That's Ivan
Ganoon ang naging scenario sa mga sumunod pang mga araw.
Nakakasulubong ko si Ivan sa school pero hindi niya ako nakikita. O sabihin nating, ayaw niyang tumingin sa akin. Sa tuwing makakasalubong ko siya ay makikipagkwentuhan at tawanan siya sa mga fratmates niya nang hindi ako tinatapunan ng tingin.
Hindi ko alam kung ano ang problema nya pero naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil parang naiinis pa ako sa pagdeadma nya sa akin.
"Gusto mo rin pala ang attention ni Ivan eh. Namimiss mo no?" Tukso sa akin ni Felina nang magkasama kami sa lunch time.
"Hindi no!" Sabi ko. "Okay nga yun eh, finally. Nilubayan na nya ako."
Derederecho lang ang pagkain ko sa sandwich ko kahit alam kong matindi ang tingin na binibigay sa akin ni Felina.
"Aminin mo na, Rachel. Nasanay ka na rin sa pangungulit nya kaya ngayong hindi ka pinapansin, affected ka."
Matalim kong tiningnan si Felina. Hindi ko alam kung para saan ang inis na nararamdaman ko.
"Hindi lang ako kumportable na na may taong galit sa akin." Paliwanag ko.
Ngumiti na lang si Felina at hindi na ako kinulit pa.
Nang nasa CR ako ay ipinukpok ko ang kamay ko sa dibdib kong namamanhid. Bakit ka ba ganyan? Noong isang araw, halos kumawala ka sa sobrang kalabog, ngayon naman parang kinulang ka na sa pagtibok?
Ugh!
Naiinis ako. Naiinis ako pero hindi ko alam kung bakit. Halos masabunutan ko na ang sarili ko sa harap ng salamin. Buti walang tao dito dahil kung hindi, baka napagkamalan na akong baliw.
Aaminin kong nagtataka ako sa inaasal ni Ivan sa akin. Yes, he's usually jolly at hindi lumilipas ang isang araw na hindi niya ako kinukulit at binubully. Pero sa loob ng isang linggo, wala akong natatanggap sakanya kung hindi ang malalamig na pakikitungo.
God, I hate this! I hate how I should be happy na wala na sya sa buhay ko pero parang hinahanap hanap ko naman siya ngayon. Grabe na ha.
"Gumising ka. Gumising ka." Tinapik tapik ko ang sarili ko.
Nang kumalma ako nang kaunti ay nagdesisyon na akong lumabas ng cr. may isa pa akong klase and for the first time, tamad na tamad akong pasukan iyon.
Pero dahil wala akong choice, pumasok pa rin ako. Nakatingin lang ako sa hallway habang naglelecture si Mr. Andrada. Pinaglaruan ko ang ballpen ko sa lamesa at inikot ikot ito sa ibabaw ng notebook ko.
Noong una ay pinapanood ko ang iilang mga estudyante na mapapadaan sa classroom namin. Kinalaunan ay napako na ang tingin ko sa isang groupo ng mga taong masayang nagtatawanan sa kabilang classroom. Agad na nagwala ang sistema ko.
Nakasandal sa puting pader si Ivan, at sa gilid niya ay si Warren at Karl. Masayang nagtatawanan ang dalawa samantalang si Ivan ay maliit na ngiti ang ibinibigay sa isang babae kausap. Mahaba ang buhok nito at makintab na umaalon sa tuwing gagalaw siya. Dahan dahan kong pinanood ang pagtaas ng kamay niya at hinaplos ang braso ni Ivan. Marahang tinapik ito. Nakita ko ang pagngiti ni Ivan, ang paglabas ng dimple niya, ang pagsingkit ng mata niya. Ganitong ganito ang ibinibigay nyang ekspresyon sa tuwing mangungulit siya sa akin, sa tuwing bubwisitin niya ang araw ko, sa tuwing mapapatitig na lang ako sa mmga masasaya nyang mga mata.
Unti-unting bumaling ang tingin niya sa direksyon ko hanggang sa magtama ang tingin niya sa tingin ko. Walang nagbawi ng tingin. Nawala nang paunti unti ang ngiti sa labi nya hanggang sa seryoso na siyang nakatingin sa akin. Naputol lang ang tinginang iyon nang hawakan ng babae ang mukha ni Ivan at iniharap sa kanya.
BINABASA MO ANG
When She Met the Night
Romance"Isa lang ang alam kong tama. At yun ay ang mahalin ka."