Forgive Me
Patuloy lang ang pagamo niya sa akin. Basang basa na kami ng ulan. Hindi ko na namalayan ito dahil busy ang kalooban kong umiyak kay Ivan. Nang kumalma ako ay humiwalay ako sakanya ng yakap at hinila siya pabalik ng restaurant.
Binitawan ko ang kamay nya at inayos ang hitsura ko. Kita ko sa gilid ng mata ko ang pagaayos niya rin sa polo niya atsaka ay ang pagsulyap niya sa akin.
Kinabahan ako. He's now here and now what?
"Kanina ka pa dito?" Banayad nyang tanong.
Hindi ako agad nakasagot. Namataan ko ang payong niyang nakabaliktad sa kalsada. Unti-unti na itong napupuno ng ulan.
"Yung.. Payong mo." Ang sabi ko na lang.
Tiningnan nya rin ang payong atsaka umiling. Lumapit siya sa akin at nagulat ako nang hawakan nya ang kamay ko.
"Let's go. Sa loob tayo."
Nakayuko habang naglalakad pabalik sa loob. Nakita ko ang pagtingin ng iilang waiter nagtatanong sa akin sa kanila. Nahiya ako bigla. Alam nilang kanina pa ako rito at ang lalaking ito ang hinihintay ko.
Umupo kami ni Ivan sa may couch. Dito sa area na ito ay hindi masyadong tama ng aircon kaya siguro dito nya kami pinaupo. Humingi agad siya sa waiter ng tissue. Binigay nya sa akin ang ilan at pareho kaming nagpunas ng iilang patak ng ulan sa braso namin.
"Kumain ka na?" Tanong niya sa akin.
Umiling ako.
Sumenyas ulit siya sa waiter atsaka sinabi ang order namin. Hindi ko na narinig kung ano iyon dahil lumilipad na naman ang utak ko. Binalutan na naman ng kaba ang puso ko ngayong andito na siya.
Kanina ay napractice ko na ang speech ko pero ngayon, nakalimutan ko nang bigla. Nakayuko lang ako at nakatingin sa mga daliri kong nakapatong sa mga binti ko. Maging si Ivan ay hindi nagsasalita.
Dumating ang pagkain namin ay walang naimik sa amin. Masarap ang pagkain pero hindi ko masyadong naenjoy dahil sa awkwardness na nararamdaman ko.
Uminom ako ng iced tea. Napatingin ako ng bigla siyang magmura.
"Sorry." Sabi niya nang makita ang gulat kong reaksyon. "It's just that.. This is not how I imagine our first date would be like."
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya.
"C'mon."
Tumayo siya at naglahad ng kamay. Umiwas ako ng tingin at nauna nang maglakad sakanya. Nang bababa na ako sa hagdan ay pinigilan nya ako.
"Wait for me here. Maaambunan ka. I'll just get the car."
Doon ko natitigan ang soot ni Ivan. Nakalong polo sleeves siya na kulay asul. Napatingin tuloy ako sa suot ko. Mabuti na lang at pinahiram ako ni Marge nang damit dahil kung hindi, baka magmukha akong basura sa tabi ni Ivan. He looks effortlessly good kahit anong sootin nya. Siguro ay normal na ang mga ganitong pananamit sakanya.
Ilang sandali lang ay umilaw na ang puting sasakyan nya. Sinalubong pa nya ako atsaka pinagbuksan ako ng pintuan.
Tahimik lang siyang nagmamaneho sa loob. Nakatingin lang ako sa labas at pinapanood ang mga coffee shops na nadadaanan namin.
Doon lang ako gumalaw nang makarating kami sa isang park. Mukhang park ito sa isang mamahaling subdivision dahil sa ayos at kawalan ng tao. Maganda ang mga ilaw at ang mga bulaklak sa gitna. Kahit gabi na ay magandang maganda pa rin ang kabuuan.
BINABASA MO ANG
When She Met the Night
Romance"Isa lang ang alam kong tama. At yun ay ang mahalin ka."