1

495 11 2
                                    

Who is She?

"Rachel! Here!"

Hinanap ko kung saan galing ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Olivia na kumakaway sa direksyon ko. Nakipagsiksikan ako sa maraming tao hanggang sa makarating ako sa table nila.

"Hi, Rachel!" Bati ni Krizza na kabarkada rin ni Olivia. Nginitian ko lang siya. Lumapit siya sa akin at inabutan ako ng isang shot ng alak. "Welcoming shot!"

"Mamaya na." Nakita ko ang pagngiwi ni Olivia at Krizza sa alok ko.

Lumapit din sa akin ang pinsan kong si Claudia. Inakbayan nya ako at bumulong sa tainga ko. "Ray-ray, c'mon. One shot won't hurt. Remember what I told you."

Tinitigan ko muna ang baso bago ko tinanggap iyon. May choice pa ba ako? Malayo pa lang sa ilong ko ang alak ay napangiwi na ako sa baho. Ano kayang alak ito? Hindi naman ako ignorante sa alak dahil sa probinsya, nakatikim na ako ng Lambanog at Gin. At hindi ko gusto ang mga lasa noon. Sigurado akong mas matapang at mas mapait ang lasa ng alak na ito.

Ininom ko iyon at muntik ko nang ibalik sa baso ang alak. Ang pangit ng lasa!

"Good girl! Sa wakas, nakatikim ka rin ng mamahaling alak." humalakhak si Claudia sa tabi ko atsaka bumalik sa upuan niya.

Pinsan ko si Claudia at kagaya ko, nanggaling kami sa probinsya. Nauna lang siya ng dalawang taong mag-aral dito sa Maynila. Ayoko naman talaga na mag-aral dito eh. Sa kwento pa lang ng mga kabaryo namin ay mahal daw ang pamumuhay dito sa Maynila. Mayroon nga kaming kapitbahay na nag-aral lang ng Maynila ay nabuntis na. Kaya takot na takot akong lumuwas dito. Pero pinilit ako ni Mama na mag-aral sa skewalahan ni Claudia dahil nabigyan ako ng scholarship doon. Sabi pa ni Mama, mas aasenso raw ang buhay namin kung sa paaralang ito ako magtatapos ng kolehiyo.

Sinabi sa akin ni Claudia na hangga't dumidikit ako sakanya ay safe ako. Na walang ibang gagalaw sa akin sa Maynila kapag nalamang pinsan ko siya. Sinabi pa niya na para daw maka-survive rito ay kailangan kong makipaglapit sa mga mayayaman, sa mga makakapangyarihan sa eskwelahan para matuto daw akong makipagsosyalan. Connections raw, sabi niya. 

Kaya isang linggo pa lang nang magsimula ang pasukan ay sinama na ako ni Claudia rito sa bar. Paborito raw itong hang-outan ng mga mayayaman.

Hindi na rin naman ako nagtataka. Dahil hitsura at kilos pa lang ng mga tao rito, halatang mayayaman na. Kung makawaldas ng pera akala mo ay napakadali lang sakanila ang kumita ng pera. Pero kung mayayaman sila, bakit ang iikli ng mga soot nila? Hindi ba nila kayang bumili ng desenteng damit?

"Rachel, come here. I'm gonna introduce you to someone." Nakangising sabi ni Claudia. Wala naman akong magagawa kung hindi ang magpahila sa kanya.

Habang naglalakad kami ni Claudia ay hindi maiwasang pagtinginan kami ng mga tao. At sa tuwing tatama ang tingin nila sa akin ay tumataas ang mga kilay nila. Hindi ko naman siguro sila masisisi. Ako lang ang bukod tanging nakapantalon at white poloshirt dito.

Umakyat kami sa VIP section ng bar. May ibinulong lang si Claudia sa lalaking may malaking katawan atsaka ito tumango at pinalampas kami. Kumpara sa baba ay mas kaunti ang tao rito.

"Warren!"

Hinanap ko kung sino ang tinawag na Warren ni Claudia. Humarap sa gawi namin ang isang lalaking chinito at nakasoot ng itim na polo. Gwapo ang lalaki at mayroon malalim na dimple sa kaliwang pisngi. Nakangiti siyang lumapit sa amin at nakipagbeso kay Claudia.

"Claudia! Looking fresh as ever." Bumaling ang tingin niya sa akin. "And you are?"

Natulala ako sa gwapo ng lalaki. Walang ganitong kagwapong lalaki sa probinsya namin. Sa sobrang gwapo niya ay parang mas makinis pa ang balat niya sa akin. Siniko ako ni Claudia nang mapansin niya ang pagkatulala ko.

When She Met the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon