Agreement
Pabalik-balik ang lakad namin dalawa ni mama sa tapat ng operating room. Sabay naming nilingon si Tito Max nang magsalita ito.
"Ano ba kayong mag ina kayo, pwede bang umupo na kayong dalawa? Kanina pa ko hilong-hilo sa inyong dalawa!"
"Maupo muna kayo! Selena, Stella!''
''Sinabi naman ng poging doctor, hindi ba? Magiging maayos ang lahat! Kaya pwede ba tigilan niyo na yan! Jusko, malapit ng mamuti ang mata ko sa inyong dalawa! Hilong-hilo ako!" reklamo niya pa.
Mama and I both let out a deep sigh and took seats next to each other. Matapos ang higit labing dalawang oras na operasyon ay lumabas din ang isa sa mga doctor. Sabay ulit kaming napatayo ni mama.
"The operation is a success; wala na kayong dapat pang ikabahala," para akong nabunutan ng malaking tinik sa'king lalamunan.
''Salamat naman sa Panginoon!'' wika ni mama, na katulad ko ay para ring nabunutan ng isang malaking tinik sa kaniyang lalamunan.
"Sa ngayon tulog pa ang pasyente dahil na rin sa anesthesia itinurok sa kaniya. Paglipas din ng dalawang oras ay magigising na rin ang bata."
"Maiwan ko na muna kayo at meron pa kong ibang pasyenteng naghihintay sa'kin," dagdag niya pa.
Sunod nilang nilabas ang anak ko. Hinatid nila ito sa kaniyang silid. Hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog nito. Marahan kong hinahaplos ang kaniyang buhok. Paglipas ng dalawang oras ay nagising din ito. Matamis itong ngumiti nang makita ako.
"Mama!"
"I have a dream po! We're riding a horse po! Then there's a big guy somewhere near us! As in super big niya mama! He's like a giant!"
"Do you know who that big man is, mama?" sunod-sunod na sinabi ng anak ko.
Kagigising niya lang mula sa operasyon, pero sobrang bibo niya pa rin. Para bang hindi siya inoperahan. Umiling ako sa sinabi ng anak.
"Sino po?"
"It's my papa!" halos masamid ako sa'king sariling laway sa sinabi ng anak.
"Do you know what I did in my dream, mama?"
"I get a big, super big gun! Then I point it at Papa, and then Papa looks so scared of me!"
"I stood in our horse and said, don't come near my mama! Then papa started to cry, aha! Papa is a crybaby! He's so scared of me!" tumawa siya ng nakakaloko, bago muli nagsalita. "I promised you, mama! I'll protect you from Papa! And I did! Because I'm not a crybaby like my papa! Ipoprotect po talaga kita!" mayabang niyang sinabi at ngumisi pa sa'kin.
"Ikaw talaga." iling kong sinabi sa anak. "Kagagaling mo lang sa operasyon. Wag ka munang masyadong madaldal at baka mapaano ikaw. Magpagaling ka muna po, okay po ba 'yon?"
"I love you, anak ko. Sobrang proud sa'yo si mama, kasi ang brave-brave mong bata. Talo mo pa si mama."
"I love you rin po, mama ko!"
"Kiss ka ni mama, para gumaling ka agad. Gusto mo ba yon?"
Tumango siya sa'kin. "Opo, mama! Kiss mo po ko marami rito sa cheeks, sa nose, then here din po sa forehead ko!"
I kissed his left cheek, then his right cheek; I also gave his nose a few tiny kisses, and lastly, his forehead. I showered him with kisses. He scrunched his nose a little and smiled at me.
"i love you, mama ko! You're the best mama in the whole universe! Kapag po magaling na po ko, I'll shower you with kisses and hugs!"
"Kasi kayo po ang the best mama ko!" malambing niyang sinabi sa'kin.
BINABASA MO ANG
Carrying the Beast Child (Constanzo Brothers 1)
Aktuelle Literatur[NOT YET EDITED] Stella Kaysyee Gonzales-Vasco grew up longing for her father, who died before she was born. She always looks for a father figure-a father's love and care for someone older than her age. Until it became controllable, it became her o...