CHAPTER 15

943 40 0
                                    



Tumagal ang relasyon namin ni Rose
Palagi akong nag aabot sa kanya ng
Mga flowers at masaya naman niyang
Tinatanggap ito.


"ang sweet mo naman boyfriend
Sabi ni Rose.

"oo naman sweet ka rin naman  girlfriend sagot ko naman sa kanya.

niyakap ko Siya nang mahigpit at hinalikan sa noo habang nakaupo
Kami sa batuhan marami akong
Tinanong ko sa kanya.

Tutal naman boyfriend naman niya ako Kaya Kung ano ano ang Mga Tinanong ko Siya tungkol sa kanya.



"saan ka Pala nakatira? Gusto MO hatid na kita sainyo Sabi ko Kay
Rose.

Napansin ko na iniiba niya ang kanyang Mga sagot  kaya
Nagtaka ako sa kanya.



"Tara pasyal tayo sa bahay namin Para iPa kilala kita sa magulang ko Sabi ko Kay Rose.


"sigurado ka ba? Na ipapa kilala mo
Ako sa magulang mo sagot niya sa akin.


"smpre nagmamahalan tayo Diba
Sabi ko naman sa kanya.



"sige kung Yan talaga ang gusto mo
Sige papayag na ako Sabi ni rose.

Masaya akong niyakap si rose at niyaya ko Siya na dalhin sa bahay namin, nang makarating na kami sa
Bahay namin, nakita Kong nan lalambot  si Rose Kaya hinawakan ko ang kanyang kamay at pumasok na kami Sa bahay.


"mama papa nandito na kami habang binubuksan ang pintuan nang bahay.

Napansin ko na parang walang tao sa bahay  Kaya pinasya Kong dalhin si Rose sa kwarto ko,

Nang Makapasok na kami sa kwarto  pinagmasdan ni Rose ang kwarto ko na pansin ko na parang malungkot Siya habang pinag mamasdan ang kwarto ko.


"okay ka Lang tanong ko sa kanya.



"oo okay lang ako maganda ang kwarto mo Sabi ni Rose sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya at umupo kami sa kama, niyakap ko
Siya nang mahigpit habang magkatabi
Kami tapos kung ano ano ang pinag kwekwentuhan namin.


" nagugutom ka ba gusto MO dalhan kita nang pagkain Sabi ko Kay rose.


"medyo gutom nga ako sige kuha ka na Lang sabi ni Rose.


Iniwan ko Siya sa kwarto at pumunta ako sa kusina habang nag hahanda nang pagkain, nakita ko si papa na nanonood nang TV.

Si ate at mama naman kakauwi Lang galing sa labas.



" nandito kana Pala Dave bakit ang dami mong dalang pagkain may bisita ka ba tanong ni ate Gina.


" oo te Yung girlfriend ko Sabi ko Kay
Ate Gina.

"bumalik na si carol Sabi ni Gina.

"hindi te si rose bago Kong girlfriend
Sabi ko Kay ate Gina.

" Rose hmmm parang familiar Siya sa akin ah Yung imaginary friend mo
Sabi ni ate Gina sa akin.



"imaginary friend ka Dyan joker ka talaga ate Gina natatawa Kong Sabi
Sa kanya.


Umalis na ako nang kusina at pumunta na sa kwarto Kumain na kami ni Rose at sobrang sweet namin sa isa't isa habang kumakain pag katapos kumain
Nag usap ulit kaming dalawa habang
Magkayap.


"Mag gagabi na Pala uuwi na ako
Sabi ko ni rose sa akin.


"Tara na hatid na kita sainyo
Sabi ko sa kanya.

"wag na Sanay naman na akong umuwi mag isa sabi ni rose sa
Akin.


"bukas ka na Lang umuwi
Sabi ko Kay rose at hinigpitan
Ang pagkakayakap sa kanya.

Pumayag naman si rose Kaya sobrang Saya ko nang matulog sa tabi ko si rose bago kami matulog nilubos lubos ko ang pagiging sweet Kay rose.



"Mahal na Mahal kita",
Sabi ko Kay rose habang
Hinahalikan ko Siya.


"Mahal na Mahal din kita
Dave sagot niya sa akin.


Ang Gabi ko ay sobrang saya sa piling ni Rose Lalo na sa yakap niya sa akin
Habang na tutulog kaming dalawa.

Kinabukasan nang magising ako wala na sa Tabi ko si Rose hinanap ko Siya sa labas nang kwarto at Tinanong sila
Mama at ate pero wala naman daw silang babaeng napansin na Lumabas nang kwarto ko.

Medyo Nagtaka naman ako Kaya agad akong nagbihis at nag Punta sa gubat Para puntahan si rose.

nakita ko si rose na nakaupo sa batuhan agad ko siyang nilapitan.



"umalis kana Pala sa bahay
Sabi ko Kay rose.



"oo hindi na kita ginising dahil
Mahimbing ang tulog mo sagot
Niya sa akin.


"salamat hah Kumain ka na ba? tara
Kain tayo sa bahay namin yaya ko kay
Rose.


"wag na kumain na ako
Sabi niya sa akin.

Mag sa Salita PA Sana ako nang Marinig ko ang boses ni ate gina
Dahil kakain na kami.


" sige na kumain ka muna balik ka na Lang kapag tapos kana kumain Sabi ni rose sa akin.


"babalik ako wag Kang aalis ha
Sabi ko sa kanya.

Niyakap ko Siya at hinalikan Saka
Umuwi na ako at sinalubong ko na
Si ate gina.

Nagmadali akong kumain at naligo Para puntahan si Rose pero pag dating ko sa gubat hindi ko na makita si rose
Inikot ko ang gubat Pati ang Mga magagandang lugar na pinasyalan namin pero wala talaga si rose,

Umuwi akong malungkot at nag kulong sa kwarto sobrang hirap
Palang hindi makita si rose kaya
Nakatulog na Lang ako kakaisip
Sa kanya.

The MYSTERIOUS GHOST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon