Nicest Person Around
Wala nang tao sa frat house nila nang dumating kami. Nadatnan na lang namin na sobrang makalat doon sa loob. May basyo ng alak, mga balat ng tsitsirya, mga upos ng sigarilyo at kung anu-ano pa. Napakamot si Ivan nang makita ang ayos ng frat house at napatingin sa akin.
"Teka, dyan ka lang." sabi niya.
Pumasok siya sa loob at isa-isang pinagpupulot ang mga basura. Napatunganga na lang ako habang pinapanood siya. Ang leader ng pinakamalakas na grupo sa school na to, naglilinis ng frat house?!
Napangiti ako. Kahit kailan ay mukhang maamo talaga si Ivan. Sa kinikilos niya ngayon hindi mo aakalain na siya ang hari sa grupong ito. Kung may camera lang ako, ang sarap lang siguro niyang kuhanan at iblackmail sa mga fangirls niya ang hitsura nya ngayon.
Ibinalik ko sa pagkabusangot ang kanina'y nakangiti kong mukha nang humarap sa akin si Ivan.
"Okay lang ba sayo dito?" sabay turo niya sa isang bakanteng lamesa.
Tumango ako at dahan-dahang inilapag ang mga gamit ko roon. Pinasadahan ko ulit ng tingin ang frat house nila at kagaya noong una, namangha ulit ako. Mukhang mamahalin talaga ang bawat furniture at appliance na andito. Mas lalo kong na-appreciate ang buong lugar dahil wala masyado ang mga lalaking nakatambay dito.
Nagulat ako nang may musikang biglang nagplay sa paligid. Napatingin ako kay Ivan na nakangisi sa akin habang kinakalikot ang Ipod niya. Inirapan ko na lang siya at umupo sa isang puti at bilog na upuan.
Sht. Sabi ko sa sarili ko, hinding hindi na ako papasok muli sa kwartong to. Pero ano ngayon, andito na naman ako. At ang masaklap pa doon, dalawa lang kami ng Ivan na to ang nandito! Sinulyapan ko ulit ng tingin si Ivan na nakangisi at nakatingin sa Ipod niya. Tuwing ngumingiti siya nang ganyan, nagmumukha siyang maamong bata. Wala sa hitsura niya ang pagiging leader ng isang malakas na grupo.
"Oh, bat di ka pa nagsisimula?"
"Ha?"
Humalakhak siya. "Akala ko gagawin mo yung drawing mo?"
Tumango tango ako at nagsimulang halughugin ang bag ko. Buti na lang at may dala akong lapis at papel. Ano kayang maiguhit? Sa totoo lang, hanggang ngayon wala pa akong ideya kung ano ang ida-drawing ko.
Biglang umupo si Ivan sa harapan ko. Inilagay niya ang dalawang paa niya sa ibabaw ng mesa at ang dalawang kamay niya sa likod ng batok niya. Tiningnan ko siya ng masama.
Tumaas naman ang kilay niya. "C'mon, Rachel. I-drawing mo na ako." Kampanteng sabi niya.
"HA?"
"I'm letting you draw me for free. C'mon." tumaas ang gilid ng labi niya. Inatake na naman siya ng kayabangan niya.
"Excuse me? At sino namang nagsabi sayo na gusto kitang iguhit?" Padabog kong kinuha ang papel ko at itinaas iyon para harangan si Ivan. Okay na sana eh, matutuwa na ako dahil sa kabaitan niya kanina pero sa tuwing magyayabang siya ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mainis.
Anong oras kaya ako uuwi? Hindi ko pa man din nasabihan si Claudia na andito ako ngayon at nagpapaalipin sa Ivan na to.
Tumayo si Ivan at lumipat sa couch. Habang naglalakad siya ay pasipol sipol lang siya. Kung makaasta talaga siya ay akala mo walang pinoproblema sa buhay.
"Ikaw, hindi ka ba gagawa? Sabi ni Rae, magpapasa ka rin daw bukas."
"Tss." Sabi niya habang prenteng nakahiga at nagbabasa ng magazine. "Kahit naman wala akong ipresent bukas, I know he'll let me in."
Napairap ako sa ere. "Iba pa rin yung pinaghihirapan, Ivan."
Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko at ipinagpatuloy lang ang pagbabasa ng magazine. Ah, bahala siya diyan! Yan ang mahirap sa mga laking spoiled. Porket alam niyang makakapasok naman siya kahit wala siyang effort na gawin.
Sa halip na si Ivan ang intindihin ko ay itinuon ko na lang ang pansin ko sa drawing na kailangan kong gawin. Pero kahit anoong gawin kong pilit, walang pumapasok na ideya sa utak ko. Kung ipinta ko na lang kaya ang lugar na kinalakihan ko? Ang bahay namin sa probinsya? O ang bukid nila Mang Ted? Hindi ko alam kung ilang minuto na ang sinasayang ko sa pagse-sketch pero kalaunan ay buburahin ko rin.
"Nakakainis naman." bulong ko sa sarili ko. Kung nasa apartment lang siguro ako, mas makakapagfocus ako.
Out of frustration ay inilapag ko ang papel sa lamesa at tiningnan ng masama si Iva. Kasalanan niya. Kasalanan niya kung bakit hindi ako makapagdrawing ngayon!
Pero unti-unting nawala ang pagkunot ng noo ko nang makita ko si Ivan na natutulog. Nakapatong ang magazine sa dibdib niya at nakababa ang isang kamay niya sa sahig. Nakaawang nang kaunti ang bibig niya.
Hindi ko alam kung bakit pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na kinukuha muli ang piraso ng papel at lapis at nagsimulang iguhit ang natutulog na si Ivan. Lumapit ako sa isang upuan na malapit sa kinaroroonan niya para mas matingnan siya nang maigi.
Nakapikit ang mga mata niya kaya kitang kita ang mahahaba niyang mga pilik mata. Matangos ang ilong niya at mayroon siyang nunal sa may kanang pisngi niya. Maamo ang pagkakahubog ng kaniyang kilay at sa tingin ko, ang kilay at ang mga ngiti niya ang nagpapaamo sa mukha niya. Maganda rin ang hubog ng kaniyang panga. Lalaking lalaki at hindi maitulak-kaibigin. Mayroon siyang mapupulang labi na tama lamang sa laki. Napakakinis ng kaniyang balat at sa sobrang ganda ng kutis niya ay bumagay ang dalawang side burns niya sa gilid ng mukha niya.
Habang ginuguhit ko ang mga ito ay bigla na lang akong nagkaroon ng kagustuhang haplusin ang mga iyon.
Sht. "Ivan, ano bang meron sayo? Sino ka ba talaga?" tanong ko nang wala sa sarili.
Nang makapasok ako sa school na ito ay akala ko magiging tahimik ang buhay ko. Na magtatapos ako nang apat na taon na walang inaaalala o nakakaaway man lang. Mahaba ang pasensya ko at kilala ako sa probinsya bilang isang masiyahing babae pero simula nang dumating si Ivan sa buhay ko ay palagi na akong nakakaramdam ng inis. Naiinis ako sa kayabangan niya at alam kong siya ang huling gusto kong makasama sa school na ito. Pero sa tuwing ngumiti siya, ngumingisi ay nagkakaroon ako ng chance na masilip ang pagkatao niya. Na kahit minsan, mayabang at self-centered siya, nararamdaman kong may espesyal siyang katangian.
Isa lang ang hindi ko maintindihan. Kung bakit sa dinami-rami ng babae dito ay ako pa ang napagtrip-an niya. Dahil mukha akong waitress? Dahil ako lang ang naiiba at mukhang manang kumpara sa ibang babae dito? Hindi ko alam. Hindi ko mahulaan ang takbo ng isip niya.
Isa lang ang alam ko. Simula nang pahintulutan ko siyang pumasok sa buhay ko, hindi na kahit kailan magiging tahimik ito.
"Si Ivan.." halos atakihin ako sa gulat nang magsalita si Warren sa likuran ko.
Ngumiti siya sa akin habang nakahalukipkip sa may pader. "..he's a nice person, Rachel. Kung bibigyan mo lang ng chance ang sarili mong kilalanin siya, then you'll realize that he may be the nicest person around." sabay kindat sa akin.
Tiningnan ko ulit ang maamong natutulog na si Ivan.
As much as I hate to admit it but, I think Warren might be right.
BINABASA MO ANG
When She Met the Night
Romance"Isa lang ang alam kong tama. At yun ay ang mahalin ka."