11

253 12 0
                                    

One Day

Alas-nuebe pasado na yata kami nakaalis ni Ivan sa frat house nila. Hingi siya nang hingi nang paumanhin sa akin dahil nakatulog siya kanina. Kung alam lang niya na nagpapasalamat ako at tulog siya dahil naiwasan ko ang maasar sa tuwing nagsasalita siya. Hinatid niya ako agad sa apartment pagkatapos namin doon. Mabuti na lang at tapos na rin ang drawing na ipe-present namin sa Arts Club mamaya.

"Ready ka na mamaya?" nakangiting bati sa akin ni Rae nang makasalubong ko siya kanina sa corridor.

"Oo." matipid na sagot ko. 

Tinanong ko rin si Felina at Andrea tungkol sa mga drawing na ipe-present nila at labis talaga akong humahanga sa galing nilang gumuhit. Lalo na ang kay Felina na sobrang nakakatouch ang pagkakadrawing sa mga ngiti ng pumanaw nyang ina.

"Ang ganda rin ng iyo, Rachel." taas baba ang kilay ni Felina sa akin habang tinitingnan ang drawing ko.

"Patingin." sabi naman ni Andrea.

Nang makita ni Andrea ang drawing ay agad nanlaki ang mga mata ko. "SHIT! Si Night ang topic of interest mo?!"

Hinablot ko ang papel ko at ganoon na lang ang pag-init ng pisngi ko nang makita na imbis na skyscrapers ang nandito ay ang draft drawing ko sa mukha ng natutulog na Ivan ang naipakita ko sakanila. Agad kong tinago ang papel sa bag ko.

"Ah, ano. Wala yun!" pagdadahilan ko. Pero mukhang hindi kumbinsido ang dalawa dahil pinandilatan lang nila ako ng mata.

"Sus, Rachel. Aminin mo na kasi. Nagugustuhan mo na rin ang pangungulit ni Night sayo." sabi ni Felina.

"Okay lang yun. Basta hindi si Warren ang gusto mo eh!" sabi naman ni Andrea.

Marahan ko silang hinampas sa braso. "Pwede ba? Wala akong gusto dun no. Itaga nyo sa bato, never akong papatol sa Ivan Dela Paz na yan."

Pagkasabi ko noon ay bigla silang humagalpak ng tawa. Mga ilang minuto rin ang ginugol nila sa paghagalpak bago naluluha-luhang tiningnan ako.

"Over ka naman! As in never? I doubt, Rachel." sabi ni Felina.

"Pustahan tayo. In less than a month, maiinlove ka kay Night." Panghahamon sa akin ni Andrea. Narinig ko pa lang ang salitang love, kinilabutan na ako.

"Ako, sali ako! Five thousand says, maiinlove ka kay Night in less than a month!" sigaw ni Felina. Nagkatinginan sila ni Andrea at bakas sa mukha nila ang excitement.

"Ayoko!" sabi ko. "Ano, five thousand din ang ipupusta ko? Baka nga kahit one thousand wala ako eh." 

Lumapit naman sa mukha ko si Andrea at pabalik-balik na tinitingnan ang mga mata ko.

"Bakit, Rachel? Duda kang mananalo ka? Hindi ka rin sigurado sa sarili mo na hindi ka maiinlove no?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Andrea. Sino nga ba ang pinagpupustahan namin? Si Ivan Dela Paz a.k.a Night ng Alaskan Warriors. Mukhang anghel pero ubod ng gaspang ang ugali. Hambog, makulit, pakialamero, at manyak. Sino namang matinong babae ang maiinlove sa lalaking iyon?

"Bahala kayo. Basta ako, sigurado ako na hinding hinding hindi mangyayari na ako ay mahuhulog sa kayabangan ng lalaking yun."

Muli, tinawanan nila ang sinabi ko. Bahala sila jan, basta ako, alam kong impossible talagang mangyari ang bagay na iyon. Dahil makikita ko pa lang ang mukha ni Ivan, naaalibadbaran na ako.

Kagaya ngayon, nasa cafeteria ako at imbis na tahimik akong kumakain at nagbabasa ng libro ko ay bigla na namang naging signal number 4 dahil sa presensya ni Ivan.

When She Met the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon