Lahat
"E-ewan ko sayo."
Tuluyan ko na siyang iniwan doon sa gitna ng parking lot. Napahawak ako sa dibdib ko na biglang kumalabog. Ano ba yun? Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking yun? Inalog ko na lang ang ulo ko at ipinagwalang bahala ang mga sinabi niya.
Kinabukasan, kinausap ko si Rae na dadaan ako sa proseso. Noong una ay ayaw pa niyang pumayag. Halatang natatakot siya sa pwedeng reaksyon ni Ivan. Pero dahil mapilit ako ay pinagbigyan niya ang gusto ko. Simple lang naman ang gagawin ko. Bago ako makapasok sa Arts Club ay kailangan ko lang makapag-present sa kanila ng masterpiece ko raw. Pwedeng drawing ng isang magandang lugar, o ng isang sikat na tao, o ng kung anu-anong naiisip ko. Pwede rin daw ang abstract basta't siguraduhin ko lang na wala akong pagkokpyahan. Lahat ng iguhit ko sa ipapasa kong canvass ay produkto mismo ng imahinasyon ko.
"May ida-drawing ka na ba, Rachel?" tanong sa akin ni Felina. Papunta kami ngayon sa canteen para magmeryenda.
"Wala pa nga akong naiisip eh. Kayo ba?"
"Ako meron na. Ida-drawing ko yung huling beses kong nakita ang Mama ko bago siya pumanaw." sabi ni Felina. Napangiti ako. Napaka-touching naman noon.
"Very nice! Uhm.. ako. Gusto kong i-drawing si Warren Fuentes." kinikilig na sabi ni Andrea. Sa kanilang dalawa ni Felina, siya ang patay na patay kay Warren. Literal na naghuhugis puso ang mata niya kapag nakikita si Warren.
"Ikaw talaga, Andrea. Mangarap ka na lang. Kahit kailan di ka magugustuhan nun!"
Umismid si Andrea sa sinabi ni Felina. "Hay nako. Isang araw, kakainin mo yang sinabi mo."
Natawa na lang ako sa pag-aasaran nilang dalawa. Hindi ko naman sila masisi. Kakaiba talaga ang kagwapuhan ni Warren. Lalo na kapag ngumingiti siya. Sa lahat ng lalaki dito sa school, siya ang pinaka-approachable. Na kahit myembro siya ng Alaskan Warriors ay siya pa rin ang pinakapalangiti sa kanila.
Matapos naming kumain ay agad akong dumeretso sa sorority house namin. Mayroon kaming emergency meeting na pangungunahan ni Marge, ang vice president ng sorority.
Pagdating ko doon, andun na si Claudia. Tinapik niya ang upuan sa tabi niya kaya doon ako umupo. Ang ilan sa kanila ay binati ako. Ang ilan naman ay inirapan ako. Alam ko namang galit sila sa akin dahil ako ang dahilan kung bakit napatalsik si Tanya.
"Nandito tayo ngayon para pag-usapan ang Human Auction event na gaganapin next month. At para mag-elect ng bagong president since.." sinulyapan ako ni Marge. "..since wala na sa school na ito si Tanya."
Nginitian lang ako ni Claudia.
Ilang minuto pa ay nagsimula na ang diskusyon. Tahimik lang akong nakikinig sa mga pinaguusapan dahil wala naman akong masasabi rito. Napapangiti na lang ako habang pinapanood silang mag-uusap, conyo style. Dahil sa bawat minutong dumadaan, mas lalo ko lang nararamdaman na hindi ako nararapat sa org na ito. Dahil sa soot pa lang, ako lang ang naiiba rito.
BINABASA MO ANG
When She Met the Night
Romance"Isa lang ang alam kong tama. At yun ay ang mahalin ka."