21

231 7 5
                                    

Ano, tara?

True enough, hindi na nga ineentertain ni Ivan ang ibang babae sa tuwing lalapit ang mga ito sakanya. Pero parang napasobra yata ang pagaassume nya sa pagseselos ko dahil nagbigay siya ng utos na lahat ng babaeng may concern ay sa akin na lang sabihin at ako ang magrerelay ng mga iyon kay Ivan.

Kaya naman nagngingitngit ako sa galit ngayon dahil imbis na magpunta sana ng library dahil may tambak akong gagawing paperworks, ay heto ako at tinatahak ang mahabang daan papunta sa frat house.

Mabilis ang mga lakad ko para makatipid ng oras at mabibigat kong kinatok ang pintuan ng frat house nila.

Mula sa tawanan ay narinig ko ang pagtahimik sa loob, na parang naalerto sila sa kalampog na dulot ko.

Nagbukas ng pinto ang mga alipores, at wala akong panahong tingnan sila dahil dere-derecho ang lakad ko papunta sa opisina ni Ivan.

Medyo nawala ang inis ko nang makita si Warren sa isang sofa, may hawak na gitara at nakangiti sa akin. Ngumiti ako ng maliit. Hindi ko kailanman kayang tarayan si Warren, hindi ko alam kung bakit.

Itinulak ko ang pinto ni Ivan at tumambad sa akin ang gulat nyang mukha habang nakaharap sa blow up picture nya.

"You're so sweet, Rachel. Nagawa mo pa akong bisitahin dito. I'm so touched." Aamba sya ng yakap para mas asarin ako nang hambalusin ko siya sa dibdib.

"Ivan, wala akong panahong makipaglokohan sayo ha. Hindi ngayon, hindi kailanman!" Sigaw ko.

"Oh?" Tumaas ang kilay nya. "Ehdi wag tayong maglokohan! Magmahalan na lang tayo habang buhay, Rachel."

Gusto kong mapafacepalm. Pag ganito ang mood ni Ivan, yung masyadong playful at masyadong cheerful ay mahirap siyang kausapin ng seryoso.

Inipon ko muna ang lahat ng inis ko at huminga ng malalim. Kapag nakita nyang naiinis na naman ako ay mas lalo nya akong iinisin.

"Ivan." Madiin kong sabi habang pinipilit ang pagngiti. "Kailangan kong mag-aral. Finals na at madami na ang deadline. Kaya pwede ba? Bawiin mo na ang gusto mong ako ang maging messenger ng mga babae mo dahil nagiging abala na sa akin iyon!"

Ngumiti siya ng sobrang laki kaya halos gusto ko na namang iumpog ang ulo ko sa pader.

"Ano ba ang exam mo? Sino ang prof mo dyan? You know, you can still pasa ev----"

I cut him right in the guts. "No. Hindi mo gagamitin ang pangalan mo para ipasa ako. Naiintindihan mo?"

"But Rache--"

"Sssshhhh! Pwede ba? Ayokong makipagtalo sayo, ugh!" I stomped my feet on the ground. Kung may contest ng pagiging makulit, tiyak ko si Ivan na ang mananalo.

"Nandito ako sa school para makapag-aral Ivan. Hindi para landian ka para ipasa ko ang mga subjects ko. So please? Stop playing around with me. Kung wala kang magawa, mag-aral ka rin!"

"But I don't want you jealous, Rachel."

"I'm not jealous, okay?"

Inirapan ko siya. Itinuon ko na lang ang tingin ko aa kabuuan ng kwarto niya para kalmahin ang sarili ko. Ano ba ang gagawin ko kay Ivan? Sobrang kulit niya na tipong kahit naaabala na niya ang mga dapat kong gawin ay wala siyang pakialam. For him, kung mag gusto siya ay dapat niyang makuha and he uses his position, his name, to get everything he wants in return.

Sorry siya, pero hindi ako ganoon.

"Pinapasabi ni Ellen na kailangan na raw ng funds ng maintainance." Sinabi ko sakanya ang totoong pakay ko rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When She Met the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon