9

235 8 0
                                    

 MERRY CHRISTMAS GUYS! XOXO

---------------------------------------------------------------------------*

No Buts, Rachel

Nasa harapan ako ni Night habang pinipirmahan niya isa isa ang lahat ng forms ng events ng sorority ngayong sem. Kada pipirma siya ay lilingunin niya ako at ngingiti na lang siyang bigla. At tuwing gagawin niya iyon ay naaalibadbaran ako sakanya.

Matapos niyang pirmahan ang lahat ng iyon ay inilagay niya ang dalawang kamay niya sa likuran nang ulo niya. Tiningnan niya ako habang sumisipol at halatang halata sa mukha niya ang pagkatuwa sa mga nangyayari.

Tumayo ako. "Tapos na ba?" Hinawakan ko ang mga papel sa lamesa niya. "Aalis n--"

"Not. So. Fast." bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya agad kong inalis iyon. Tiningnan ko siya ng masama.

"Oh, akala ko ba gagawin mo lahat ng gusto ko?" pang-aasar niya.

"Tatlo lang, Ivan. Tatlong beses mo lang akong pwedeng pasunurin sayo." Giit ko.

Tumayo sya at itinuon ang dalawang kamay sa lamesa para makalapit ang mukha niya sa akin. Nanuot na naman sa ilong ko ang mabangong amoy niya. "Lahat, Rachel." giit din niya.

Tiningnan niya ako sa mata kaya nakipagtitigan din siya. Sa lahat ng taong nakilala ko, si Ivan ang pinakamakulit. Kung may gusto siya, talagang gagawin niya makuha lang niya. "Tatlo lang, Ivan. Pagkatapos ng tatlong iyon hindi mo na ako kukulitin kahit na kailan."

Ngumiti siya sa sinabi ko. Ilang segundo siyang natahimik at tila pinag-iisipan ang gusto kong mangyari. Pagkuway tumayo siya ng tuwid at nilahad ang kamay niya sa akin,

"Call. Three wishes of mine then I'll set you free." tinaas niya ang kilay niya habang nakangisi.

Di ba dapat masaya ako na pumayag siya sa gusto ko? Pero bakit pakiramdam ko ay may plano siyang hindi maganda? Pero wala na eh, andito na to. Nasabi ko na kaya wala nang bawian.

"Sige. Payag ako." Hindi ko pinansin ang kamay niyang nakalahad. Hinablot ko ang mga papeles at nagmartsa palabas ng kwartong iyon. Nang nasa labas na ako ay parang nakahinga ako nang maluwag.

Bumalik ako sa kinaroroonan ni Marge at naabutan ko sila ni Claudia na nag-uusap. Napatingin silang dalawa sa gawi ko at biglang tumakbo si Marge sa akin. Sa sobrang saya niya ay bigla niya akong niyakap. "OMG, Rachel! I don't care how you did it, but... THANKS SO MUCH! Nang dahil sayo, approved na lahat ng activities natin ngayong sem!"

"Anong ginawa mo para mapapayag si Night?" usisa sa akin ni Claudia.

Tinapik naman ni Marge si Claudia. "Claudia,  whatever that is and mahalaga is okay na ang forms natin! Wait ah, kailangan ko nang makausap sila Olivia about this!" Masayang masaya si Marge nang umalis siya sa kwarto.

Kami naman ni Claudia ay sabay nang umuwi papunta sa apartment. Hindi pa niya nasasarado ang pintuan ng apartment ay agad niya na akong binalingan.

"Ano nga ang ginawa mo, Rachel?" tanong niya ulit.

"Wala. Pinapirmahan ko lang." Hindi ko masabi kay Claudia ang naging deal namin ni Night. Ewan ko ba, pero ayokong isipin niya na ginagamit ko si Night para sa pansariling interes ko.

Napahawak naman si Claudia sa baba niya. "Wala ka talagang kapalit? Like sex or something?" taas kilay na tanong niya.

Napalaki naman ang mga mata ko. "CLAUDIA! Tingin mo ba ganyan akong klase ng babae?" At sino namang matinong babae ang makikipagtalik para lang sa pirma ng lalaking yun?

"Strange. Well, he must really like you, then." Napaismid ako sa teorya ni Claudia. Hanggang ngayon ay kumbinsido pa rin siyang gusto nga ako ni Night. "Kahit na naghubad sa harap niya si Krizza dati ay hindi niya pinipirmahan ang mga papel eh. Kaya kita tinatanong dahil nung ikaw na, pinirmahan niya lahat. Weird, Night."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Claudia. What?! Naghubad si Krizza para lang mapapirma si Night dati? Bigla akong kinabahan. Sht. Mayroong tatlong wishes si Ivan at paano kung... paano kung isa sa mga iyon ay ang paghubarin din ako sa harap niya? LAGOT NA!

Kaya kinaumagahan ay ginawa ko ang lahat para maiwasan si Night. Pagkatapos ng bawat klase ko ay dumederetso agad ako sa library, o sa CR, o sa third floor kung saan wala masyadong tao. Kailangan kong makapag-isip ng paraan kung paano ko mababawi kay Ivan ang deal na iyon. Pero ano naman ang iooffer ko sakanya? Natural hindi pwede ang materyal na bagay dahil wala naman akong pera. Alam kong may binitawan akong salita sakanya pero sa tuwing maiisip kong baka sarili ko ang kapalit ay nagiging desedido ako na pagtaguan si Ivan.

Kaya sa tuwing may tatawag nang pangalan ko ay agad akong napapaigtad sa gulat. Baka mamaya mga alipores na ni Night iyon eh. Tatlong araw. Sa tatlong araw ganito ang naging gawain ko. Para na nga akong sira sa kakatago kay Night eh. At ganoon na lang ang ginhawa ko nang sa loob ng tatlong araw na iyon, kapayapaan ang naramdaman ko dahil wala siya.

"Rachel!"

Napalingon ako kay Rae na hingal na hingal. 

"Oh, Rae, bakit?"

"Alam mo ba kung nasan si Night? Kayong dalawa na lang kasi ang hindi pa nagpapasa ng art nyo eh." sabi ni Rae.

"Nako, Rae. Sorry! Medyo busy kasi ako lately kaya hindi ko pa natatapos yung drawing ko eh. Bukas magpapasa na ako. Si.. Night.. hindi ko pa kasi siya nakikita eh. He-he."

"Ah ganun ba? Siya pag nakita mo siya pakisabi na lang ha. And kailangan nyong ipresent yan sa body bukas."

Tumango na lang ako sa sinabi ni Rae. Ang totoo niyan, sa kapraningan ko na pagtaguan si Night ay nakalimutan ko na ang drawing na iyon. Kaya nagmadali akong umalis nang makauwi na at masimulan na ang drawing ko.

Galing pa akong second floor kaya nagmdali ako sa paglalakad. May ilan pang tao ang tumatawag sa pangalan ko pero hindi ko na sila nilingon sa pangambang andoon si Night.

Malapit na ako sa gate nang school nang biglang may humigit sa akin at isinandal ako sa pader. Halos lumuwa ang mata ko sa panlalaki nito nang makita ko kung sino ang humila sa akin.

Ikinulong niya ako sa pagitan ng dalawa niyang braso. Sa sobrang lapit niya sa akin ay halos tumira na sa ilong ko ang bango niya. Napayakap na lang ako sa bag ko.

"Iniiwasan mo ba ko?" nakakakilabot niyang tanong.

Mas inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kaya ipinalig ko ang ulo ko patagilid. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan nang marinig ko ang boses niya.

"Sagot, Rachel." ma-awtoridad na sabi niya.

"H-hindi ah. Bakit naman kita.. iiwasan?" kabadong tanong ko. Sht. Ngayon lang ako kinabahan sa presensya niya! What is wrong with me?

Ngumisi siya. Isang pamilyar na ngisi.

"Good. Because today, you'll be granting my first wish." bulong niya sa taenga ko. Napapikit ako sa sensasyong naramdaman ko at bigla siyang naitulak.

"Ivan kasi.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang iharang niya ang daliri niya sa labi ko. May kung anong kuryente akong naramdaman nang magtama ang balat naming dalawa.

"No buts, Rachel. Magtago ka man kahit saan, mahahanap at mahahanap kita." nakangising sambit niya. Halos atakihin ako sa puso nang igalawa niya ang daliri niya sa labi ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang lumayo siya sa akin ng kaunti. Pero hindi niya ako iniwan at bagkus at hinila niya ako. 

"Ivan! Sandali lang!" nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya pero mahigpit ang hawak niya sa braso ko.

"May... May kailangan kasi akong gawin ngayon. Kailangan ko nang umuwi."

Patuloy lang siya sa paghila sa akin.

"Ivan! Yung drawing para bukas! Kailangan ko pang tapusin!" dahil sa sinabi ko ay tumigil siya sa paglakad at hinarap ako.

"This is my first wish, Rachel. Pagkatapos ng klase, akin lahat ng oras mo. Kung may kailangan kang gawin, gagawin mo kasama ako. Maliwanag?" Ngumiti siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Isang ngiting wala sa sariling nakapagpatango na lang sa akin.

When She Met the NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon