CHAPTER 19

254 12 0
                                    

NAMANGHA si Arcus sa kapangyarihan pinakita ni Artemis.

“Kung ganoon ito ang kapangyarihan ng buwan.” Humalakhak siya. “Napakalakas! Nais ko ang kapangyarihang ‘yan!”

Nalipat sa kanya ang nanlilisik na tingin ni Artemis at bigla s’yang inatake. Agad nakaiwas si Garda sa tabi ni Arcus kasama ang ibang lobo.

Tinaas ni Artemis ang kanyang kamay na nagtataglay ng malakas na pwersa at matutulis na kuko bago tinama kay Arcus.

“Aaaaaaarrgghhhh!” bumaon ang kamay ni Artemis sa lupa nang makawala sa kanyang pagkadakip si Arcus.

Agad itong lumipat sa likurang bahagi at akmang aatake nang mahuli ang isang kamay nito gamit ang may sariling buhay na buhok ng dalaga.

Biglang nanghina si Arcus nang higupin ng buhok ng dalaga ang kanyang ispiritwal na kapangyarihan. Ngunit agad n’yang pinutol ang buhok ng dalaga gamit ang matulis n’yang kuko at agad umatras.

Nakatayo siya sa harapan ng bampirang-lobong anyo ng dalaga.

“Hindi maaari, hindi ko mahigop ang kanyang kapangyarihan sa halip naging kabaliktaran— ahh!” napahawak siya sa kaliwang mata niya. Kumikirot na naman dahil nabawasan ang kanyang kapangyarihan. “Bw*sit!”

Kinapa ni Arcus ang isang kulay lilang seal stone na nakuha niya mula sa angkan ng mangkukulam. Ang seal na’to ay may kakayahan na humigop ng kapangyarihan at pabalikin sa dati ang mga sinumpang halimaw.

Nagtataglay din ito ng matinding kapangyarihan na kayang palakasin ang may hawak nito.

Muling umungol ng malakas si Artemis dahilan ng pagkaroon ng lindol.

“Sapat na sa’kin ang iyong ipinamalas na kapangyarihan— kailangan ko nang kunin ‘yan!” tinutok ni Arcus ang Seal Stone kay Artemis at lumabas dito ang matinding kulay lila na liwanag na agad sinakop ang dalaga.

May lumabas na dalawang lilang espiritung kamay at hinawakan si Artemis. Marahan nitong nahila ang kapangyarihan na nakabalot sa dalaga.

Nakatingin lang ang ibang bampira at lobo sa ginawa ni Arcus, saksi nila kung paano hinihila ng espiritung kamay ang ispiritwal na kapangyarihan ng dalaga.

“Ang Kamay ng Kamatayan, ang ipinagbabawal na engkantasyon ng angkan ng mangkukulam. Lubhang mapanganib, mamamatay ang mahal na prinsesa.” Kinakabang wika ni Boris at tumayo.

Akmang lalapitan ang dalaga nang harangan siya ni Garda at muling sinipa pabagsak sa sahig.

“Hindi ka maaaring lumapit!” Garda

“Mamamatay ang mahal na prinsesa! Siya ang nag-iisang anak ng hari ng mga lobo, hahayaan mo lang ba na mawala ang tanging dugo’t-laman ng iyong namayapang kapatid ha, Lady Garda?!” galit na sigaw ni Boris mas lalong ikinatingin ng masama ni Garda sa kanya.

“Wala kang nalalaman.” Tanging sagot nito.

“Ililigtas ko siya! Poprotektahan ko— ahh!” bumagsak sa sahig si Boris nang malakas s’yang sinikmuraan ni Garda.

“Aaaaaahhh!” napasigaw ng malakas si Artemis nang higupin ng bato ang kanyang kapangyarihan.

Ang kanyang mabangis na anyo ay unti-unting bumalik sa dating magandang hitsura hanggang sa pumayat at parang naging tuyong halaman.

Nangingitim ang balat at labi na parang wala nang buhay.

“Hindi ako makapaniwala natalo ni Panginoong Arcus ang kinatawan ng buwan.” Bulong ng isang bampira.

THE LUNAR'S VESSEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon