CHAPTER 1

611 25 0
                                    

🌜 THE LUNAR'S VESSEL 🌛

⚜️  CHAPTER ONE  ⚜️

“ANG KAPANGYARIHAN ng buwan ay may kakayahang manipulahin ang pag-iisip ng bawat nilalang, mapa-lobo o bampira man. Hindi lamang mga nilalang kundi pati rin ang inosenteng kalikasan. Bubuo ng sandatahan para sakupin ang mundo ng mga tao at pagharian ang sangkatauhan."

Wika ng inang bampira sa kanyang anak na si Artemis habang magkasamang tumatakas mula sa tumutugis sa kanila.

"Ang kapangyarihan ng buwan ay ginagamit para sa balanseng pamumuno at pagkakaisa ng mga imortal upang mapanatili ang kapayapaan sa parehong mundo. Walang sagupaan, walang buhay ang mawawala.”

Ilang oras na ang nakalipas subalit hindi parin magawang makatakas ng mag-inang bampira mula sa kalahing bampira kasama ang traydor na pangkat ng itim na lobo.

Ang layunin ng kalaban ay makuha ang kapangyarihan ng buwan na nakapaloob sa kinatawan nito.

Batid nila ay hawak ni Selena ang kapangyarihang iyon kung kaya't siya ang dating reyna ng mga bampira o mas kilalang ‘Nux’ na itinago ang sarili sa loob ng ilang dekada.

Hindi maalis sa loob ni Selena ang pangamba sa kasalukuyang kalagayan nilang mag-ina. Para silang hayop na tinutugis ng mga mangangaso sa liblib na kagubatan.

Alam niya ang maaaring mangyari sa oras na madakip sila, kukunin ang kapangyarihan ng buwan upang gamitin sa kasamaan pagkatapos ay paslangin.

Agad pinigilan ni Selena ang anak sa pagtakbo nang lumantad sa kanilang harapan ang apat na mababangis na nilalang na nagmula sa angkan ng mga lobo.

Nanlilisik ang pulang mga mata nito habang tumutulo ang laway tila natatakam sa kanilang mag-ina.

"Ina…" Tanging wika ni Artemis at napaatras dala ng takot.

Hinawakan naman ni Selena ang kanyang kamay at palihim na inabot ang maliit na tuping papel.

"Hawakan mong mabuti, Artemis. Mahalaga ang papel na ‘yan." Wika ng ina at nilipat niya sa kanyang likuran si Artemis upang protektahan sa apat na lobong-itim na nasa kanilang harapan.

"Masyado silang marami. Sasamahan ko po kayong labanan sila, ina."

"Hindi maaari— kamatayan ang nag-aabang sa'tin sa mga oras na'to. Mas mainam na tumakas kana at iwan mo na'ko dito." Agad sinunggaban ni Selena ang umatakeng lobo sa kanila.

“Ina!”

Napasigaw si Artemis sa sobrang gulat nang makita niya ang kanyang ina mabilis na pinabagsak ang lobong-itim saka tinanggalan ng balat ang parte ng katawan gamit ang matutulis na ngipin dahilan para magsilabasan ang napakaraming dugo.

Nalanghap at nainom ni Selena ang karamihan doon.

Hindi makapaniwala ang dalaga sa anyo ng kanyang ina sa mga oras na’to .

Humaba at naging kulay itim ang mga kuko at ang natural na pulang mata ng bampira ay mas naging kulay dugo pa.

Tumilapon ang duguan at walang-buhay na lobong-itim mula sa marahas ng pagbaon ng kamay ni Selena sa lalamunan nito.

Napaatras ang tatlong lobong-itim sa kanyang ginawa at nasindak dahil sa ganoong pag-atake lamang ay nawalan agad ng buhay.

Ngunit, mas ikinasindak nila nang makita ang kasalukuyang kulay ng mga mata ni Selena.

"Pula?— hindi, kulay dugo ang kanyang mga mata." Bulalas ni Artemis. "Ang tanging nilalang na nagtataglay ng ganyang klaseng mga mata ay ang Nux. Kung ganoon— siya ang dating Nux na nagtago ng ilang dekadang taon at matagal nilang hinahanap?"

Kumurap lamang ng isang beses ay nasa kanyang harapan na agad ang ina, direktang nakatingin ang kulay dugong mga mata nito.

Hindi na pinasalita ni Selena ang anak bagkus hinawakan niya ang magkabilang kamay nito.

"Artemis, mahal ko. Batid kong alam mo na ang pagkatao ko. Oo, ako ang dating reyna na matagal na nilang hinahanap. Tumakas kana at iwan mo na'ko, mahalaga ang buhay mo para sa'kin. Ikaw na lang ang natitirang kayamanan ko at nais kong mabuhay ka. Isa lang ang hinahangad ko sa’yo, nais kong balansehin mo ang kapayaan sa mundo ng mortal at immortal gamit ang kapangyarihang ipinagkaloob ng iyong ama na si Amarok. Maging malakas at mabuting pinuno ka ng parehong lahi balang-araw. Nais kong maging isa kang Nux na may pagmamahal sa nasasakupan at hindi lamang sa kapangyarihan."

"Ina, bakit? Bakit mo sinasabi ang mga ito? Ano’ng ibig mong—"

"Ang kapirasong papel na binigay ko sa'yo, nais kong sundin mo 'yon." Ngumiti si Selena sa kanyang anak habang tumutulo ang luha kasabay ang pagbalik sa dating kulay ng mga mata.

Hinaplos niya ang mukha ng anak.

"Ikaw ang pinakamagandang kayamanan na mayroon kami ng ama mo." Hinalikan niya ang noo ni Artemis. "Palagi mong tatandaan, hanggang kamatayan ka na’ming pakamamahalin, anak."

Pinigilan ni Artemis ang kanyang luha.

"Mahal na mahal ko rin kayo." Naintindihan niya ang nais ipahiwatig ng ina. “Ngunit hindi ko parin kayo maaaring iwan dito!”

"Pakiusap, tumakas kana bago kapa maabutan!"

Umiling si Artemis, hindi talaga siya kayang iwan nito.

Wala na s’yang mapagpilian pa, kailangan niya nang gamitin ang kapangyarihang ‘yon.

“Ina—” hindi na nakapagsalita si Artemis nang matitigan niya ang kulay dugong mga mata ng kanyang ina.

Hindi siya makakilos.

“A-anong nangyayari— ina?”

Sa kahuli-hulihang pagkakataon ay niyakap ni Selena ang anak.

“Pakiusap, mabuhay ka anak ko.” Hinalikan niya ang noo ni Artemis at binitawan.

Umiiyak na umatras sa kanya si Artemis.

“Anong ginawa mo, ina? Bakit hindi ko makontrol ang aking katawan? Ayokong iwan kayo!” nag-iwan ng magandang ngiti si Selena bago tumakas si Artemis.

"Tumakas siya!" Wika sa isip ng loob na akmang susundan niya ito nang agad s’yang inatake ni Selena at hiniwa ang leeg nito gamit ang matulis nitong mga kuko.

Sinugod pa ng dalawang natitirang lobo si Selena pero kaaagad n’yang ginamit ang kapangyarihan ng mata niya.

“Luhod.”

Hindi maintindihan ng dalawang lobong-itim ang nangyayari sa kanilang sistema, kusa itong sumunod.

“P-pambihira, tunay nga s’yang reyna ng mga bampira.”

KnightAncient

THE LUNAR'S VESSEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon