Consume
Kinaumagahan paggising ko ay mabigat ang buong katawan ko. Para akong namamanhid sa sakit. Masakit ang halos lahat ng bahagi ng aking katawan, pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko. Para akong unti-unting pinapatay sa sakit.
Hanggang ngayon ay sariwang-sariwa pa rin sa'king alaala kung paano niya paulit-ulit binigkas ang pangalan ng kaniyang dating nobya... kung paano niya paulit-ulit iyong binanggit habang ginagawa naming dalawa ang bagay na 'yon.
Dumapo ang tingin ko sa kaniyang malapad na likod. May mga kalmot ang ibang parte ng kaniyang likod. Kalmot na nanggaling sa'kin. Nakatalikod siya sa'kin at mahimbing pa ring natutulog hanggang ngayon. Dala na rin siguro ng sobrang kalasanginan, kaya dito na siya nakatulog sa'king kwarto.
Kahit hirap sa pagbangon ay sinubukan kong bumangon. Ramdam ko hanggang ngayon ang hapdi sa pagitan ng aking mga hita dahil sa nangyari sa'min kagabi.
Napasinghap ako sa'king sarili at napakagat sa'king pang-ibabang labi. Sinubukan kong lumakad ng normal. Sa huli ay nagawa ko naman... nagawa kong lumakad ng parang walang masakit sa'kin. Nagbihis lang ako ng disenteng damit bago ay lumabas ng kwarto ko.
Masyado pa palang maaga. Alas singko y media pa lang ng umaga. Marahil tulog pa ang mga kasambahay. Naisipan kong magluto ng almusal. Dahil paniguradong may hangover siya paggising niya.
Binuksan ko ang ref at nakita ko naman meron silang mga rekados na kakailanganin ko sa pagluluto. I tied my hair in a messy bun and wear an airpon. I also wash my hands before I start slicing the ingredients I need. After I finish cooking his hangover soup, I also made an avocado toast for him because I knew it was his favorite.
Arroz caldo lang naman ang niluto ko kaya madali ko lang 'yon naluto. Pagtapos kong magluto ay hinubad ko ang apron na suot ko. Hinugasan ko na rin ang mga ginamit ko. Inayos ko na rin ang pagkain sa lamesa. I also brew espresso for him. Napansin ko kasi ayon ang palagi niyang iniinom sa umaga, bago pumasok sa trabaho.
Narinig kong bumukas ang pinto sa'king kwarto. Si Lisandro ang lumabas. Saglit niya lang ako tinignan, bago ay pumasok sa kaniyang silid. Wala pa yatang sampung minuto nang lumabas siya sa kaniyang silid. Nakabihis na siya at mukhang may pupuntahan.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at tila nahihirapan akong mangapa ng mga salita. Napatigil siya nang hawakan ko ang laylayan ng kaniyang damit.
''K-Kumain na muna tayo... alam kong may hangover ka. N-Nagluto ako para kahit paano maibsan yang sakit ng ulo mo. Mukhang marami ka yatang nainom kagabi...'' wika ko sa mahinang boses.
Napalunok ako sa'king sarili nang dumapo ang kaniyang madilim na tingin sa'kin. Walang emosyon niyang binalingan ng tingin ang mga pagkain pinaghirapan kong lutuin... pinaghirapan kong lutuin para sa kaniya. Pakiramdam ko nanlambot ang dalawang tuhod ko nang marinig ang mga salitang binitawan niya.
Nanigas at nanlamig ako sa kinakatayuan ko.
''Manang, pakibigay na lang ang mga pagkain sa lemesa sa mga aso. Ipakain niyo sa mga aso, o kaya naman itapon niyo,'' malamig niyang inutos sa kasambahay niya rito.
Kinagat ko muli ang pang-ibabang labi ko at yumuko sa kaniya. Hanggang ngayon ay nakakapit pa rin ako sa laylayan ng kaniyang damit.
''What, now? Do you have anything to say, Stella?'' he asked ruthlessly.
''You're wasting my time,'' dagdag niya pa sa matigas na ingles.
''W-Wala na... wala na akong sasabihin. P-Pasensya na sa abala, Lisandro.'' Nauutal kong sinabi at lumuwag ang kapit ko sa laylayan ng kaniyang damit.
BINABASA MO ANG
Carrying the Beast Child (Constanzo Brothers 1)
Ficción General[NOT YET EDITED] Stella Kaysyee Gonzales-Vasco grew up longing for her father, who died before she was born. She always looks for a father figure-a father's love and care for someone older than her age. Until it became controllable, it became her o...