17

112 5 1
                                    

Not here

Hindi ko alam ang isasagot ko kay Ivan. Nakatulala lang ako sakanya habang pilit na pinoproseso ang mga nangyayari.

So.... He likes me?

Hinanapan ko ng panunuya ang mga mata niya pero wala akong makita sa mga ito kundi purong sinseridad. Biglang tumibok nang sobrang bilis ang dibdib ko habang unti-unting inililipat ang tingin ko sa labas ng sasakyan.

Kelangan ko pang hawakan ang dibdib ko at baka sakaling tumigil ito sa pagwawala. Sa mga pagkakataong ito, parang mas gusto ko na bigla ang kayabangan ni Ivan. Kaysa sa ganito na pakiramdam ko ay lalamunin ako ng katotohanan sa mga mata niya.

Matinding katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. I don't know what to do, I don't know what to say. Ngayon lang yata ako natameme nang ganito.

Mabuti na lang at may mangilan ngilan nang tao ang nagbubukas ng mga sasakyan nila na katabi ng sasakyan ni Ivan kaya hindi masyadong awkward dahil wala ni isa sa amin ang nagsasalita.

Matapos ang ilang segundo ay nagsalita na si Ivan. Hindi pa rin ako makatingin sakanya.

"I'll bring you home."

Tumango na lang ako na hindi ko naman sigurado kung nakita nya dahil sa kawalan ng ilaw sa pwesto namin.

Hindi ko na maaalala kung paano kami nakarating sa may apartment. Lumilipad ang isip ko sa buong byahe namin at walang ibang umaalingawngaw sa utak ko kundi ang sinabi niyang gusto niya ako.

Natauhan na lang ako nang makaramdam ako ng mabigat na paninitig mula kay Ivan.

"Salamat sa paghatid." Tipid na sabi ko bago agarang bumaba mula sa sasakyan niya.

Pumanhik ako nang patakbo pero tumigil ako nang bigla siyang magsalita.

"I'm serious, Rachel." Sabi niya habang derechong derechong nakatingin sa akin.

Alam ko okay?

Tumakbo na ako papasok at nang makarating sa kwarto ay agad akong nagtago sa kumot.

Buong gabi ay hindi ako makatulog sa kakaisip sa mga nangyari kanina. Nakailang baluktot na ako sa kama ko pero wala pa rin. Ugh! Rachel, kailangan mong matulog. Maaga pa ang pasok mo bukas!

Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. Sinabi lang naman nya na gusto nya ako di ba? Pero bakit sobrang big deal na agad sa akin? It's not like it's the first time na may nagsabing may gusto sila sa akin. May mangilan ngilan akong kakilala sa probinsya na nagkakagusto rin sa akin at mga kaibigan ko sila pero parang biruan lang, parang hindi noon mapantayan ang kaseryosohan ni Ivan kanina.

Parang sasabog na ang utak ko kaya magdesisyon akong magbasa basa na lang sa kusina. Pero imbis na libro ang hawakan ko ay natagpuan ko ang sarili kong hinahalungkat ang message conversation namin ni Ivan sa cellphone ko.

Gusto ko lang ipaalala sa sarili ko kung gaano nakakapeste ang lalaking iyon. Tama, yun nga ang dahilan.

Nakapalumbaba akong nagso-scroll ng mga mensahe naming dalawa.

Asungot

Alam mo, hindi tayo tao, hindi tayo hayop. Alam mo kung ano tayo?

Hindi ko nireplyan ang text nyang iyon.

Asungot

We... Are made for each other. Uuuuy, kinilig! :p

Asungot

Rachel, tulungan mo naman ako. May nawawala kasi sa akin. :(

Ako

Ano na naman?

When She Met the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon