5

240 9 0
                                    

Ako Lang

Nakahawak lang ng mahigpit si Night sa manibela. Pagkaalis namin sa school ay agad niya akong pinasakay sa puting sasakyan niya. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at sumama ako sakanya. Pero base sa ekspresyon na ibinibigay niya ngayon, alam kong dapat lang akong manahimik. 

Dahil nasa akin ang coat niya, nakat-shirt lang ngayon si Night. Bahagyang lumabas sa t-shirt niya ang maliliit na guhit na parang korteng 't' sa kanang braso niya. Hindi ko mapigilang sulyapan ito lalo na nang mapansin ko ang isang maliit sa peklat sa ilalim ng letrang iyon.

"Why did you join them?" napatingin ako sakanya nang bigla na lang siyang magsalita.

Nang hindi ako nakasagot agad ay sumulyap siya sa akin at inulit ang tanong niya. "Bakit ka sumali sa sorority ni Tanya?" nanigas ang panga niya sa pagbanggit niya sa pangalan ni Tanya.

"Andun kasi si Claudia." tipid kong sagot.

"Yun lang?"

"Kelangan daw kasi ng at least isang affiliation. Eh total, andun naman si Claudia. At pinsan ko siya." teka nga, bakit ba ako nagpapaliwanag sa lalaking to? 

"Dahil pinsan mo si Claudia, sasama ka sakanya sa kahit na saan?" tanong niya.

Napataas ang kilay ko. "Oo naman. May tiwala ako sakanya." Mahinang sambit ko. Sa totoo lang may tiwala naman talaga ako kay Claudia. Pinsan ko siya at alam kong hindi niya ako hahayaang mapahamak. Pero kahit papaano ay hindi ko maiwasang saaman ng loob sa nangyari kanina. Alam ko namang alam niya na ganoon ang dadanasin ko, bakit niya ako hinayaang sumali sa sorority na iyon? Kung wala siguro si Night kanina sa kwartong iyon, malamang ay matinding pagkakapaso pa ang natamo ko.

Nagulat na lang ako nang biglang humalakhak si Night sa gilid ko.Tiningnan niya ako nang may ngiti sa labi. "So, you trust me now kasi sumama ka sa akin ngayon nang walang reklamo?" nanunuyang sabi niya.

Nanlaki agad ang mata ko. "Hindi no! Wala lang ako sa sarili kanina kaya sumama ako sayo. Saan nga pala tayo pupunta? Itabi mo nga ang sasakyan mo. Bababa ako!" Pagtataray ko. Muntik ko pa man din siyang pasalamatan sa pagkakaligtas niya sa akin. Pero heto na naman siya at inatake na naman ng pagiging mahangin niya. 

Tumawa siya. "Wow. Ganyan ka ba magpasalamat sa Knight in shining armor mo?"

Umirap ako sa ere. "Hindi ko naman kelangan ng tulong mo. Kaya ko ang sarili ko."

Tiningnan ko na lang ang samu't saring sasakyan na nalalampasan namin. Alam kong matulin ang pagpapatakbo niya dahil mabilis naming nalalampasan ang mga sasakyan. Pero hindi ko alam kung bakit pero hindi ako nakakaramdam ng takot sa mga ginagawa niya. Nakapagtataka nga dahil hindi ko nararamdaman ang takot lalo na't hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin. Tiningnan ko si Night habang nagmamaneho nang nakangisi. Kung titingnan mo siya ay para siyang maamong tupa. Pero sa tuwing binubuksan nya ang bibig niya, agad na kumukulo ang dugo ko. Lalo na kapag naiisip ko ulit yung kababuyan na ginawa niya sa akin.

"Ibaba mo na ako. Kaya ko nang umuwi mag-isa." sabi ko.

Pero tiningnan lang ako Night pagkatapos ay parang baliw na ngingiti ulit.

Naningkit ang mata ko. "Ibaba mo sabi ako eh." pagtataray ko. Sa totoo lang, wala na akong ideya kung nasaang lupalop kami ngayon. Hindi ko pa gaanong kabisado ang Maynila!

"Paano kung ayoko?"

"Basta ibaba mo ako! Kainis ka naman eh."

"Sige. Pero sa isang kondisyon." biglang lumaki ang ngisi niya. Kanina ko pa siya iniirapan pero hindi naman niya nakikita dahil nakatingin lang siya sa kalsada. Kung hindi lang talaga siya nagmamaneho ay kanina ko pa siya sinapak.

"Ano?" Iritableng tanong ko.

Bigla niyang itinabi ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Nagtaka ako nang harapin nya akong bigla. 

"Kiss me." casual na pagkakasabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "ANO?" hibang na ba ang lalaking to?

"Kiss me and I'll take you home... or, you don't kiss me and get stuck with me in this car, forever." Kinagat niya ang ibabang labi niya pagkatapos niyang sabihin iyon. Nagcross arms pa siya sa upuan niya habang prenteng hinihintay ang sagot ko.

Halos malaglag na ang panga ko sa matting ng sasakyan niya. Seryoso ba talaga siya? AT BAKIT KO NAMAN GAGAWIN YUN? Hindi pa ako baliw para halikan ang isang taong hindi ko naman kaano-ano!

"I'm waiting, Rachelyn." malambing na sabi niya. Mas lalo akong nainis.

Kinapa ko ang lock ng sasakyan niya at akmang bubuksan ito pero kahit na anong gawin kong pagbukas ay ayaw magbukas ng pintuan. Tiningnan ko ng masama ang lalaking mapupunit na yata ang labi sa kakangisi.

"Buksan mo nga! Wala akong panahong makipagbiruan sayo ha." 

Dahil sa sinabi ko ay biglang sumeryoso ang mukha niya. "Do I look like I'm kidding to you?"

"Hindi kita hahalikan! Hindi tayo close!" Nag-iwas ako ng tingin dahil nakita ko na seryoso nga siya. Pangalawang beses ko pa lang nakikita ngayong araw ang seryoso niyang ekspresyon at alam kong hindi nga siya nagbibiro. 

"Well then, let's be close!" biglang sabi niya. Iba talaga ang lalaking ito. Iba sa kapal ng mukha.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinapak ko ang kanang braso niya. Pero parang wala lang sakanya ang pagtingin ko sakanya nang masama. "Please, Ivan. Iuwi mo na ako. Gabi na!" nakita ko sa relo ng sasakyan nya na alas-diyes na ng gabi. Meaning, dalawang oras na kaming paikot ikot dito. At sigurado akong hinahanap na ako ni Claudia ngayon!

Tiningnan ko si Night na ngayon ay nakapikit na. 

"Say it again." mahinang sabi niya.

"Ha?"

Nagmulat siya ng mata at tiningnan ako ng seryoso. "Say my name again." Napakunot ang noo ko. Ano na naman itong pakulo niyang ito? Siguro, bipolar ang lalaking ito. Kanina lang ang kulit kulit niya, ngayon naman bigla-bigla siyang magseseryoso.

"Ivan." walang ganang sabi ko.

Ginulo niya ang buhok niya atsaka ngumiti na naman sa akin. Confirmed. Bipolar nga siya. "Shit lang."

Habang nakahawak ang kaliwang kamay niya sa manibela ay unti-unti niyang nilalapit ang sarili niya sa akin. Kinabahan ako sa unti-unting pagliit ng distansya namin kanina. "I-Ivan, teka lang.." inatras ko pa ang sarili ko pasiksik sa pintuan niya. Nanlaki na ang mga mata ko habang mas inilalapit pa niya ang sarili niya sa akin. ANO BA ANG TOPAK NG LALAKING ITO?

Handa na sana akong sampalin siya pero natigilan ako nang magsalita siya.

"Gusto ko ang tinatawag mo ako sa pangalan ko. Pero ito.." sabi nya sabay haplos sa tatlong paso ng sigarilyo sa dibdib ko. "...ito, kahit kailan hinding hindi ko magugustuhan."

Napatulala lang ako sa sinabi niya. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kiliti sa loob ko. Wala pa rin ako sa sarili ko nang itaas niya ang kamay niya at hawiin ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa pisngi ko. Inilagay niya iyon sa likod ng taenga ko.

"From now on, wala nang ibang pwedeng makalapit sayo. AKO LANG, Rachel. Ako lang." ma-awtoridad na sabi niya bago muling buksan ang sasakyan at paharurutin ito. Patungo kung saan? Hindi ko na alam.

When She Met the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon