2

317 10 2
                                    

 Nakipaghalikan sa Kahoy

Nakainom na si Claudia nang dumating siya sa apartment na tinutuluyan namin. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya ng pintuan ay agad niya akong pinagalitan.

"Look what you've done!" sigaw niya habang hinuhubad ang red heels niya.

"Rachel naman, sa lahat ng taong pwede mong sampalin, bakit naman si Night pa? Kung hindi lang talaga ako kilala nun, nako bukas na bukas tiyak ko lagot ka sa school! Hindi mo ba alam kung ano'ng paliwanagan ang pinagdaanan ko para lang maabswelto ka, ha?"

Inirapan ko si Rachel. "Teka nga, siya ang may atraso sa akin dahil hindi ko siya kilala tapos bigla na lang siyang manghahalik. Kabastusan iyon, Claudia!"

"Aba, dapat nga matuwa ka pa at hinalikan ka ni Night ano. Privilege yun!"

Napaismid ako sa baluktot na pag-iisip ni Claudia. Hindi ako makapaniwalang ganyan na siya mag-isip ngayon. At imbis na ako ang kampihan niya dahil ako ang pinsan niya, ang walangyang Night na iyon pa ang tama sa paningin niya.

"Ganito ba talaga rito sa Maynila? Wala na bang boses ang mga ordinaryong taong kagaya ko? Na kahit na bastusin na ako, tatahimik na lang ako? At ako pa ang magpapakumbaba?"

Napabuntong hininga si Claudia atsaka ako dinaluhan sa hapagkainan. Ginulo niya ang buhok niya. "Ray-ray. Nasa Maynila ka. Dito hindi puso ang pinaiiral, utak. Kailangan marunong kang makipaglaro, okay? Dahil kung hindi, kawawa ka lang bandang huli."

Tinanggal niya ang mga alahas na nakabalot sa katawan niya. "Si Night ang leader ng Alaskan Warriors. Ivan Marco Dela Paz ang tunay niyang pangalan. Mess with anyone in our school, but never mess with Night. Iba siya, Rachel."

"Oo, iba nga. Tingin ko, siya ang pinaka-malala." pabulong kong sabi.

"I'm just giving you a piece of advice. Don't ever mess with him. Siya ang klase ng taong dapat kinakaibigan, Rachel. If Night is your friend, then you'll go places. Believe me. Kaya kung nabastos ka man niya, sana ay pinagpasensyahan mo na lang siya. Bukas, hihingi ka ng sorry sakanya."

"ANO?!" napatayo ako sa upuan ko. "Claudia naman! Ako ba ang may kasalanan? Di ba siya naman?"

"Oo nga. Pero kung hindi ka hihingi ng tawad sakanya, tiyak bukas na bukas rin patatalsikin ka niya sa school! Isipin mo si Auntie Elena!"

At dahil sa sinabing iyon ni Claudia, napatahimik ako. Oh eh di mabuti! Para makabalik na ako ng probinsya at doon ako mamumuhay nang matiwasay. Pero naisip ko rin si Mama. Nagpakahirap siya para suportahan ang pamumuhay ko rito sa Maynila tapos ay babaliwalain ko lang iyon dahil lang sa isang walang kwentang lalaki? Buong gabi ay kinwentuhan lang ako ni Claudia tungkol kay Night. Bukod sa siya ang pinakanakakatakot daw na lalaki sa school, siya rin ang pinakamaimpluwensya. Napagalaman ko rin na magulang ni Night ang may-ari ng eskwelahan namin ngayon kaya tiyak kong kapag nakarating sa taas ang ginawa kong pananampal sa anak nila, agad akong patatalsikin sa school.

Wala akong nagawa kung hindi lunukin ang pride ko. Hihingi ako ng tawad sa lalaking iyon at gagawin ko ang lahat maiwasan lang siya. Apat na taon lang na pagtitiis, Rachel. Apat na taon lang.

Pagkatapos ng dalawa kong subject ay hinila agad ako ni Claudia papunta sa kinaroroonan ni Night. Labag man sa loob ko ay sumama ako kay Claudia. Nakarating kami sa likurang bahagi ng school kung saan may maliit na pintuan. Kumatok si Claudia at agad kaming sinalubong ng isang matabang lalaki.

"Hi, Claudia!" magiliw na ngiti nito kay Claudia. Pagkuway nalipat sa akin ang atensyon nya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Mula sa magiliw na mukha ay napalitan iyon ng pag-igting ng bagang niya. 

"Easy, Gino. We're here to say sorry. Pinsan ko, si Rachel. Kilala nyo na naman siya, right?" 

Tumango ang mataba kay Claudia. Kahit na masama ang tingin niya sa akin ay pinalampas niya kami. Pagkapasok ko ay una kong napansin ang laki ng kwarto. Para na itong bahay. Marahil ito ang frathouse nila rito. Kumpleto rin sa gamit. May couch, may flatscreen na tv, may bilyaran, may maliit na golf course? Kanina pa siguro nalaglag ang panga ko sa lupa. Ngayon lang ako nakakita nang ganitong klaseng eskewalahan. May higit sa benteng kalalakihan rin siguro ang nandito ngayon sa kwarto. Ang ilan sa kanila ay nakikipagtawanan sa mga kasamahan habang naglalaro. Ang ilan naman ay napansin na ang presensya namin ni Claudia.

At tulad kanina, ang maaamo nilang mga mukha ay biglang tumatapang kapag nakikita ako. Mukha silang maamo sa una, pero kapag nakita na nila ako, mukha na silang aamba ng suntok. Sa totoo lang, unti-unti na akong nakakaramdam ng takot.

"Oh, Claudia! Nabisita ka!" bati ni Warren na bukod tanging nakangiti sa akin. "Hi, Rachel. Nice seeing you again."

Nginitian ko siya ng tipid. Iniwasan kong tumingin sa mga lalaking mag-aapoy na yata sa galit kaya tumingin na lang ako sa sahig.

"Uhm.. Warren, si Night ba, anjan?" tanong ni Claudia.

"Oo. Nasa loob eh. Bakit?" Sinulyapan ako ni Warren na parang may ideya na sa ipinunta namin ni Claudia dito.

Siniko ako ni Claudia at minata.

"Uhm.. gusto ko lang mag... sorry." Napapikit ako nang sinabi ko ang salitang iyon. Hindi ako makapaniwala na kakainin ko ang prinsipyo kong alam kong tama nang dahil lang sa Night na iyon!

Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa loob. At kasabay noon ang paglagabog ng pintuan.

Iniluwa noon ang isang magiting na lalaki na parang kagigising lang. Magulo pa ang buhok niya at nag-iinat inat pa siya ng katawan. Napatulala na lang ako sakanya. Ngayon lang ako nagkachance na titigan siya. Kagaya ni Warren ay may pagkasingkit din ang mga mata nito. Mayroon siyang side burns sa magkabilang pisngi. Matangos ang kanyang ilong at mapula ang mga labi. Isa siyang perpektong likha ng Diyos! Pero nagising ako sa katotohanan na kahit gwapo siya, masahol naman ang ugali niya.

Nagulat siya nang makita niya ako. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at nang ibalik niya ang tingin niya sa akin ay mayroon na siyang mapaglarong ngiti sa labi. Seryoso, siya ba talaga ang leader ng frat na ito? Dahil sa totoo lang, napakaamo ng mukha niya lalo na kapag nanunuya ang ngiti niya.

"Look who we have here.." sabi niya habang lumalapit sa amin.

Pinigilan ko ang sarili kong irapan siya. Tandaan mo, Rachel. Hihingi ka ng paumanhin, hihingi ka ng paumanhin.

"Night, an---"

"Looking for me? Are you here to say sorry for slapping me and for telling me how good kisser I was last night?" hindi niya pinansin ang sasabihin ni Claudia presko niya akong tiningnan.

Nakatingin lang din ako sakanya ng masama hanggang sa kurutin ako ni Claudia sa tagiliran. Pumikit ako at pinilit na sabihin ang pakay namin.

"Yes, I'm sorry."

"OHHHH!" Tumawa siya pagkatapos kong magsalita. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang mga lalaking nagtatawanan.

"Heard that guys? She knew the word! Go on. Go on." nagcross arms siya sa harapan ko at tila inaantay na sabihin ko ang mga katagang magaling siyang humalik.

Ikinuyom ko ang kamao ko. Kinalimutan ko na sa utak ko ang kagwapuhan niya at tanging ang mayabang niyang ugali lang ang tumatak sa isip ko.

"Sorry kasi sinampal kita." Lumaki ang ngisi niya. "AT SORRY DIN PERO HINDI KA MAGALING HUMALIK! ANG TIGAS NG LABI MO! PARA AKONG NAKIKIPAGHALIKAN SA KAHOY!" Napakagat na lang ako sa labi ko pagkatapos kong sabihin iyon. Nalaglag ang mga panga nila sa sinabi ko.

Hindi ko na naantay ang sasabihin niya dahil tumalikod na ako at umalis. Pagkasarang pagkasara ko ng pintuan ng frat house nila ay narinig ko ang dagundong ng tawanan nila.

Bwisit na lalaking yun!

Siguro naman hindi na niya ako guguluhin di ba? Siguro naman abswelto na ako dahil nag-sorry na ako sakanya.

Pero bakit may kakaiba akong nararamdaman na simula pa lang ito ng mga kalbaryo ko sa buhay? 

When She Met the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon