Ashamed
''Stella, I'm very sorry, pero hindi ka na kasama sa line-up para mamaya.''
''Raya will replace you; I'm really, really sorry, but the management has decided to remove you from the line-up. Wala na kong magagawa pa roon,'' sabi niya pa na mas lalong kinagulat ko.
''P-Po?!'' Gulantang kong tanong. ''Imposible naman po yata yang sinasabi niyo... mamaya na po yung event. Hindi naman po pwedeng palitan niyo ko ng last minute. Maganda po ang credentials ko sa pagmomodel, at nakikita niyo naman, hindi ba? I improved a lot! Mula sa paglalakad, sa pagpopose... I improved a lot! Kayo na rin po ang nagsabi niyan sa'kin!''
''Look, dear, ang management na mismo ang nag utos na alisin ka sa line-up, at palitan ka. I'm very sorry, Stella. Pero wala na akong magagawa pa roon.'' Dismayadong wika ni Sir Liam sa'kin.
''Isa pa, kapag sinama ka namin sa line-up mamaya. Paniguradong maapektuhan ang produkto ng kompanya, at masasangkot lang kami dyan sa eskandalo mo,'' may sasabihin pa sana ito nang biglang may nagsalitang matanda sa likod namin.
''Let her participate in the runway show, William. Bad publicity is still publicity, right, Miss Vasco?'' Saad nito sa'kin, bago bumaling kay Sir Liam. ''Isama mo na siya sa line-up mamaya,'' dagdag niya pa.
Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi.
''Pero, sir. Makakasama ho sa imahe ng kompanya natin kapag isasama pa natin si Stella sa line-up. Lalo na ngayong laman siya ng usapin sa internent... lalo na ngayong may kumakalat na sex video niya,'' hindi ko masyadong narinig ang kaniyang huling sinabi dahil bulong ito. ''Hindi ba't nakakahiya kung isasama pa natin siya sa line-up? Masisira lang ang reputasyon ng kompanya natin,'' pagpatuloy niya sa kaniyang sinasabi.
''You heard me, William."
''Isama mo si Miss Vasco sa line-up para mamaya. She's a professional model. She really has good credentials in modeling, like her mom, Selena.'' Dagdag niya pa.
Hindi nakatakas sa'kin ang kaniyang malagkit na tingin. Para bang may ibang ibig-sabihin ang paninitig niya sa'kin. Bumaba ang tingin niya sa katawan ko, at muli ulit tumingin sa mga mata ko. Hindi ako komportable sa paraan ng paninitig niya sa'kin. Napalunok ako sa'king sarili at umiwas ng tingin.
''You heard what Mr. Guerra said. Hindi ka na papalitan para sa line-up mamaya. You should thank him, Stella.''
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at inabot sa lalaki ang aking kamay para makipag-kamay.
''Maraming salamat sa tiwala. Pangako, pagbubutihan ko ho ang trabaho.'' Marahan kong sinabi.
Tinanggap niya ang kamay ko at dinampian iyon ng halik. Naramdaman ko rin ang banayad niyang pagpisil sa'king kamay. Mabilis kong binawi ang aking kamay. Dahil sa kaniyang ginawa.
''Mukhang ikaw na ang bago kong paboritong modelo,'' komento niya sa'kin habang ang mga mata ay nakatingin sa katawan ko. Umakyat ang tingin niya sa cleavage ko, bago tinignan ako ng malagkit sa kaniyang mga mata.
''Kahit may anak ka na, ang ganda pa rin ng katawan mo, ano?'' Napapaos niyang sinabi.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniyang sinabi. Minabuti ko na lamang ngumiti at sumunod na kay Sir William. Pagpasok namin sa dressing room ay halos nandoon na lahat ng modelo. Ang iba ay inaayusan na, ang iba naman ay sinusukatan.
''Raya, dear, I'm verry sorry. Pero walang changes na magaganap. Si Stella pa rin ang kasama sa line-up,'' batid ko ang pagkadismaya sa boses ni Sir William.
BINABASA MO ANG
Carrying the Beast Child (Constanzo Brothers 1)
General Fiction[NOT YET EDITED] Stella Kaysyee Gonzales-Vasco grew up longing for her father, who died before she was born. She always looks for a father figure-a father's love and care for someone older than her age. Until it became controllable, it became her o...