Reclaim
Maingay ang paligid. Habang ako ay nanatiling tahimik at tulala. Pinagmamasdan ko ang mga tao mula rito sa'king bintana.
Narinig kong bumukas ang pinto sa'king silid. Si Nurse Kamila ang pumasok. Lumapit ito sa'kin. Meron itong bitbit na kulay itim na tray, na siguradong pagkain at gamot ang laman.
"Stella, kumain ka na muna,'' banayad niyang sinabi at ngumiti sa'kin.
Nilapag niya sa lamesa ang tray na may lamang kanin at ulam. Nandoon din ang gamot na kailangan kong inumin.
"Kumain na muna kayo ng baby mo, tapos uminom ka ng gamot. Para mas maging malakas kayong dalawa ng baby mo," dagdag niya pa at muling ngumiti sa'kin.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang ako nakaramdam nang matinding galit. Nagalit ako sa kaniyang sinabi. Sinamaan ko siya ng tingin at nagsimula ako maging agresibo. Marahas kong tinapon ang kanin at ulam, pati na rin ang ibang mga gamit sa silid na ito ay pinagbabato ko. Nabasag ang ilang mga gamit at nasugatan ako.
Pumasok ang ibang mga nurse para pigilan ako sa pagwawala. Nandyan na naman ang mga munting tinig na siyang aking naririnig sa'king isipan. Palakas nang palakas ang kanilang mga tawanan.
Tinakpan ko ang aking tenga at nagsimulang umiyak. Nanginig ang parehas kong balikat dahil sa sobrang takot. Ganoon din ang mga kamay ko, parehas itong nanginginig. Umiling-iling ako at siniksik ang aking sarili sa sulok ng kwartong ito. Humagulgol ako habang ang dalawang kamay ko ay nanatiling nakatakip sa'king magkabilang tenga.
Hindi mawala ang mga tinig sa'king isipan. Palakas lang ito nang palakas. Ang kanilang boses ay rinig na rinig ko... ang kanilang mga tawanan na tila pinagtatawanan ako ay paulit-ulit kong naririnig sa'king isipan.
Mas lalo akong naging agresibo. Nagpupumiglas ako sa mga hawak nila sa'kin.
"It's okay, Stella... it's okay. You're safe now. It's okay, calm down. Hindi ka namin sasaktan," banayad na sinabi ni Nurse Kamila sa'kin.
Naramdaman kong may tinurok sila sa'kin. Tinurukan nila ako ng anesthesia. Hanggang sa unti-unti akong kumalma at nanghina.
Si Nurse Kamila ang nag-aalaga sa'kin dito sa Mental Hospital. Siya ang nagpapakain at nagpapainom sa'kin ng gamot. Bumaba ang tingin ko sa'king tyan. Malaki na ito at sobrang halata na ang aking baby bump. Sabi ng doctor sa'kin ay lalaki raw ang pinagbubuntis ko.
Walong buwan na kong buntis. Napasinghap ako sa'king sarili. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapagsalita.
Sa ilang buwan kong pananatili rito sa Mental Hospital ay ni minsan hindi ko nakita si Lisandro. Ni minsan ay hindi siya dumalaw sa'kin. Pagtapos ng nangyari ay wala na akong balita sa kaniya.
I lost myself because of the incident. I lost my career. I lost my other baby. I lost my ability to speak. I just lost everything—it's all because I became desperate for him.
I became so desperate to love and chase him that I couldn't blame him for what happened to me. All I can blame is myself... If I didn't throw myself at him out of desperation, I'd never be in that situation where I was tortured, sexually harassed, and almost raped.
I won't have a miscarriage if I don't become desperate.
Love is so easy to give, yet it's too hard to earn. When you love someone, you don't expect them to reciprocate your feelings for you. You love without expecting anything in return, because all that matters to you is how someone feels about how much you love them. All that matters to you is how you made someone feel your love for them. We love without barriers; we love without expectation; we just love, that's all.
![](https://img.wattpad.com/cover/334100981-288-k535674.jpg)
BINABASA MO ANG
Carrying the Beast Child (Constanzo Brothers 1)
Ficción General[NOT YET EDITED] Stella Kaysyee Gonzales-Vasco grew up longing for her father, who died before she was born. She always looks for a father figure-a father's love and care for someone older than her age. Until it became controllable, it became her o...