I'm a Jerk
"Rachel, wait!"
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagtawag ni Warren sa akin. May sling bag na nakasabit sa katawan niya at sobrang laki ng ngisi niya nang makalapit sa akin.
"Break mo hindi ba?" Tumango ako. "Lunch tayo?"
Napatango na lang ako sa kagwapuhan ni Warren. Kahit papaano ay nawala ang badtrip ko nang dahil sa kahanginan ng Night na yun.
Napansin ko ang paglaki ng ngiti ng mga babaeng nadadaanan namin ni Warren. Alam ko naman kung bakit para silang mga bulating inaasinan ngayon. Dahil kahit siguro sinong babae ang makakita kay Warren ay mapapaihi sa mga panty nila. Bigla tuloy akong nagsisi na umoo ako sa paanyaya ni Warren.
Maging ang ilang mga lalaking nakakasalubong namin ay lumilihis ng daraanan nila. Napatingin ako kay Warren na nakangiti lang habang sinusulyapan ako. Parang wala lang naman sakanya ang klase ng atensyong natatanggap niya sa mga tao.
"Uhm. Warren. Ano... okay lang ba na kasama mo ako?" nahihiyang tanong ko.
Ngumiti siya. "Oo naman. Pabayaan mo na ang mga yan. Simula nang magkaroon ka ng ugnayan kay Ivan, masanay ka na sa atensyon. Tara!" Hinila nya ako paupo sa isang bilugang lamesa.
Nasa canteen na kami ngayon at kagaya kanina sa hallway, pinagtitinginan pa rin kaming dalawa.
"What do you want?"
"Uhm.." Napahawak ako sa bag ko. Oo, gutom ako pero biscuit lang sana ang plano kong kainin. Wala kaya akong pera. "Actually, hindi naman ako gutom eh. Ikaw na lang."
"C'mon. My treat."
"Ha? Wag na!"
"I insist. Just consider this as a token of our friendship."
At dahil sa nakakaengganyong ngiti ni Warren ay pumayag na rin ako. Mga ilang minuto siyang nawala at pagkabalik niya ay may dala siyang isang tray ng pagkain.
May mga cake, may ulam at kanin na ang ganda ng pagkakaayos, may ilan pang tinapay na hindi ko naman alam ang tawag. Hula ko mahal ang pagkain na ito.
"Nakakahiya naman. Sa susunod, ako naman ang magbabayad." sabi ko habang tinutulungan siyang ibaba ang mga pagkain.
"Talaga?"
Tumango ako. Kanina ko pa napapansin ang pagiging masayahin ni Warren. Magmula nang supalpalin ko si Night ay hindi na nawala ang ngiti sa labi niya.
"Warren, may problema ba?"
Natawa siya sa tanong ko. "Nako, sorry! It's just that... I never imagined this day would come." Nakangisi siya ng kagatan niya ang sandwich niya.
"I don't mean to be rude but, bakit parang galit na galit ka kay Night?" tanong niya.
At dahil doon ay muli na namang kumulo ang dugo ko sa lalaking iyon. Ang manyak na iyon!
"Kasi... Hi-hinalikan niya ako." Napakagat labi ako sa pag-amin ko.
"First kiss mo?" Parang uminit ang pisngi ko sa casual na pagkakasabi noon ni Warren. Na parang normal na nilang pinaguusapan ang pakikipaghalikan.
"Oo. Pero mas nagalit ako kasi basta na lang niya akong hinalikan. Ni wala man lang pasabi. Ni hindi ko nga siya kilala eh."
Humagalpak ng tawa si Warren sa gilid ko. Napataas ang kilay ko sa inasta niya. Nakuha na nga namin ang atensyon ng maraming tao kaya napayuko na lang ako sa kahihiyan.
"I'm sorry. Hindi naman sa nagfe-feeling ako ano, pero importante talaga sa akin ang mga ganoong bagay."
"Sorry. I believe you, Rachel. Pagpasensyahan mo na si Night. Ganun lang talaga yun. It's just funny though, ngayon lang may umayaw sa halik nya."
Naningkit ang mata ko. Ganun? Hindi big deal dito kung sino ang kahalikan mo? Mas big deal pa kung magaling o hindi ang pagkakahalik?
Hindi pa ako tuluyang nakakarecover nang biglang umalingawngaw ang boses ni Night sa buong Canteen.
"Warren!"
"Speaking of the devil." Panunuya sa akin ni Warren atsaka siya tumayo para lapitan si Night.
May ibinulong si Night sakanya at saglit na tumingin sa akin si Night. Agad akong nag-iwas ng tingin at pinagdiskitahan na lang ang pagkain ko.
Maya-maya ay bumalik si Warren sa table namin at kinuha ang bag nya. "I have to go." Sabay kindat sa akin.
"HA? TEKA---"
Hahabulin ko pa sana si Warren pero bigla na lang humarang si Night sa harapan ko. May dalawa siyang alipores na nakatayo lang din sa may gilid niya.
Bigla akong kinabahan sa seryosong tingin ni Night sa akin. Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi ni Claudia na dapat kong iwasan kapag ginalit ko ang isang Ivan Marco Dela Paz? Papahiyain na ba niya ako? Sisigawan?
Napapikit ako nang mariin nang nakita kong tumaas ang kamay niya.
Pero imbis na sampalin ako, kinilabutan ako sa bigla niyang paghaplos sa pisngi ko.
Pag mulat ko ay nakita ko ang pagngisi niya sa akin. Hindi ko maialis ang tingin ko sa labi niyang nakangiti.
"I just came by to say.. I'm such a jerk. I'm sorry."
Nginitian niya ako at pagkatapos noon ay umalis na siya at iniwanan akong nakatulala. Pinanood ko lang siyang umalis na pasipol sipol habang nakalagay ang dalawang kamay sa batok niya.
Narinig ko na lang na may isang babaeng sumigaw sa may dulo.
"OH MY GOSH! SI NIGHT, NAGSORRY!"
BINABASA MO ANG
When She Met the Night
Romance"Isa lang ang alam kong tama. At yun ay ang mahalin ka."