Kicked Out
Pagkauwi ko sa apartment ay naroon na si Claudia. Nakapamaywang siya sa may pintuan at parang kanina pa ako inaabangan.
"Anong sabi sayo ni Night?" tanong niya agad nang lampasan ko siya.
Inalis ko ang soot kong sapatos at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. "Wala."
Iniharap akong bigla ni Claudia sakanya. "Anong wala? Nag-sorry siya sayo di ba?" Biglang nagningning ang mga mata ni Claudia.
"Oh, ano ngayon?"
Nasapo niya ang ulo niya. "Gosh, Rachel. Why so dense? Alam mo bang hindi nagsosorry si Night sa kahit na sino?"
Tumaas ang kilay ko. "Ano naman? Hindi ko na problema yun kung masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya. Atsaka, malay mo ngayon lang niya narealize na gago talaga siya." Dumeretso ako sa ref at tumingin ng pwedeng lutuin. Kanina pa ako nagugutom. Hindi ko rin naman kasi masyadong nakain yung mga binili ni Warren kanina sa canteen.
Muli, hinawakan ni Claudia ang magkabilang balikat ko atsaka ako niyugyog. "Hindi mo ba naririnig ang sinasabi ko ha? Sayo lang nagsorry nang ganun si Night! Sa harap pa ng maraming tao. I THINK HE LIKES YOU!"
Napatawa ako sa konklusyon ni Claudia. Seryoso, ano bang mayroon sa pagkain dito sa Maynila at parang nababaliw na ang mga tao? Porket nag-sorry lang ang isang tao, may gusto na agad? Lesson number 1: Huwag na huwag magsosorry sa mga taga-Maynila dahil katumbas noon ang pag-amin na gusto mo siya.
"Impossible. Paano niya ako magugustuhan eh wala pa kaming dalawang araw na magkakilala."
Pero si Claudia, mukhang walang naririnig sa lahat ng sinabi ko. "Nako, magandang opportunity yan, Rachel! Ipagpatuloy mo lang yang kung anumang ginagawa mo dahil once na nagkagusto si Night sayo, lahat ng hingiin mo panigurado ibibigay nun!"
"Hindi ko gagawin yan, Claudia." mariing sabi ko.
"Just imagine this Ray-ray. Lahat ng comfort sa mundo, matitikman mo. Kahit nga hindi ka grumaduate ng college, tiyak ko kahit apo mo secured ang kinabukasan. Pag naging kayo, maapprove na ang petition ng sorority namin!" Masayang masayang sabi ni Claudia habang inililista na sa utak niya ang mga posibilidad kapag naging kami ni Night.
"Claudia, kahit naiinis ako sakanya ay hinding hindi ko gagamitin si Night. Hindi ko ugaling manggamit ng tao, okay?"
Pagkatapos kong magluto at kumain ay nagpunta na ako sa kwarto. Hinayaan ko na lang si Claudia sa mga walang kwenta niyang naiisip. Ni hindi ko nga masikmura ang isiping maaaring maging kami ni Night. Alam ko sa sarili ko na hindi ang kasing hambog na Night o nang Ivan na yun ang gugustuhin kong maging nobyo.
Kinabukasan sa school ay ganoon pa rin naman ang nangyari. Medyo nagsisimula na rin ang mga bigating lessons at nagkaroon na rin kami ng groupings para sa mga projects. Napag-alaman ko rin na isang requirement pala sa school na ito ang at least isang affiliation per student.
"Ikaw, Rachel? Saan mo ba balak sumali?" tanong sa akin ng seatmate kong si Andrea.
"Hindi ko pa alam eh. Anu-ano bang mayroon dito?"
"Marami. Kung magaling ka sa mga subjects, may mga ganoong organization. Kung mahilig ka sa photography, may Camera Club. Sports mahilig ka ba? Pwede ka roon!"
Napangiwi ako. "Nako, hindi ako sporty eh. Hindi ako pwede riyan."
"Okay lang yan." Singit naman ni Felina. "Hanggang next next week pa naman ang registration eh."
Pagkatapos ng klaseng iyon ay may isang oras akong bakante. Ang mga kaibigan kong si Andrea at Felina ay may klase sa accounting subject nila kaya mag-isa ako ngayon dito. Ayoko naman magpunta ng cafeteria dahil wala naman akong perang pangkain sa mga mahal na pagkain na tinda roon. Naisipan ko na lang magpunta sa library.
BINABASA MO ANG
When She Met the Night
Romance"Isa lang ang alam kong tama. At yun ay ang mahalin ka."