Ang Arts Club
Tatlong linggo na ako rito sa sa Maynila at sa loob ng tatlong linggo masasabi kong unti-unti na akong nakakapag-adjust. Kaya ko nang magcommute sa kung saan-saan para mamasyal nang hindi naliligaw. Kabisado ko na rin ang mga pamasahe sa jeep at bus. Dito naman sa school, sa ngayon ay maaayos naman ang performances ko sa parehong academics at extra-curricular. Noong isang araw nga, kinausap pa ako ng professor ko sa Literature na ako raw ang representative ng batch namin sa gaganapin na Foundation day sa ikatlong buwan ng pasukan.
Ibinalita ko na rin kay Mama ang lahat ng magagandang bagay na nangayayari sa akin dito sa Maynila at tuwang tuwa siya sa mga nangyayari sa akin. Sinabi lang niya na galingan ko pa raw nang sa gayon ay makapagtapos ako ng maaga at makapaghanap ng magandang trabaho.
Pero mayroon akong isang bagay na hindi sinabi sa kanya. At iyon ay ang pagsali ko sa sorority ni Claudia. Alam kong kapag sinabi ko sakanya iyon ay mag-aalala lang siya sa akin. Kung tutuusin, ang pagsali sa sorority nila ay hindi naman kasing sama ng inaasahan ko. Binigay na nila sa akin ang listahan ng mga activities ng sorority sa sem na ito at ang pinakauna naming activity ay ang human auction event na gaganapin sa susunod na buwan.
Kaya kapag may bakante akong oras ay sa library agad ako pumupunta. Doon ako nag-aadvance reading dahil alam kong magiging busy na kami sa mga activities ng sorority. Kailangan kong gumawa ng paraan para balansehin ang academics at extra-curricular ko.
Isang araw, habang tahimik akong nagbabasa sa library ay may biglang umupo sa harapan ko. Sa amoy pa lang ng pabango niya ay hindi ko na kailangang hulaan kung sino ang nangahas na lapitan ako.
"Hi, miss suplada." nakangising sabi niya.
Umirap ako habang pinagpapatuloy ang pagbabasa. Hindi ko siya papansinin. Ipinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari, iiwasan ko na ang lalaking ito dahil hindi siya makakatulong sa pag-unlad ko.
"Aga-aga ang sungit ah. Oh para sayo." may isang puting supot siyang inilagay sa may gilid ko. Tiningnan ko iyon at pagkatapos ay tiningnan siya.
"Ano yan?"
"Finally! You talked!" sigaw niya. Napatingin sa gawi namin ang ilang mga estudyante dito sa library. Maging ang librarian ay napatayo at tiningnan kung sino ang gumawa ng ingay. Pero nang makita niya na si Ivan ang nagsalita ay nagkibit balikat na lamang siya.
"Huwag ka ngang maingay. Nasa library tayo. Atsaka nagbabasa ko kaya pwede ba, alis, alis." pagtataboy ko sakanya. Hinarang ko na ang hawak kong libro sa mukha niya para hindi ko na siya makita pa.
Sumilip siya sa gilid ng libro ko. "May inabot lang naman ako sayo ah? Why so rude?" nagpout pa ang labi niya atsaka umaktong nasasaktan. Inirapan ko na naman siya at ibinaba ang librong hawak ko.
Sinilip ko ang laman ng binigay niyang supot para matapos na ang pangungulit niya. Isa itong ointment for scars, burns, and wounds.
"Ilagay mo jan sa paso mo. Promise, effective yan. Nakakawala ng sakit atsaka matatanggal din yung peklat." nakangiting sabi niya.
BINABASA MO ANG
When She Met the Night
Romance"Isa lang ang alam kong tama. At yun ay ang mahalin ka."