My Rachel
"Seriously, matagal ka bang nag-antay sa restau?" Banayad nyang tanong habang mabagal naming tinatahak ang highway papunta sa apartment namin.
"Medyo." Medyo lang. Apat na oras lang naman.
He let out a huge sigh.
"Sorry. I just.. Never thought you'd show up." Sabi niya.
"I'm not even dressed for the ocassion." Marahan siyang tumawa.
Okay ka lang? Not dressed daw eh, ano pa ang tawag sa akin? Kahit yata sando lang ang isoot nya roon, he would still blend in. Babagay pa rin siya sa mga ganoong lugar.
Pagkahatid niya sa akin ay agad akong natulog. I feel so tired all of a sudden at ngayong gabi lang ako nakaramdam ng kapayapaan sa kalooban ko.
Mabilis lumipas ang weekend. Nagayos ako ng apartment noong Linggo. Palagi rin akong tinetext ni Ivan at balik na naman siya sa pangungulit sa akin. Wala pa rin si Claudia hanggang ngayon. Kinakabahan na talaga ako para sakanya. Tinetext at tinatawagan ko siya pero hindi macontact ang cellphone niya.
"If within a week, your cousin won't show up. I'm sorry, Miss Mendoza, but we have to implement proper sanctions for her absence without notice."
Yan ang sabi ng Dean namin noong Lunes na kinausap niya ako.
Napalunok ako.
"Yes, Sir. I understand."
Lumabas ako ng opisina na lutang at walang imik. Hindi ako makapaniwalang nagagawa ni Claudia ito ngayong freshman pa lang kami. Ano ang sasabihin ko sa nanay nya? Paniguradong ako ang sisisihin noon dahil ako ang kasama ni Claudia sa bahay.
Finocus ko na lang ang sarili ko sa pakikinig sa mga lectures. Nalalapit na ang finals namin at ayoko namang mapabayaan ang scholarship ko.
Minessage ko na lang si Claudia sa fb dahil baka doon nya matanggap ang mga mensahe ko.
Nang maghapon na ay pinatawag kaming lahat para sa aming General Assembly. May malaking event na pagsasaluhan ang Alaskan Warriors at ang Alaskan Muse, ang fraternity at sorority namin ni Ivan.
Nagpunta agad ako sa assembly hall at nakitang naroon na ang iilan sa mga brods at sisses namin.
"Hi, Rachel!" Nakangiting bati sa akin ni Pip habang inaabutan ako ng upuan.
"Wala pa si Night, kasama pa ni Warren at Hugo."
Tumango na lang ako at mas pinili ang upuan katabi ang mga sisses ko. Mukhang wala pa namang nasisimulan sa usapan dahil may kanya kanya pang discussions ang bawat miyembro.
"Anong meron?" Tanong ko sakanila pero wala namang sumasagot sa tanong ko.
Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagcheck ng cellphone ko dahil baka nagtext na sa wakas si Claudia pero text ni Ivan ang nakita ko.
Ivan Dela Paz
You there yet?
Agad akong nagtype ng reply sakanya. Maya maya lang ay nagkatinginan kaming lahat sa biglang bumukas na pintuan ng assembly at niluwa noon ang tatlong malalaking biyaya ng Diyos sa kababaihan.
Si Warren na siyang may pinakamatamis na ngiti sa kanilang grupo. Pinasadahan nya ang kanyang buhok gamit ang mga daliri atsaka natatawang nakikipagusap kay Ivan. Si Karl naman na nakapuyod ang mahabang buhok na nakasleeveless na kulay puti at bakat na bakat doon ang musles niyang halos palaki ng palaki sa tuwing makikita ko siya. Kagat nya ang pangibabang labi niyang parang pinipigilan ang pagtawa sa sinabi ni Warren.
BINABASA MO ANG
When She Met the Night
Romance"Isa lang ang alam kong tama. At yun ay ang mahalin ka."