CHAPTER 24

789 28 0
                                    



maaga pa Lang gising na ako dahil gusto ko nang makita ang girlfriend
Ko hindi na ako Nakapag paalam Kay mama dahil tulog PA sila ni papa si ate Gina naman maaga umalis.


Sumisikat na ang araw nang makarating ako sa tambayan
Namin ni Rose na pansin ko na
Parang nag Bago ang gubat Lalo na
Ang mga Puno Nito parang na bawasan.


Kaunti na rin ang mga paru paro na lumilipad sa halamanan hinintay ko
Si Rose na dumating pero hindi ko siya makita hinanap ko siya sa buong kagubatan pero wala pa rin siya Kaya umuwi na Lang ulit ako dahil gutom na gutom na ako.




"anak pwede ba kita utusan sa palengke mamaya tanong ni mama


"sige po mama ilista MO na ang bibilhin ko Para mamaya makapunta na ako sa palengke sagot ko Kay mama.


Pag katapos ko kumain agad naligo muna ako Bago pumunta sa palengke
Sumabay ako sa tito ko sa palengke dahil Doon rin naman ang Punta niya.


"iiwan na kita dito Dave may Pupuntahan pa kasi ako Sabi ni
Tito.


" sige po tito Baka mag tricycle na Lang po ako pauwi sagot ko sa Kanya.

Nag simula na akong mamalengke nang pang tanghalian namin nila
Mama Lahat nang nasa listahan
Binili ko Pagkatapos uuwi na ako,
Pero Bago ako umuwi na pansin ko
Na pamiliar sa akin ang babae na
Bumibili nang gulay.


"Clarissa!! Tawag ko sa Kanya
Pero hindi niya ako pinapansin
Kaya ginawa ko sinundan ko siya
Para makausap siya nang malapit na
Ako sa Kanya may biglang bumunggo
Sa akin.


"pa sensya na iho hindi ko na pansin na nandyan ka Pala sabi niya sa akin.


"sir Miguel!!!! Gulat Kong na
Sabi sa Kanya.

"Dave ikaw Pala Yan taga dito ka Lang Pala Sabi ni sir Miguel sa akin.

"Opo sir ikaw po taga rito ka rin ba?
tanong ko sa Kanya.


"hindi may dinalaw Lang ako babalik rin ako sa Manila,sa lunes ka na uuwi
Sabi ni sir Miguel.


"Opo tutal wala pa naman pong pasok nang dalawang araw sagot ko sa Kanya.

Isa sa pinaka mabait Kong Prof si sir Miguel lagi siyang nakangiti at joker
Din siya hindi PA tapos ang pag uusap namin nang biglang may matandang babaeng lumapit sa amin madungis ito at parang Ilan araw nang hindi na liligo.

Nilapitan niya ang prof Kong si sir Miguel na galit na galit at pinag hahampas nang hawak niyang pamaypay.



"pinatay MO ang anak ko ibalik MO siya huhuhuh ibalik MO Siya huhuh
Umiiyak na Sabi nang matandang babae.



"sige Dave mauna na ako may Pupuntahan pa ako paalam ni
Sir miguel at nag mamadaling
Umalis sa harapan nang babae.


Nakaramdam ako nang awa sa matandang babae habang umiiyak
Tinayo ko siya dahil bigla na Lang siyang humiga sa kalsada.



"okay lang po ba kayo I hahatid ko po kayo saan ba kayo nakatira tanong ko sa Kanya.


"Doon ako nakatira samahan MO ako sagot niya.


Inalalayan ko siya Para ihatid siya sa kanila habang nag lalakad nakatulala
Siya hindi ko siya makausap nang maayos dahil tinatawanan Lang niya ako.



"nay saan ka nag Punta kanina pa kita hinahanap Sabi nang isang babae na nasa likuran namin.


"Dave ikaw Pala Yan nag kita ulit tayo Sabi ng babae.


"Clarissa ikaw Pala yan nanay MO siya  Sabi ko Kay Clarissa.



"oo salamat sa pag hatid sa Kanya ha Tara Punta ka muna sa bahay namin Yaya ni Clarissa.



"wag na nakakahiya Isa pa Baka hanapin na ako nang mama ko dala ko ang ulam namin mag luluto pa siya paliwanag ko Kay Clarissa.


"kahit saglit Lang samahan MO kami Sabat nang nanay ni Clarissa at hinila na ako papunta sa kanila.


Napilitan akong sumunod sa kanila habang nag lalakad kami na pansin
Ko na maraming bahay kaming na dadaanan pero marami rin Mga Puno maingay ang mga tao sa kanila.


"tuloy ka sa bahay namin
Sabi ni Clarissa at pumasok
Sila sa bahay nila.


"pag pasensyahan mo na ang bahay namin maliit Lang sabi nang nanay ni
Clarissa.


Umupo ang sa isang upuan na pansin ko na parang Kwarto ko lang ang bahay nila pero maayos at malinis

" magkape ka muna Sabi ni Clarissa
At inabot sa akin ang kape na hawak niya.



"salamat sagot ko at hinigop ko ang kape masarap ang timpla.


"birthday nang anak ko ngayon pero wala na siya huhuhu wala na si Marie ang mabait Kong anak hagulgol na Sabi ng nanay ni Clarissa.



"nay dadalawin natin siya mamaya wag ka mag alala tahan na hindi
Niya magugustuhan na makitang
Umiiyak ka Sabi ni Clarissa.



"may kapatid ka Pala Sabi ko Kay Clarissa.


"oo nakakatanda ko siyang kapatid nag aral siya noon sa Manila nung lumipat na kami dito.

Hindi na kasi nila nanay kayang pag aralin siya sa college Kaya kinuha na Lang muna siya nang tita ko Para makapag aral siya sa Manila.



"Eh bakit Umiiyak ang nanay MO tapos Sabi niya pinatay daw Yung
Anak Niya taka Kong tanong Kay Clarissa.



"Tama ang Sinabi ni nanay pinatay nga ang ate ko, pinatay siya nang boyfriend niya Sabi ni Clarissa sa akin.


Nagulat ako sa Sinabi ni Clarissa pag katapos ko uminum nang kape nag paalam na ako dahil hinahanap na ako ni mama.

"bumalik ka na Lang kapag kailangan MO nang Kaibigan Sabi ni Clarissa sa akin nang ihatid niya ako sa labas.


"oo babalik ako bukas pa pasyal ako sagot ko Kay Clarissa.



nasa tricycle ako habang nag iisip anong kinalaman ni sir miguel sa pamilya ni Clarissa siya Kaya ang pumatay sa ate ni Clarissa sa isip isip ko.



"saan ka ba galing bakit ngayon ka Lang sabi ni mama sa akin.



"may dinaanan Lang ako mama sorry po sagot ko sa Kanya.



"tulungan MO ako mag luto dahil parating na si ate Gina MO at papa
MO sabi ni mama sa akin.


Sumunod ako sa utos ni mama Kaya tumulong ako sa pagluluto.

The MYSTERIOUS GHOST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon