14

258 8 0
                                    

Human Auction Event

Sender: Claudia Madrigal

Nasa stadium si Night. Kausapin mo na. Please, Ray-ray.

Napabuntong hininga ako. Isang linggo ko nang hindi nakikita si Claudia dito sa school. Hindi rin siya umuuwi sa aparment namin. Alalang alala na ako sakanya lalo na nang tumawag si Tita Maricar noong isang araw para kamustahin kami dito sa Maynila. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin kaya sinabi ko na lang na okay kami sa bahay at sa school.

Pero ang totoo, hindi ko alam kung nasaang lupalop si ang pinsan ko ngayon. Sa text lang siya nagpaparamdam at tungkol pa lagi iyon sa paghiram ng pera kay Ivan.

Sa Biyernes na ang gaganaping Human Auction event namin. Minsan natakas ako sa usapan namin ni Night para puntahan si Marge.

Pinakilala niya ako sa iba niyang kaibigan na tutulong daw sa akin sa event. Nakilala ko si Gretta na make up artist at hair stylist na family friend nila Marge. Chineck-up niya ang mukha ko at ang balat ko para malaman kung paano aayusan sa mismong event.

Nakilala ko rin si Tiffany na pinsan naman ni Marge na handa akong gawan ng isosoot para sa event.

"Pero Marge, wala akong pambayad sa mga yan eh." Sabi ko sakanya isang beses nang puntahan namin si Tiffany sa bahay nila para kuhanan ako ng sukat.

"I know right? Pero don't worry, Rachel. Para sa iyo, libre  na yan. Total gagawa at gagawa rin naman si Tiff ng gowns para idisplay sa botique nya. Ikaw na muna ang magsoot." nakangiting sabi ni Marge.

Umoo na lang ako at sumunod sa mga sinasabi ni Marge. Total naman buo naman ang loob ko sa pagsali rito.

Habang papalapit ang byernes ay hindi ko mapigilang kabahan. Lalo na noong nalaman ko na kailangang rumampa pa sa harap ng stage kung saan puro bigating personalidad ang manonood. Bilin pa sa akin ni Marge na kailangan ko raw galingan at amuhin ang mga manonood para mataas ang i-bid sa akin.

Pilit kong minemorize ang lahat ng tips na binigay ni Marge sa akin pero binalot lang ako ng binalot ng kaba ko. Para kay Claudia. Para iligtas si Claudia. Yan na lang ang iniisip ko para hindi tuluyang umatras sa pagsali.

"Wag mo na ko masyadong isipin. I'm just right here in front of you." Nakahalukipkip na sabi ni Ivan.

"Ha?"

Biglang tumunog ang cellphone ko. Isang message galing kay Marge.

Rachel, idadaan na lang ng pinsan ko bukas sa apartment mo yung gown mo ha? Aayusan ka rin nila Gretta bukas. Sumabay ka na kay Austin papunta kila Tiffany. Goodluck!:)

Napalunok ako. Grabe, bukas na bukas na talaga yung event. Daig ko pa ang ginagapangan ng isang libong daga sa dibdib ngayon.

"Rachel?"

Napatingin ako kay Ivan na seryosong nakatingin sa akin. Tiningnan niya ang cellphone ko atsaka ako tiningnan ulit.

"Anong sabi mo?" tanong ko.

Saglit siyang natigilan pero ngumisi siya. Isang mapang-asar na ngisi. "Sabi ko, siguro pagod na pagod na ako."

"Bakit?"

"Kasi kanina pa ako tumatakbo jan sa isip mo eh." tumawa siya na siyang ikinangiwi ng bibig ko.

"Pero alam mo, eto seryoso. Naawa ako sayo."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. At paano naman ako naging kaawa-awa? Oo, mahirap kami pero hindi ko kailangan ng awa niya!

"Ako? Nakakaawa?!" galit na sambit ko.

When She Met the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon