Chase
''Sir, your meeting with Miss Mendoza will start in five minu---'' naputol ang sinasabi ng kaniyang sekretarya nang maabutan kami sa ganoong position.
Yakap ako ni Lisandro sa kaniyang mga bisig.
Agad kong tinulak si Lisandro palayo sa'kin at umayos ng tindig. Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi. Tumikhim ako at nagpaypay gamit ang aking kamay.
Lisandro nodded his head and licked his lips. ''Alright, you may go now, thank you.''
Pagsabi niya non ay agad naman lumabas ang kaniyang sekretarya. Muli na naman niyang sunubukan hawakan ako, pero sa pagkakataong ito ay dinuro ko siya.
''Don't you dare touch me again; you're a manipulator and a liar! I'm disgusted by you! How dare you say those words to me? Ang kapal ng mukha mo, Lisandro!'' nanginginig ang boses ko ngayon sa sobrang galit. ''Mahal mo ako? Tangina mo! Wag ako ang ginagago mo! Sige, sabihin na natin totoo lahat ng mga nakasulat dyan sa papel na yan, but do you know what I want, huh? I want a divorce! I want you to stay away and be gone from my life... I don't want my name associated with you; the mere thought disgusts me. Nakakadiri... nandidiri ako isang katulad mong kriminal at mamamatay tao!'' dagdag ko pa at padabog na kinuha ang mga gamit ko para lumabas sa kaniyang opisina.
Ramdam ko ang pagsunod niya sa'kin. Sinundan niya ko hanggang sa parking lot ng kanilang kompanya. Sinubukan niya ulit akong hawakan, pero marahas akong umiwas at muli siyang dinuro.
''Sinabi ng wag mo kong hahawakan!''
He sighed. ''I'm s-sorry...''
Gusto kong matawa sa kaniyang sinabi. Umiling ako at umatras nang hakbangin niya ang distansya naming dalawa.
''But it's true, totoong mahal kita, Stella. I've loved you ever since, and until now, I still love you, baby please,'' nahihirapan niyang wika sa'kin at sinubukan na naman akong hawakan.
Malakas na dumapo ang palad ko sa kaniyang kaliwang pisngi. Isang malakas na sampal ang ginawad ko sa kaniya. Parehas kaming natahimik na dalawa. Lumandas ang luha sa'king pisngi na marahas kong pinahis. Mabilis akong pumasok sa loob ng sasakyan ko at pinaharurot 'yon paalis sa building na ito... palayo sa kaniya.
Hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ako sa sobrang galit. Itinabi ko ang aking sasakyan sa gilid ng kalsada. Umawang ang labi ko, habol ko ngayon ang aking mabigat na paghinga. Lumandas muli ang luha sa'king mga mata.
Ako? Mahal niya? Kasinungalingan!
Ngayong okay na ako, sasabihin niya sa'king mahal niya ako? Ngayon pang okay na ko? Ngayon pang nakaahon na ko mula sa pagkakalunod sa kaniya? Ngayon pang naiangat ko na ang sarili ko mula sa pagkakalubog sa kaniya? Ngayon pang pagod na ako? Ngayon niya pa sasabihing mahal niya ako?
I've been dying to hear those three words from him, and now that I've heard them, it's like a sharp knife that stabs direct to my chest. It pains me to hear those words from him. Maybe because I got tired of chasing him. I got tired of loving him. I already lost myself in desperately loving him; I won't let myself lose myself again.
Napasinghap ako sa'king sarili nang may bumisinang sasakyan sa gilid ko.
It was Lisandro!
Wag mong sabihin hanggang dito sinundan niya ako?
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko. Hanggang ngayon ay tanaw ko pa rin sa'king side mirror na sumusunod siya sa'kin! Pinaharurot ko ang aking sasakyan at ganoon din siya!
Sa inis ko ay itinigil ko ang sasakyan at padabog akong lumabas doon. Nakita kong tumigil din siya at lumabas. He jogged our distance, and I gritted my teeth at him.
BINABASA MO ANG
Carrying the Beast Child (Constanzo Brothers 1)
Ficción General[NOT YET EDITED] Stella Kaysyee Gonzales-Vasco grew up longing for her father, who died before she was born. She always looks for a father figure-a father's love and care for someone older than her age. Until it became controllable, it became her o...