I like you
Seryosong seryoso ang mukha ni Ivan nang lingunin ko ito. Hindi niya pinansin ang pangangatal ng babae at sa halip ay seryoso niya akong tinitigan.
Tinititigan niya ako. Kinekwestyon kung bakit ako nandito. Pinasadahan niya ng tingin ang gown na soot ko at mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Galit siya. Alam kong galit siya. Alam kong hindi niya nagustuhan ang pagsuway ko sa utos niya.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagtitigan ni Ivan pero pagkatalikod na oagkatalikod niya ay agad ko siyang sinundan. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero sigurado akong kailangan kong magpaliwanag sakanya.
"Ivan, sandali lang." Sambit ko pero tuloy tuloy lang siya nang hindi ako pinapansin. Medyo nahihirapan pa ako sa paghabol sakanya dahil sa taas ng sapatos na soot ko.
"Ivan.." hahawakan ko na sana siya sa braso niya nang bigla akong hinarang nila Tiffany at Gretta.
"Rachel!!!!! Congrats! Balatuhan mo naman kami!" tuwang tuwang sabi ni Gretta.
"Sabi sayo eh. Kayang umabot ni Rachel ng isang milyon eh." dahil sa sinabing iyon ni Tiffany ay nilingon kami ni Ivan. Nakakunot ang noo niya at mas lalong nag-igting ang bagang niya.
"Taray taray talaga! Rachel, gusto mo bang i-model yung mga damit na ginagawa ko? Kikita ka dun! Bagay na bagay pa man din sa hubog mo yung mga dress ko." sabi ni Tiffany.
"Uhm.. Kasi.." sinilip silip ko si Ivan pero wala na siya sa pwesto niya kanina.
Naramdaman ko na lang na may mainit na kamay ang mainit na humawak sa braso ko. Napatigil sa pagsasalita si Tiffany at si Gretta at mga wala sa sariling tumitig sa lalaking nasa likuran ko.
"N-Night..." wala sa sariling sambit ng dalawa. Tiningnan ko si Ivan na seryoso na namang nakatingin sa akin.
Walang salita ang kinailangan pang lumabas sa mga bibig ni Ivan dahil tingin pa lang niya, alam ko na ang ibig sabihin. Maging ako ay nagulat sa sarili ko ng bigla na lang akong tumango sakanya at sumunod sa paghila niya.
Marami kaming nadaanan na todo ang ginawang pagtitig sa amin ni Ivan. Pero ni isa sa kanila ay wala siyang tiningnan. Mas humigpit ang paghawak niya sa braso ko hanggang sa makarating kami sa parking ng sasakyan niya.
Walang sali-salitang inihagis niya ako sa loob ng sasakyan niya at pabalang na sinara ang pintuan.
Sumakay siya sa driver's seat at pagkasara ng pinto ay doon niya ako binalingan.
"You told me you're not coming to that event, Rachel." Sabi nya ng mariin. Nakita ko ang paghigpit ng hawak nya sa manibela. "I asked you and you said you're not coming. Did you just lie to me, Rachel?"
"Ivan, kasi..."
Iniwas niya ang tingin niya sa akin. "So you did lie to me."
Napahawak ako sa laylayan ng gown ko. Sa kaba ko ay ito na lang ang pinagbuntunan ko.
"You said your mom's coming so I did not bother you. Sabi mo, aalis kayo pero hindi nanay mo ang kasama mo, Rachel. Sino siya?" Mapanghusgang tanong niya sa akin habang tinitingnan nang mabuti ang mga mata ko. Na para bang binabasa niya kung kasinungalingan ang lalabas sa bibig ko.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"I saw you Rachel. Sinundo at hinatid ka ng lalaki sa apartment nyo! Are you cheating on me?"
"WHAT?!" Kung hindi lang seryoso ang mukha ni Ivan ay iisipin kong nagpapatawa siya. Cheat cheat nyang mukha niya. Napalitan ng inis ang kabang kanina'y kumakain sa akin.
BINABASA MO ANG
When She Met the Night
Romance"Isa lang ang alam kong tama. At yun ay ang mahalin ka."