SA PAREHONG lugar ng dakong gabi ay nanatili si Artemis sa harap ng batis para imuni ang sarili. Kanyang pinunasan ang mga tumulong luha at kinapa ang nakatagong papel kasuotan, binigay ito ng kanyang ina bago siya pinatakas.
Ang huling sinabi nito ay kailangan n’yang sundin ang nakasulat upang makita ang nilalang na nakatukoy dito. Nakapaloob ang lokasyong tatahakin at ang pangalan ng isang mortal.
Nagtaka ang dalaga, anong kinalaman ng mortal na’to sa kanilang mag-inang immortal?
“Kailangan kong mahanap ang taong ito sa lalong madaling panahon.”
Ang nangyaring pagpaslang sa ina ni Artemis ang nagtulak upang hanapin ang isang mortal na nakasulat sa pirasong papel.
Nakasaad sa sulat kung saan ito nakatira at nabatid nyang naninirahan ito sa liblib at dulong bahagi ng isla ng Bermuda kung saan ang mga nilalang hindi pamilyar sa lugar na iyon ay nangahas na pumasok ay hindi na nakalalabas.
Hindi maiwasan ni Artemis ang magduda sa taong ito, tila bang may tiwala dito ang kanyang ina. Lingid sa kaalaman niya kung anong relasyon ng nilalang ito sa kanyang mga magulang.
“Ambrose Frankenstein.” Sambit niya sa pangalan.
Inabutan ng pagsikat ng araw si Artemis sa kanyang paglalakbay, ngunit ang sikat ng araw ay hindi nakaapekto sa kanya dahil kalahati sa dugo niya ang pagiging lobo bagkus ay kailangan niya parin magsuot ng balabal para itago ang sarili lalo na ang kulay dugo n'yang mga mata na hindi parin bumabalik sa dati.
Natunton niya ang lokasyong nabanggit.
Totoo nga ang haka-haka tungkol sa lugar na ito, tunay ngang nakasisindak— ngunit wala nang mas sisindak pa sa nangyaring pagpaslang sa kanyang ina, wala nang kabuluhan ang ganitong bagay sa kanya.
Isang hakbang palang sa lugar ay nakaramdam agad ng mabigat na presensya si Artemis, hindi niya maintindihan kung anong uri— ang alam niya lamang ay nasa paligid ito.
Hirap mahulaan kung nagmula ba ito sa bampira o lobo.
Palinga-linga siya sa paligid dahil ramdam n’yang palapit na ito.
“Meow…” Lumabas sa damuhan ang isang pusang kulay kahel.
Nag-iba ang presensya ng paligid nang makita ni Artemis ang pusang palapit sa kanya, naakit siya sa kulay kaya kinuha niya ‘to.
“Anong ginagawa mo dito munting pusa? Ikaw ba’y naliligaw? May amo kabang nag-aalaga sa’yo?”
Tinitigan ni Artemis ang mukha ng pusa at mas naakit siya kulay ng mga mata nito, kulay asul na langit.
“Anong pangalan mo?” Mistulang baliw na ang dalaga dahil panay ang kanyang tanong sa pusa na imposible namang sumagot.
Sa kaaaliw niya rito ay napansin niya ang suot nitong kulyar.
“Sky?”
Naging malambing ang pusa sa kanya nang wikain nito ang pangalan.
Nagsalita muli si Artemis. “Kung ganoon ay Sky ang iyong ngalan? Kung sabagay ay naaayon din naman sa kulay ng iyong mga mata, perpektong ngalan.”
BINABASA MO ANG
THE LUNAR'S VESSEL
VampireAyla Selene Di Artemis, kalahating bampira at kalahating lobo na tinataglay ang gintong mga mata. Sumanib sa kanya ang kapangyarihan ng buwan upang maging kinatawan nito. Gamit ang kapangyarihang ito, misyon n'yang balansehin ang kapayapaan ng tatlo...