Hatred
"Mama, happy mother's day po. I wrote a letter for you po. I love you, mama!" nawala ang ngiti sa'king mga labi nang pira-pirasuin niya ang sulat sa harap ko.
Hindi man lang niya 'yon binasa. Walang pag alinlangan niyang pinunit ang sulat na pinaghirapan kong isulat para sa kaniya. Pinira-piraso niya 'yon sa harap ko. Napalunok ako sa'king sarili at bumaba ang tingin ko sa sahig.
Naramdaman ko na lamang ang pagdapo ng kaniyang palad sa pisngi ko. Isang malakas na sampal ang kaniyang ginawad sa'kin. Marahas niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at dinuro ako gamit ang kaniyang isang daliri.
"Anong gagawin ko dyan sa sulat mo, ah?! Mabubusog ba ko dyan?!" galit niyang tanong sa'kin.
Kinuha niya ang ilang pirasong papel at pilit niya 'yong pinapakain sa'kin. Pilit niyang binubuka ang tikom kong bibig. "Ayan! Punyeta kang bata ka! Lamunin mo yang sulat mo na 'yan!"
"Kahit kailan wala ka talagang kwenta!" dagdag niya pa at marahas akong itinulak sa sahig.
Wala akong magawa kung hindi ang humikbi sa'king sarili.
Suminghot ako at pinunasan ang aking mga luha. "Bakit po ba galit na galit kayo sa'kin? A-Anak niyo rin po ako..." wika ko sa maliit na maliit na boses.
"Para sabihin ko sa'yo wala akong anak na isang halimaw! Kahit kailan hindi kita matatanggap bilang anak ko!" hasik niya sa'kin at marahas akong kinaladkad palabas ng bahay.
Nanginginig ang mga kamay ni mama habang binubuksan niya ang kulungan ng aso. Pilit niya kong pinapasok doon at kinulong ako na parang isang hayop.
"Alam mo kung sino ang ama mo? Isang halimaw ang ama mo! Rapist! Kaya kahit kailan hinding-hindi ko matatanggap na anak kita!''
''Kasuklam-suklam na ipinanganak pa kitang halimaw ka!" galit niyang wika sa'kin.
Pilit kong binubuksan ang kulungan ng aso. Habang umiiyak at nanginginig ang aking mga balikat. Paulit-ulit akong nagmamakaawa sa'king sariling ina na palabasin na niya ko rito.
"Mama! A-Ayoko po rito... p-palabasin niyona po ko rito...." nangangatog kong wika.
Kumuha si mama ng isang timbang tubig at ibinuhos iyon sa kulungan ng aso. Dahilan kung bakit nabasa ako at mas lalo pa akong nanginig sa lamig. Muntikan na kong malunod dahil doon. Habol ko ang mabigat kong paghinga.
"Ayaw na ayaw kong makikita yang pagmumukha mo! Isa kang malaking peste sa buhay ko, Lisandro!"
Yumuko ako sa'king sarili. Isa-isang lumandas ang aking mga luha. Napasinghap ako sa'king sarili. Habol ko ang aking mabigat na paghinga.
Gusto ko lang naman batiin ng mother's day si mama... gusto ko lang naman iparamdam sa kaniya na siya pa rin ang pinaka the best na mama para sa'kin. Gusto ko lang naman sabihin na... kahit madalas siyang galit sa'kin, mahal na mahal ko pa rin siya.
What my mother feels about me is pure hatred—she treats me differently from how she treats my other brothers. She beat me up, locked me in a dog's cage, and doesn't allow me to go outside to play with other kids.
The idea of me being happy is what my mother hates the most.
Ayaw niya kong maging masaya. Hindi niya maatim makitang masaya ako.
Upon growing up, all I did was try to understand why my mother treated me that way. All I wanted was to make her proud of me, to make her love me—even a little amount of love is fine with me—to have her attention on me, and to accept me as her own son.
![](https://img.wattpad.com/cover/334100981-288-k535674.jpg)
BINABASA MO ANG
Carrying the Beast Child (Constanzo Brothers 1)
General Fiction[NOT YET EDITED] Stella Kaysyee Gonzales-Vasco grew up longing for her father, who died before she was born. She always looks for a father figure-a father's love and care for someone older than her age. Until it became controllable, it became her o...