CHAPTER 5

330 19 0
                                    

SA BALKONAHE ng mansyon ay magkaharap na nakaupo sina Artemis at Frankenstein. Nilibot ng dalaga ang kanyang paningin sa laki at lawak ng mansyon, napansin n’yang walang ibang nilalang sa loob kundi silang dalawa at ang pusang si Sky.

Hindi parin maalis sa kanya ang bigla tungkol sa taong nagngangalang Frankenstein na ang buong akala niya ay isang mantandang hukluban.

Subalit isa palang preskong binata na hindi nalalayo ang edad ng hitsura sa kanya.

Nabaling naman ang tingin ni Artemis sa tsaang nasa kanyang harapan na kanina pa inihanda ni Frankenstein.

“Wala kang dapat ipag-alala d’yan, Binibini. Hindi ako masamang tao para lagyan ng lason o pampatulog ang iyong inumin.” Natatawang wika ni Frankenstein saka humihigop ng tsaa. “Hindi ikaw ang tipo ko.”

Napairap sa kawalan si Artemis sa kanyang tinuran, nayayabangan siya porket guwapong binata.

Hindi niya na patatagalin ang kanyang pananahimik, kailangan niya ng impormasyon tungkol sa mga nilalang tumugis sa kanilang mag-ina.

“Bakit alam mo ang pangalan ng aking ina? Ikaw nga ba talaga ang taong tinutukoy niya sa sulat? Imposible namang ikaw 'yon dahil ang aking ina ay isang bampi—” hindi tinuloy ni Artemis kanyang sasabihin.

Baka kung ano ang maging reaksyon ng binata kapag sinabi niya ang totoo. Nag-aalala siya sa maaaring pagtingin nito.

“Bakit mo pinutol? Ikaw ba ay natatakot na sabihin sa akin na nagmula kayo sa angkan ng mga bampira?”

Sumandal si Frankenstein sa upuan at pormal na umupo.

“Hindi lamang si Selena ang kilala ko, kundi pati rin ang iyong ama na si Amarok na nagmula sa angkan ng mga lobo. At ikaw Artemis— ang kanilang bunga mula sa bawal na pagmamahalan.”

Nagkaroon ng gulo sa isip ng dalaga lalo na ang pagsambit nito sa pangalan ng kanyang ama.

“Kilala mo ang aking mga magulang, Ginoo? Paano nangyari ‘yon kung ikaw ay isang mortal at sila’y imortal?” Mahinang natawa si Frankenstein sa kanyang katanungan.

“Ilang-daang taon nang nakalilipas nang mabuo ang aming pagkakaibigan.”

Tumayo ang ginoo at naglakad palapit sa gawi ni Artemis.

“Ang iyong amang si Amarok ay isang pasaway na lobo na palaging pinagtataguan ang kalahi at responsibilidad sa kanyang bilang pinuno. May batas ang mga lobo na kung sino ang pinakamalakas ay s’yang iluluklok upang maging Lycaon o pinuno subalit tinanggihan niya ‘yon at nagtago. Mas pinili niya si Selena na kasalukuyang Nux o reyna ng mga panahong iyon, at batid mong— ang iyong ama ang dating Lunar’s Vessel...”

Nakatayo siya sa likuran ng dalaga at bumulong.

“Hindi ba, aking kamahalan?”

Inatras ni Artemis ang tenga niya, gusto n’yang bawian ng hininga ang Ginoo dahil sa kalandiang taglay nito.

“Parang ayoko nang maniwala sa sasabihin mo.”

Tumawa muli si Frankenstein dahil napikon agad ang dalaga sa kanyang birong galawan.

“Ang iyong gintong mga mata ay nagpapatunay na ikaw ang Lunar’s Vessel.”

“Ginong, sabihin mo, immortal ka rin ba tulad namin?” Tanong ni Artemis sa kanya.

Umiling si Frankenstein. “Ako ay isang ganap na tao.”

Lalong gumulo ang isip ni Artemis sa kanyang tinuran.

“Sandali lamang at hindi ko maunawaan. Kung ikaw nga ay ganap na tao— paano ka nanatiling buhay sa loob ng ilang daang taon? Batid ko ang lahi ng mga tao ay may maikling buhay na bihirang umaabot sa isang-daang taon.” Pangungumpirma ni Artemis.

Nagkaroon siya ng kunting kaalaman sa tao dahil sa pagbabasa ng libro tungkol sa mga mortal.

“Sabihin nalang na’tin na nakipagsunduan ako sa pamamagitan ng dugo ng ‘yong magulang.”

“Ano? Blood Pact? Kung ganun, ikaw nga ay immortal?”

“Mukha lang pero hindi. Isa akong eksperimentong tao. Hinihigop ng aking kapangyarihan ang kaluluwa ng mga immortal, salamat sa Blood Pact kahit papaano ay nagawa kong kontrolin ‘yon at napahaba ang aking buhay bilang Guardian.” Paliwanag ni Frankenstein.

“Guardian?” Tanong muli ni Artemis.

“Katulad ng sinabi ko. Nagmula ako sa lahi ng mga tao. Ako ang Guardian ng mga tao, Grim Reaper ng immortal. Ako ang nangangasiwa sa kaligtasan ng mga tao laban sa mga imortal na nais magtangka sa buhay nila. Ang mga suwail na immortal katulad nila’y aking pinapaslang.” Tumibok ng mabilis ang puso ni Artemis dahil sa kaba.

Ngayon ay  batid niya kung saan nagmula ang itim na presensyang naramdaman niya kanina. Sa lalakeng kaharap niya.

“Sino ka bang talaga?” Tanong ng dalaga.

“Ako? Ako lang naman ang magiging asawa mo.” Lumiwanag ulit at presensya ng binata. “Nasa sinapupunan kapa lamang ay nangako na akong poprotektahan kita anuman ang mangyari.”

Nawala ang kaba sa puso ng dalaga ngunit ang lakas ng tibok ng kanyang puso’y nanatili parin nang ngumiti si Frankenstein.

Hindi niya maitatangging ang gwapong mukha nito kahit arogante.

“S-sabihin mo sa’kin, Ginong. Ilang taon kana?” Wala sa sariling tanong ni Artemis.

“Isang libo at dalawamput-siyam.” Laglag pangang napasandal sa upuan ang dalaga.

Hindi siya makapaniwala, ang taong nasa kanyang harapan ay matanda sa kanya ng walong-daa’t tatlumpu.

Tunay ngang matanda na pero hindi sa hitsura.

Samantala siya na immortal ay isang-daa’t siyamnaput-siyam pa.

Ang nakakatawa rito ay nais s’yang maging asawa ng ginoo, ayaw maniwala ni Artemis sa sinasabi niya.

Ang lalakeng ito ay kaibigan ng kanyang ama’t ina kaya— napailing siya at muling nagtanong. “Ginong—”

“Ginoo, kamahalan. Pakiusap.” Pangtatama ni Frankenstein dahil ayaw n’yang marinig kung gaano na siya katanda kahit may katotohanan. “Maaari mo rin akong tawaging, mahal ko.”

— KnightAncient

THE LUNAR'S VESSEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon