Kabanata 17

13.3K 203 21
                                    

Heartless

Nagpabalik-balik ako sa paglalakad. Sunod-sunod din ang pagpapakawala ko ng mabigat na hininga. Nasapo ko ang aking noo at mariing pumikit.

''Kuya that's not true! Hindi totoo ang mga nakasulat sa papel na 'yon!''

''I'm sure of it; Lisandro has something to do with it! Maybe he purged it, or who knows if he manipulated that damn marriage certificate? I am not married to that man, kuya! Oo, naging desperado ako sa kaniya! S-Sobra ko siyang minahal, pero noon 'yon! At walang kasal na nangyari! Kaya malaking imposible totoo ang mga nakasulat sa papel na 'yon!''

Parehas nanginginig ang mga kamay ko ngayon. Dahil sa sobra-sobrang galit na nararamdaman.

''Calm down, Stella. Hayaan mo ako mismo ang magcheck kung totoo o h---''

''I said that's not true, kuya! Sinabi ng walang katotohanan ang mga nakasulat sa papel na 'yon!'' hindi ko napigilan ang pagtaas ng aking boses.

Narinig ko ang maliit na boses ng anak. Inosente itong lumapit sa'kin at niyapos ang binti ko.

''Mama, why are you shouting? Are you mad po?'' sunod-sunod nitong tanong sa'kin.

Umiling ako sa kaniya. ''H-Hindi galit si mama, anak. Napalakas lang ang boses niya. Sige na, baka hinihintay ka na ng mga pinsan mo. Magbehave ikaw, okay po? Wag pasaway kay Tita Augustina mo, at kay Tito Aziel mo. Mamaya tatawagan ka ni mama.''

''Mama, I know now how to text! Riley taught me how to text! Can I have your phone, mama? May gusto lang po ko ilagay sa phone niyo po!'' 

Binigay ko sa kaniya ang aking telepono. Maya-maya rin ay binalik niya sa'kin 'yon. Nabasa kong pinalitan niya ang pangalan niya sa contact ko ng 'my poging baby boy'

Ngumisi ang anak ko sa'kin. ''Riley told me that pogi means handsome, mama! And I'm your only baby boy; that's why I'm your poging baby po! Wag niyo pong ichange yan, ah? I love you, mama ko!''

Tumango ako sa kaniya at ngumiti. Hinalikan niya ang pisngi ko, pati na rin ang tungkil ng aking ilong. ''Let's go na, Tito Aziel!'' pagalit nitong tawag sa kaniyang tito.

''Mama, we'll go now! Promise ko sa'yo, I'll buy you a pasalubong para hindi ka po masad dahil hindi ka namin kasama!'' muli niyang saad sa'kin at nilahad ang kaniyang kamay sa'kin. Nagsimula itong magpapogi sa harap ko at matamis na ngumiti sa'kin. ''Mama! Could you please give me a money po? Kasi paano po ako makakapag-buy ng pasalubong niyo, if I don't have money po? Dapat po bigyan niyo ko!''

''Para po mabuy kita ng pasalubong!'' dagdag niya.

Umiling na lang ako sa sinabi ng anak at naglabas ng pera sa'king pitaka. Muli na naman niya kong hinalikan sa pisngi. ''I love you, mama ko!''

''I love you too, baby boy kong pogi.'' natatawa kong sinabi. ''Love na love ka ni mama, anak ko,'' dagdag ko pa at pinagmasdan ang kanilang pag-alis.

Mainit pa hanggang ngayon ang issue ko. Kaya hindi ako pwedeng sumama sa kanila. Baka ulanin lang kami ng mga reporter. Mariin kong pinikit muli ang mga mata ko at minasahe ang tungkil ng aking ilong.

I've had that information checked a couple of times, and the result is always the same: they say that's a legit document; it wasn't forged. Lahat ng nakalagay sa papel na 'yon ay totoo. Totoong kasal kami ni Lisandro sa isa't isa. How did that happen? Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naniniwala. I need to check it with my own eyes! Kung kinakailangan umuwi ako ng Pilipinas ay gagawin ko, mapatunayan lang hindi totoo ang mga nakasulat sa papel na 'yon! 

Walang katotohanang kasal ako kay Lisandro! Hindi kami kasal sa isa't isa!

Anong akala niya sa'kin... na ako pa rin yung Stella na desperadang ibabato ang sarili sa kaniya? Yung Stella desperadang mahal na mahal siya? Na lahat-lahat gagawin mahalin niya lang? Yung Stella trinato niyang parang isang basura? 

Carrying the Beast Child (Constanzo Brothers 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon