na sa pag susulat. "Ang ganda talaga ng sulat mo." Puri ko sa sulat nya. "Salamat." At ngumiti sya..
End of flash back...
"Ayos ka lang ba Emily?" Tanong sakin ni Jake. Ng tignan ko sya ay may inaabot syang panyo doon ko lang napagtanto na may luha na palang tumutulo sa pisngi ko dahil sa ala-alang iyon. Naaalala ko nanaman ang nangyari noon. Ang huling ngiti nya,ang huling salita nya at ang duguan nyang katawan na naging dahilan ng paninigas ng katawan ko. Halos hindi ako makagalaw ng mga panahon na yun."hanggang ngayun kasi jake hindi ko padin matanggan na wala na siya,ang sakit pa din." At napayuko nalang ako. Tumabi naman sakin si Jake at tinatap nya ang likod ko. "Lahat tayo hindi ginusto ang nangyari. Wala naman tayong magagawa hindi ba??" Natahimik lang ako ng sabihin nya yun. Tama sya. Hindi na babalik si Clarisa kung iiyak ako pero habang tinitignan ang sulata na nakalapag sa lamesa nag babalik lahat ng alaala ng kahapon.
Nag sisimula na ang Klase namin at lumilipad lang ang isip ko dahil sa nangyari kanina. Hayy... hindi ko na alam ang gagawin ko. Napatingin ako kay Jerico, paano kaya pag nalaman nya ang tungkol dito?ano kaya ang mangyayari?? Haystt!! Mas lalong sumasakit ang ulo ko. "Okay class.. dismissed!" Tumayo aga ako at akmang aalis ng hinawakan ni Jerico ang braso ko. "Emily,sabay na tayo?" Binawi ko ang braso ko at nag salita. "Meron pa akong importanteng gagawin,next time nalang Je." At dali dali akong umalis. Para akong criminal tuloy. Alam ko pa anaman na mapag hinala si Jerico pero kailangan kong umalis para hanapin si Ella. May kailangan lang akong sasabihin sa kanaya. Importante...
ELLA EVANS
Palabas na ako ng class room ng may humila sa braso ko kaya napatingin ako sa kung sino man ang humila sa braso ko.... si Emily lang pala. Alam kong hindi naging maganda ang tingin samin ng pamilya nila at ng pamilya Dela Fuente pero simula ng mangyari ang insidenteng yun. "Ella, we need to talk." At hinila nya ulit ako.Hey!hindi pa ako pumapayag!"So ano ang pag uusapan natin?" Tanong ko. "Tungkol sa sulat." Sabi nito na ikinasingkit ng mata ko."ohh... so sinabi na pala ni Jake sayo... sa tingin mo galing sa kanya ang sulat?" Napa yuko sya at saglit na natahimik. "Hindi ko alam...hindi ako sigurado..." nakayukong sabi nito. "Wag kang mag alala. Makukumpirama din natin toh. Napa test ko na yung sulat at ang sulat ni Clarisa,kailangan nalang natin mag hintay." Sabi ko at tinapik ang kanyang balikat. "Nag aalala ako para sa pinsan ko. Ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman nyang kay Clarisa nga iyon? Na nag padala siya ng sulat??" Tanong nito nang nakatingin sa mga mata ko. Malungkot ang kanyang mga mata, kitang kita mo ang sakit na nararamdaman nito na itinatago lang niya sa mga ngiti niya. "Ang tanong dito... pano niya maipapadala ang sulat kung patay na siya?" Tanong ko at napa tulala nalang kami sa kawalan.
JERICO ALVAREZ
Nag taka ako sa inasal ng pinsan ko. Alam kong may mali sa kanya kanina pero nag kibit balikat nalang ako. Pag balik niya ganon padin ang inaasal niya. Ano ba kasing problema niya. Hanggang sa nag uwian ay ganun parin siya kaya hinila ko siya at nag punta sa garden ng school. "Now. Sabihin mo sakin, ano ang nangyahari sayo??" Mahinahon kong sabi. "Uhmm... sumasakit lang ang ulo ko." Alam kong nag sisinungaling siya sa akin. " sinungaling. Ano ang problema mo?" Tanong ko sa kanya. Nag aalangan pa siyang mag salita ng may humarang sa harap ko na envelope. Nanglaki ang mga mata ko ng makita kung anong nakalagay sa harap ko. DF...Dela Fuente... isang taon narin ang nakalipas ng huli kong makita toh. "This envelope is came from Clarisa, her self." Natulala ako at natahimik ng sabihin ni Jake ang mga katagang yun."ha...HAHAHA!wag nga kayong mag biro." Tawa ko na agad ding naputol ng mag salita si Emily. "Totoo ang sinabi ni Jake.Je,nakita ko yung sulat...kay Clarisa ang sulat na yun...Sulat kamay niya ang nakita ko." Natulala ulit ako ng sabihin yun ni Emily. "Volví which means 'I'm Back.'. Mukhang nag balik na siya." Sabi naman ni Jake. Napaatras ako. "Imposible! Patay na si Clarisa. Hindi na mabubuhay ang magala ng patay." Sabi ko. Napaka imposible non! " oras na lumabas na ang resulta ng test. Dun lang natin masasabi kung buhay o patay na ba si Clarisa." Sabi ni Jake.Naka tulala lang ako sa bintana ng kwarto ko. Nakatingin lang ako sa buwan na sobrang liwanag. Hindi ko padin lubusang maisip ang mga nangyayari. Okay na ako eh... tanggap ko na...tanggap ko na na wala ka na... pero bakit pilit ka pading bumabalik... Clarisa... hindi lang siya basta kaibigan sakit. Mahal ko siya kaya ko siya pinalaya..pero ano ang nangayari, kung sinuman ang dapat sisihin don, ako yun. Kung sana umated lang ako nung gabing yun... kung andoon ako sa tabi mo ng mga oras na iyon.... sana buhay ka pa. Sana kasama pa kita...
SOMEONE
Nilalanghap ko ang simoy ng hangin sa burol kung saan nag simula ang kwento namin. Nakasoot lang ako ng mahabang bistida na pang tulog... " hindi ba sabi ko sa inyo.. babalik ako... BABALIKAN KO KAYO!HAHAHAHAHA!!!" Malakas kong tawa habang nanlilisik ang aking mga mata. Ang sarap bumalik sa mundong ibabaw... nakakasabik.

BINABASA MO ANG
CLARINA
Mystery / ThrillerAng katagang binitawan ay isasakatuparan.. ---- What if your worst nightmare comes to life??? Clarisa Dela Fuente is a rich yet simple girl. Mabait, masayahin, may tapat at mabubuting kaibigan, mapagmahal na pamilya at mapagmahal na kasintahan, nas...