CHAPTER 20

280 16 0
                                    

ANG WALANG buhay na katawan ni Artemis ay unti-unting lumutang at lumiwanag.

Napatingin ang lahat ng immortal sa gawi ‘yon at nasaksihan nila ang muling panunumbalik ng dating kapangyarihan nito.

“Artemis. “ wika ni Frankenstein habang nakatingin sa lumiliwanag na dalaga.

Ang tuyo at butot-bala’t na katawan ng dalaga ay muling bumalik sa dati.

Muli s’yang naging bampirang-lobo na kontrolado ang kapangyarihan at ang kulay ng mga mata nito ay pinaghalong pulang-dugo at ginto.

Mas malinis ang kanyang anyo bilang bampirang-lobo kumpara sa dating pagpapalit anyo, mas kaya-aya s’yang tingnan at gumanda.

Hindi makapaniwala si Arcus sa nakita. “I-Imposible… papaanong—"

Dumating naman si Lazarus at isa-isang pinaslang ang bampirang nakapanig sa kanya. Nagulat si Arcus sa kanyang ginawa.

“L-Lazarus… anong ibig sabihin nito?” Galit n'yang turan. “Isa kang traydor!”

Dumating naman ang isang pamilyar na bampirang babae at sinunggaban siya, tumilapon ito ngunit nakaiwas sa punong akmang tatama sa kanya.

Tinignan niya kung sino ang may gawa at nakita niya si Selena na galit na galit.

“Ano? Selena, buhay ka?!”

Tinignan ni Artemis ang gawi ni Arcus at totoo nga, buhay ang kanyang ina. Hindi niya mapigilang mapaluha.

Nang tumayo si Arcus ay dumating ang lobong kulay kahel, kinagat nito si Arcus at binagsak sa sahig.

Agad namang nagbago ang anyo ng lobo at naging kalahating tao. Galit kung makatingin ang asul na kulay langit nitong mga mata.

Nanlaki ang mga mata ni Arcus nang makilala niya kung sino ito. “I-imposible… Amarok!”

Hindi siya makakilos sa sobrang gulat.

Ang dalawang nilalang na minsang niya nang pinatay ay ngayo’y buhay na buhay, pati ang dating reyna na si Selena.

“Tama na ang pagpapahirap mo sa aking lahi at sa pamilya ko. Kamatayan mo ang sisingilin ko, Arcus.” Binaon ni Amarok ang kanyang kuko sa leeg ni Arcus dahilan ng pagsilabasan ng dugo.

Si Selena naman ay hinawakan nito ang ulo at pwersang hinila dahilan ng pagkapugot.

Nagulat at napaatras ang natitirang kalabang immortal sa ginawa nila.

Si Artemis naman ay lumuluha nang masilayan muli ang kanyang ina na buhay.

“Artemis.”

Lumingon siya sa tumuwag ‘non at naramdaman n’yang yumakap agad ito sa kanya.

“Salamat naman, buhay ka.” Lumuluhang wika ni Frankenstein sabay laho ng kanyang tinawag na estatwa.

Gumanti ng yakap si Artemis sa kanya.

“Frankenstein.” Hinalikan ng ginoo ang kanyang noo. Ngumiti sila pareho.

Tinignan siya ni Selena na may ngiti sa mukha. “Anak ko.”

Napatingin si Artemis sa kanya.

“Ina!” masayang tumakbo palapit ang dalaga sa kanyang ina. “Salamat naman ina at buhay kayo.” Wika niya habang nakayakap ng mahigpit.

“Oo, anak. Bumalik ako para sa’yo.” Nakangiting sagot ng kanyang ina at hinalikan ang kanyang pisngi. “Anak, ipinapakilala ko sa’yo… ang iyong ama.”

THE LUNAR'S VESSEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon