13

245 9 0
                                    

Adik Ka

Lumipas ang dalawang linggo ng pangungulit sa akin ni Claudia tungkol sa perang hinihiram niya sa akin. Sa loob ng dalawang linggong iyon ay dalawang beses pa lang siyang umuuwi ng apartment na balisang balisa at di alam ang gagawin. Nagsisimula na akong matakot sa kinikilos ni Claudia kaya inisip ko na rin ang paghingi ng tulong kay Ivan.

Pero sa tuwing magkasama kami ni Ivan sa frat house nila sa hapon ay biglang umuurong ang dila ko. Hindi ko kayang humingi sa kanya ng pera. Hindi ko kayang hingan siya ng five hundred thousand pesos! Atsaka isa pa, paano naman namin mababayaran iyon sakanya?

Kaya sinubukan kong maghanap ng paraan para kumita ng pera. Nagtanong ako sa isang malapit na coffee shop dito pero limang libo lang kada buwan ang sweldo. Naghanap pa ako ng ibang pwedeng i-parttime pero lahat ng trabaho, siguradong hindi ko kayang makaipon ng ganun kalaking pera sa loob lang ng isang buwan!

Pati ang problema ni Claudia ay naging problema ko na rin. Syempre pinsan ko siya kaya nagaalala ako sakanya.

"Rachel, meron na ba?" tanong nya sa akin isang araw nang sabayan niya ako papunta sa meeting ng sorority.

"Hindi naman ganun madaling makakuha ng five hundred thousand pesos, Claudia."

"Ha? Eh di ba sabi ko kay Night ka humiram?" frustrated niyang tanong sa akin.

Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Tu-tuma-timing pa ko." Pagpapalusot ko sakanya pero wala na talaga akong balak na idamay pa si Ivan sa gulo ni Claudia.

Nang makapasok kami sa sorority house ay halos kumpleto na silang lahat. At kagaya ng dati ay iniirapan pa rin ako ng ilan sakanila. Hindi ko na lang sila pinapansin as long as wala naman silang ginagawang masama sa akin.

Nagsimula ang meeting at walang ibang ginawa si Claudia kung hindi ang kulitin ako.

"Rachel, sige na naman. Buhay ko ang nakataya dito. Bakit hindi ka pa nahingi kay Night? Mas importante pa ba ang iniisip niya kaysa sa sarili mong pinsan?"

Gustung gusto ko nang tarayan si Claudia sa mga pinagsasabi niya. Hindi ko maatim na ganoon kakapal ang mukha niya para lang sa pera.

"Claudia, nabwelo lang ako. Atsaka naghahanap rin ako ng ibang pwedeng source ng pera para sayo." giit ko.

Hinawakan niya ang dalawang balikat ko. "Ray-ray, bat ba lumalayo ka pa? Si Night oh, maghapon kayong magkasama." Napangiwi ako. "Madali lang makahingi sakanya ng pera. Sisiw lang sa kanila ang kalahating milyon! Lahat naman gagawin nun basta ikaw ang magsabi!"

"Hindi ako manggamit ng tao, Claudia. Lalong lalo na ang Night nyo." inirapan ko siya at pinilit na ibalik ang atensyon ko kay Marge na nagsasalita sa harapan.

"So... you care about Night now, huh? You like him that much?" iritableng tanong ni Claudia sa akin.

Tiningnan ko siya nang hindi makapaniwala sa mga conclusions niya. Pero bago pa ako makasagor sakanya ay bigla akong tinawag ni Marge.

"Rachel, Claudia. Any matters there that you want to discuss to the whole body?" nakataas kilay na tanong niya sa amin nang mapansin na hindi kami masyadong nakikinig sakanya.

Umiling ako. "Wala, wala."

Tumango lang si Marge at tiningnan ulit kaming lahat. Buti naman at tumahimik na si Claudia sa gilid ko. "As I was saying, next week na ang Human Auction event natin. Thanks to Dallia and Christiana who made this event happen." Tiningnan niya si Dallia at Christiana na mga organizers ng nasabinh event. "And also, gusto nating magpasalamat kay Rachel dahil kung wala siya, hindi maaapprove ang petition na matuloy ang event na ito." Tiningnan nila ako at nginitian. Pero ang iba ay sa halip na tingnan ako ay nihead to foot pa ako.

When She Met the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon