15

221 8 0
                                    

Oficially Closed

Pagakyat ko sa stage ay nahinto ang pagtigil ng puso ko. Kasabay noon ang pagtahimik ng mga tao. Alam kong maraming tao ngayon ang nandito pero ni isa sa kanila ay wala akong makita sa sobrang liwanag ng mga ilaw.

Sobrang lawak ng stage at hindi ko alam kung saan ako maglalakad. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na ihakbang ang mga binti ko. Nangangatog ako pero pilit kong tinibayan ang balanse ko.

Para kay Claudia. Para kay Claudia.

Inayos ko ang paglakad ko habang soot soot ang ngiting ibinilin sa akin ni Austin. Inisip ko na lang na isa sa mga nanonood si Mama at para rin sakanya ang paglakad kong ito.

Unti unti ko nang naaaninag ang ibang tao ng lumapit ako sa stage. Inilagay ko ang kamay ko sa baywang ko at bahagyang nagpose. Naglakad ulit ako hanggang sa makarating ako sa gitna. Doon ako nagpose sa gitna at bago ako umalis ay ngumiti ako ulit at nagflying kiss sa audience. Sabi kasi ni Austin kanina ay kailangan kong gumawa ng raport sa audience ko by seduction or by smiling kaya naisipan kong icombine ang dalawa.

Agad akong naglakad pabalik sa backstage at bago pa tuluyang mamatay ang mga ilaw ay nakarinig ako ng masigabong palakpakan.

"Good job, Rachel! You're awesome!" masayang salubong sa akin ni Marge.

Ngumiti na lang ako atsaka huminga ng malalim. Tapos na, tapos na ang unang bahagi. Mamaya ay lalakad ulit kami pero as a group na kaya hindi na masyadong nakakakaba.

"Girl, ang ganda mo talaga! Ang galing mo kanina ha." Kinindatan ako ni Gretta.

"I knew you can make it. And the flying kiss? Ang hot mo dun!"

Kanina pa umiinit ang pisngi ko sa mga papuri nila. Masaya ako dahil kahit papano alam kong nagawa ko naman ng maayos ang pagrampa kanina.

Dinala ulit nila kami sa dressing room para magpahinga. May ilan pang intermission bago kami palakarin as a group.

Pagkarating ko doon sa likod ay andoon sila Tiffany. Inabutan nila agad ako ng tubig.

"Amazing, Rachel. Congrats! First time mo di ba?" tanong sa akin ni Tiffany.

"Oo eh." sabi ko.

"Wag ka na kabahan. Di naman halata. Atsaka, di hamak naman na mas maganda ka doon sa iba no." bulalas ni Tiffany. Alam kong may mga nakarinig ng sinabi niya kaya itinago ko na lang ang mukha ko sa gilid ng corner namin.

Sinulyapan ko ang ibang babae at ang iba sa kanila ay walang sawang irapan ako.

"Alam mo bigatin ang mga guests ngayon. Nako, sana mataas ang bid sayo. Para sa sosyal na lugar kayo magdadate!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tiffany.

"Ha? Anong date?"

Tumawa si Tiffany at marahang tinapik ang braso kong kumikintab sa bronzer. "Kung sino ang manalo sa bidding ninyo, makakadate mo! Syempre, privilege yun ng bidder. Siya ang magdedecide kung saan kayo magdadate at kung gaano katagal!"

Nanlamig ako. Teka, ano raw?!

"Ha?!" bakit hindi ko alam ito?

"Yup! Pero don't worry dear, dahil kailangan munang i-approve ng major sponsor ang terms ng bidder. In that case, nakay Ivan Dela Paz ang final decision dahil siya ang major sponsor ng activities ng sororities!"

Nanlaki ang mga mata ko. No, no, no!

Ibig sabihin, malalaman at malalaman din ni Ivan na sumali ako dito. Na kahit sinabi na niyang hindi ako sasali rito ay sinuway ko ang utos niya. And worse, kapag nalaman niyang sumali ako ay baka i-expel din si Marge sa sorority.

When She Met the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon