HINATID ni Frankenstein si Artemis sa magiging kwarto nito. Malinis at organisado, tila ba pinaghandaan ang kanyang pagdating. Sa loob ng kwarto ay nakahelera ang iba't-ibang kategorya at agenda ng mga librong babasahin nang sa ganoon ay hindi siya mabagot kung sakaling wala na s'yang gagawin.
Lumapit si Artemis sa malaking bintana, may unan na nakalagay kung saan maaari s'yang magmuni at masdan ang sinag buwan.
"Hangga't nasa puder kita, ito ang iyong magiging silid. Sana'y maibigan mo."
Lumingon si Artemis sa winika ng ginoo.
"Tunay kong naibigan, Ginoong Frankenstein. Mas malaki at maganda ito kumpara sa aking nakasanayang silid. Maraming salamat." Ngumiti ang dalaga sa kanya.
"Mabuti naman at nagustuhan mo. Sinadya kong ito ang iyong magiging silid upang malakbay mo ang iyong paningin sa bintanang 'yan. Batid kong espesyal ang kakayahan ng iyong mga mata tulad ni Selena." Pormal na sabi ng binata. "Gamit ang mga matang 'yan, kahit nasa bintana kalang, maaari mong makita ang kagandahan ng bayang ito pati na rin ang mundo."
Sumang-ayon si Artemis sa kaniyang sinabi.
"Maaari mo rin akong panoorin habang naliligo sa batis." Nakaismid na dagdag nito.
Umiwas agad ng tingin ang dalaga sa kanya.
Nahihiya s'yang tingnan ang ginoo. Nais n'yang tanggalan ng hininga dahil sa kalaswaang naiisip.
"Ang dami mong alam." Bulong ng dalaga.
May katotohanan ang sinabi ni Frankenstein sa kanya, nagtataglay siya ng paningin na kayang makita ang kalawakan ng paligid o kahit gaano pa ito kalayo.
"Meow..."
Lumabas ang pusa mula sa likuran ni Frankenstein. Lumapit ito sa dalaga at lumambing.
"Sky."
Kinuha ni Artemis ang pusa para kargahin.
"Muntik na kitang makalimutan pero 'yong ginawa mong sa'kin hinding-hindi. Hindi mo ba alam kung saan-saan kita hinanap?" sermon niya sa pusa pero ngumuso lang 'to na parang hahalikan siya. "Ang lambot mo talaga." Giliw ng dalaga.
Samantala si Frankenstein nakatingin lang ng masama sa pusa at napawika na lamang sa isipan. "Ayoko 'tong naiisip ko pero— ang sarap mong lutuin."
Sinabi ni Frankenstein ang iba pang detalye pagsapit ng takip-silim, napag-alaman ng dalaga na magkakaroon ng Full Moon.
Sinabi ni Artemis ang mangyayari sa kanya sa tuwing sumasapit ganoong buwan, nagiging agresibo ang kanyang katawan at lumalabas ang anyo bilang lobo at pagkatakam sa dugo bilang bampira.
Perwisyo kung ituring ni Artemis ang pagkakaroon niya ng ganito subalit wala s'yang magagawa dahil nananalaytay sa kanyang dugo ang pagiging kalahating lobo at bampira na minana niya mula sa kanyang mga magulang.
Ang tungkol sa pagiging agresibo ni Artemis ay pinakiusapan niya si Frankenstein na kung maaari ay ikulong siya sa lugar o silid kung saan ay hindi siya makakatakas.
Tungkol naman sa pagkatakam niya sa dugo ay pinakiusapan niya ulit ang binata na maghanda ng dugo ng hayop dahil 'yon ang nakasanayan n'yang inumin at nakakatulong sa pagkalma ng sistema.
"'Yon lang ang pakiusap ko sa'yo , Ginoong Frankenstein. Nawawala ako sa aking sarili kapag sumasapit ang Full Moon. Natatakot ako sa mga posibleng mangyari lalo na't nasa bayan ako ng mga tao. Natatakot ako na baka mabiktima ko ang isa sa mga kalahi mo. Mabait sila kaya ayokong mangyari 'yon." Nakayukong wika ni Artemis sa ginoo.
"Wala kang dapat ipag-alala, Artemis. Nandito ako kung sakaling mangyari man 'yon. Kapag nasa wisyo ka ng pagiging bampira't lobo mo, hindi ka makakalabas ng mansyong ito. Pangako 'yan." Sagot ng ginoo, lubos na nagpasalamat si Artemis sa kanya. "Ngunit may ilang bagay akong lilinawin sa'yo."
Napatingin ang dalaga sa kanya.
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa body reaction mo pagsapit ng Full Moon. Napigilan ni Selena ang pagiging agresibo mo kahit ikaw ang nakatakdang Lunar's Vessel. Ang pagkulong sa'yo at pag-inom ng dugo ng hayop ay maaaring hindi na uubra sa mga oras na'to." Hindi mawari ng dalaga ang kanyang pinupunto.
"Hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi. 'Yon lang ang tanging paraan para mapakalma ako. 'Yon ang palaging ginagawa sa'kin ni ina at epektibo naman."
"Ngunit hindi na sa pagkakataong ito. Nakalimutan mo atang tuluyang sinakop ng buwan ang iyong katawan bilang bagong kinatawan. Maaaring dudoble o triple ang magiging pwersa mo lalo na't magkaugnay ang lakas mo sa kapangyarihan ng buwan. Kaya imposible nang mapigilan ng ganoong paraan. Baka hindi na dugo ng hayop ang kailangan mo kundi mismong dugo na ng tao." Nagkaroon ng takot sa loob ni Artemis.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ayaw n'yang may madamay na inosenteng tao.
"Si ama? Magkaibigan kayong dalawa hindi ba? Paano niya nagawang kontrolin ang kanyang sarili sa tuwing sumasapit ang Full Moon? Si ina? Bampira rin siya, nais kong malaman kung paano nila napipigilan ang kanilang mga sarili."
Agad umiwas ng tingin si Frankenstein sa kanyang tanong.
Nagdadalawang isip siya na sagutin 'yon dahil masyadong personal ang paraan ni Amarok at Selena sa pagpapakalma ng kanilang katawan sa tuwing sumasapit ang Full Moon.
Alam niya kung paano ngunit nag-aalangan s'yang sabihin 'yon.
"Ginoong Frankenstein?" Pukaw ni Artemis sa kanya. "Base sa iyong reaksyon mukhang may nalalaman ka. Maaari mo bang sabihin?"
Tiningnan ni Frankenstein ang pusang si Sky bago sumagot.
"Si Amarok at Selena ay parehong pinuno sa kanilang kanilang angkan. Sila 'yong nakararanas ng matinding agresibo sa katawan at pagwawala sa sarili kumpara sa mga normal na immortal kung kaya't hindi malayong nadadamay ang mga inosenteng immortal. Si Amarok ay kinukulong ang sarili sa isang liblib na kagubatan para magpalipas ng gabi ngunit matinding pagkawasak ng kalupaan ang kapalit. Si Selena naman ay ginagamit ang kapangyarihan ng kanyang mga mata upang makapang-akit ng lobo, ginagamit niya ang kanyang kagandahan para makuha ang nais sa pamamagitan ng pag-inom ng dugo ng lobo."
Nagulat si Artemis sa sinagot ni Frankenstein.
"Ano? Hindi ba— ang ginawa ni ina ay labag sa angkan ng mga lobo? Bakit ganoon?"
"S'yang tunay, labag 'yon para sa angkan ng mga lobo pero mas pinili ni Amarok na itago ang tungkol sa bagay na 'yon at personal na kinausap ang dating reyna ng mga bampira na si Selena."
- KnightAncient
BINABASA MO ANG
THE LUNAR'S VESSEL
VampireAyla Selene Di Artemis, kalahating bampira at kalahating lobo na tinataglay ang gintong mga mata. Sumanib sa kanya ang kapangyarihan ng buwan upang maging kinatawan nito. Gamit ang kapangyarihang ito, misyon n'yang balansehin ang kapayapaan ng tatlo...