7

260 9 1
                                    

Parang Hindi Na

Umalis si Ivan pagkatapos niyang sabihin iyon. Mga ilang minuto lang yata kaming natulala dahil sa deklarasyon niya. Si Warren lang ang bukod tanging nakangiti at umiiling sa ginawa ng kaibigan niya.

Nang mag-sink in sa akin ang sinabi niya, agad kong nilapitan si Rae.

"Dadaan ako sa proseso, Rae." desididong sabi ko.

Pero tiningnan lang ako ni Rae na parang ang sinabi ko ang pinakaimpossibleng bagay sa mundo. "Pasok ka na, Rachel. Narinig mo naman si Night di ba?"

Kumulo ang dugo ko. "Please. Gusto kong maranasan ang proseso. Hindi ba sabi mo naman walang sakitan dito? Eh bakit hindi ako pwedeng i-process?" Tumaas na ang boses ko. Hindi ako makapaniwala na dahil lang sa sinabi ng Night nila ay susunod agad sila na parang aso.

Paano ang mga kasabayan ko? Unfair iyon para sa kanila. Ano, ako makakapasok nang walang kahirap-hirap samantalang sila ay pagdadaanan ang kailangan? Gusto ko nang ganoon. Kung kailangan kong mahirapan para makamit ang isang bagay, paghihirapan ko. Hindi ko kailangan ng tulong ng isang hambog na Ivan.

"Pero, Rachel. Sabi ni Night--"

Hindi ko na pinatapos si Rae sa sasabihin niya. Si Warren ang binalingan ko. "Warren, kaibigan mo si Ivan di ba? Kausapin mo siya? Gusto kong maranasan ang proseso. Hindi niya pwedeng basta pakialaman ang mga gusto ko!"

"Sorry, Rachel. Pero narinig mo naman ang sinabi niya di ba? If you are in, then you are."

Napanganga na lang ako. Seryoso? Wala ba talagang may lakas ng loob dito na kalabanin ang mga salita ni Night? Kahit gwapo si Warren ay hindi ko mapigilang mainis sa kanya ngayon. Tinotolerate nya lang ang kayabangan ng lalaking iyon!

Tinalikuran ko silang lahat at nagmadaling sundan si Ivan. Kahit kailan talaga ang lalaking iyon, hindi madala sa matinong usap. Tinetest ba niya kung hanggang saan ang pasensya ko sakanya? Akala niya siguro ay isa lang ako sa mga alipores nya na susundin ang lahat ng ipinapagawa niya. Sorry na lang siya, hindi ako pinag-aral ni Mama rito para maging alipin niya!

"Rachel, wait!"

Nasa likod ko na pala si Warren. "Looking for him?"

Tumango ako. "I think nasa parking lot iyon. Uuwi na. Wait, samahan na kita sakanya." Dahil sa sinabi ni Warren ay mas nagmadali akong maglakad. Hindi ako papayag na lumipas ang araw na ito na hindi kami nag-tutuos ni Ivan.

Hanggang sa makarating ako sa parking lot ay nakasunod sa akin si Warren. Nakita ko naman na nakasandal sa puti niyang sasakyan si Ivan. Likod pa lang niya ay nakilala ko na agad. Iyan ang likod na hinubog ng kahambugan!

"HOY, IVAN!"

Nagtinginan ang ibang estudyante sa gawi ko. Tiningnan nila ako ng masama habang naglalakad ako papunta sa kinaroroonan ni Ivan. Binalewala ko ang pagbubulung-bulungan nila at hinarap ang nakangising si Ivan.

When She Met the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon