Confined
''Bitawan niyo ko! Sino kayo? A-Anong ginagawa niyo sa'kin?!'' Nahihirapang hasik ko sa kanila.
''Sinabi ng bitawan niyo ko! Mga d-demonyo kayo! Wag niyo kong hahawakan!'' Dagdag ko pa.
Nagpupumiglas ako nang hawakan nila ang magkabila kong palapulsuhan. Hinawakan din nila ang magkabila kong binti. Para mapigilan ako sa pagwawala. Pero mas lalo lamang akong naging agresibo.
Buong lakas akong pumapalag sa mga hawak nila sa'kin.
''Mga d-demonyo kayo! Demonyo!'' Paulit-ulit kong sigaw habang pilit na pumipiglas sa mga hawak nila sa'kin.
Naramdaman kong may tinurok sila sa'kin at unti-unti akong kumalma. Bumigat ang buong katawan ko. Para akong nanghihina... nawalan ako ng lakas. Nanlambot ang buong katawan ko. Binitawan nila ako. Natanaw ko ang paglapit ni mama sa'kin. Umiiyak ito ngayon.
Nandito rin sa silid na 'to si Kuya Aziel. Batid ko ang galit sa kaniyang mga mata. Palaging kalmado ang itsura ng kapatid ko, pero ngayon nanggagalaiti sa galit ang kaniyang dalawang mata. Hinawakan ni Augustina, ang kaniyang asawa, ang kamay niya para pakalmahin ito. Marahan niyang pinipisil ang kamay ni kuya. Bumaba ang tingin ni mama sa mga galos na natamo ko. Napatakip siya sa kaniyang bibig at napailing sa kaniyang sarili.
Tila nahihirapan siyang tignan ako sa ganitong sitwasyon.
Mas lalo siyang lumapit sa'kin at marahan niyang hinaplos ang aking buhok pababa sa'king mukha. Batid ko ang panginginig ng kaniyang mga kamay. Niyakap niya ako at doon na bumuhos ang aking mga luha.
Umiyak ako nang umiyak habang yakap-yakap ako ni mama. Nanginig ang mga balikat ko sa sobrang pag-iyak.
''I'm s-sorry it happened to you... I'm s-sorry, my daughter. It'll never happen to you again, I promise. Magbabayad ang may sala sa'yo niyan. Mabubulok sila sa kulungan.''
''I'm s-sorry... I love you. Mahal na mahal ko kayo ng kuya mo... mahal na mahal ka ni mama, Stella, anak ko...'' paulit-ulit na bulong ni mama sa'kin.
Walang boses gustong lumabas sa bibig ko. Nanatili lang nakaawang ang aking mga labi, habol ko ang mabigat kong paghinga. Humihikbi. Pumasok ang isang doctor.
''Doc, kamusta ang lagay ng kapatid ko?''
''Tatapatin ko na kayo. Kung hindi agad nadala sa hospital ang pasyente. Posibleng malaglag din ang isang bata sa sinapupunan niya. Her other baby didn't make it. She had a miscarriage, but luckily the other baby survived. I'm very sorry,'' pormal nitong sinabi.
''A-Anong ibig mong sabihin?'' Naguguluhan akong tumingin kay mama. ''Ma, anong sinasabi niya? A-Anong ibig niyang s-sabihin?'' nahihirapan kong wika sa sariling ina, pero hindi sumagot sa'kin si mama.
''I'm very sorry, Stella. Pero patay na ang isang bata sa loob ng sinapupunan mo. Nakunan ka at namatay ang isa sa kambal.''
Para akong nabingi sa kaniyang huling sinabi. Umiling ako sa'king sarili at nagsimulang maging agresibo.
''N-No... h-hindi totoo yan! Nagsisinungaling lang kayo sa'kin! B-Buhay parehas ang a-anak ko! H-Hindi totoo yan!'' Hasik ko sa bawat hikbi. Mas lalo akong humagulgol. Muli akong umiling sa kanilang lahat. ''H-Hindi... h-hindi totoo ang sinasabi niyo! B-Buhay ang anak ko!'' Mas lalo akong niyakap ni mama at sinusubukan akong pakalmahin.
Galit na galit kong tinulak si mama palayo sa'kin. Nagsimula akong magwala. Napatakip si mama sa kaniyang bibig nang agresibo kong pinagbabato ang mga gamit sa sahig. Nagpatuloy ako sa pagwawala.
BINABASA MO ANG
Carrying the Beast Child (Constanzo Brothers 1)
Fiction générale[NOT YET EDITED] Stella Kaysyee Gonzales-Vasco grew up longing for her father, who died before she was born. She always looks for a father figure-a father's love and care for someone older than her age. Until it became controllable, it became her o...