TUMATANGIS ang dalagang si Artemis habang siya'y mag-isang tumatakas sa mga immortal na tumugis sa kanilang mag-ina.
Labag sa kanyang kalooban ang paglisan subalit kinontrol ng kanyang ina ang kanyang isipan kung kaya't kusang sumunod ang katawan.
Naririnig niya parin ang nanghihingalong hininga ng kanyang ina at ang presensya nito lalo-lalo na ang mapanganib na bampirang si Lazarus.
Huminto siya sa pagtakbo nang maputol ang bigkis ng ispiritwal na kapangyarihang konektado sa kanilang mag-ina.
"H-hindi— ano 'to?!" Napayakap siya sa sarili. "Hindi ko na maramdaman ang kanyang presensya."
Hindi nakaligtas ang kanyang ina sa kamay ng kalaban.
"Hindi maari— inaaaaaaa!"
Ang kanyang sakit at hinagpis ay nagdulot ng paglabas ng kanyang espesyal na kapangyarihan nang hindi na mamalayan.
Ang kulay itim na dapat ay maging pula, ngayo'y nagbago muli at naging kulay ginto.
Pinagmasdan niya ang buwan habang tumutulo ang luha.
Nais niya isumbat ang lahat ng hinanakit niya ngayon ngunit hindi niya maaaring gawin 'yon dahil batid n'yang may dahilan ang lahat.
"Kapangyarihan ng buwan, ako nga ba talaga'y karapat-dapat sa iyong kapangyarihan gayong ikaw ang dahilan kung bakit nawala ng tuluyan ang aking mga magulang?"
Ang liwanag ng buwan ay kumalat sa kalangitan at ang sinag nito'y nakatuon kay Artemis at sumanib.
Muling namumbalik sa kanyang isipan ang mga katagang iniwan ng kanyang ina.
Gagamitin ang kapangyarihang ipinagkaloob para ibalanse ang mundo ng mortal at imortal.
"Ako si Ayla Selene Di Artemis, ang susunod na Nux at bagong Lunar's Vessel."
***
"A-AHH!" napahawak siya sa kanyang ulo dahil sa sakit. Siya'y nagtaka dahil hindi naman ito sumasakit sa tuwing nagbabago ang kanyang anyo kapag Full Moon.
Ang kanyang pagiging Lunar's Vessel ay hindi lang mga mata ang binago, kundi pati rin ang anyo ng pagiging bampira't lobo.
Tuluyang nawala sa sarili si Artemis at naging bampirang-lobo, hindi na makilala ang kanyang silid sa kanyang ginawa.
Hinampas ng malakas ni Artemis ang bintana sa pag-aakalang makalabas subalit tumilapon siya dahil sa kapangyarihan ng seal na nilagay ni Frankenstein.
Nang bumagsak sa sahig ang dalaga ay agad pumatong si Frankenstein at pina-inom ang dugong dala niya.
"Kamahalan..." Hinaplos nito ang mukha ng dalaga.
Napagtanto ni Frankenstein na hubad ang pang-ibabaw ni Artemis.
Aalis sana siya sa pagkakapatong nang mabilis hablutin ng dalaga ang kanyang kamay at pumalit sa pagkakapatong.
"Artemis, wala kang pang-ibabaw na suot-" natigilan siya dahil sa pagnanasang tingin ng dalaga.
"Hindi sapat ang dugo ng hayop, kailangan kita, Frankenstein." Artemis
***
"KAMAHALAN, umagang-umaga baka matunaw ako." Nakaismid na wika ni Frankenstein na ikinagulat niya.
"Ahhhhh— patawad!" tinulak niya si Frankenstein palayo at agad bumangon. "Anong ginagawa mo sa aking silid?" namumulang tanong niya.
"Hindi mo naba naalala ang nangyari kagabi?" Tanong ng binata, umiling si Artemis sa kanya.
Sinusing maigi ni Artemis ang mga nangyari kagabi.
Unti-unti niya nang naaalala ang lahat.
At ang paglabas ng Full Moon.
"Tunay ang iyong naalala, kamahalan. Nawala ka sa iyong katinuan na nagresulta ng hindi kaaya-ayang sitwasyon." Panimula ni Frankenstein sabay upo sa kanyang kama. "Isa sa hindi kaaya-ayang naganap kagabi ay pinagsamantalahan mo ang aking kahinaan."
"Teka ano?" hindi siya makapaniwala.
"Pero maaari na'ting ituloy 'yon ngayon mismo kung nanaisin mo parin, kamahalan." Dagdag nito na may nakakalokong ngiti.
_________________________________
A/N: Yo wazzup! So, eto— meron na naman tayong new story. Sana suportahan niyo rin 'to.This is my first ever VAMPIRE/HUMAN/WOLVES genre I wrote. Sana magustuhan niyo talaga.😭💖
BINABASA MO ANG
THE LUNAR'S VESSEL
VampireAyla Selene Di Artemis, kalahating bampira at kalahating lobo na tinataglay ang gintong mga mata. Sumanib sa kanya ang kapangyarihan ng buwan upang maging kinatawan nito. Gamit ang kapangyarihang ito, misyon n'yang balansehin ang kapayapaan ng tatlo...