CHAPTER 15

282 11 0
                                    

SA SILID ni Artemis ay nagdududang nakatingin si Boris sa higaan kung saan naroon ang pusang si Sky. Hindi niya maipaliwanag kung ano ‘yon ngunit may nararamdaman s’yang kakaiba sa pusang ito, tumayo siya at lumapit dito.

Konting lapit nalang ng kanyang mga daliri nang dumilat si Sky.

“Meow…”

Namangha si Boris sa kulay ng mga mata nito, bagay ang kanyang pangalan tulad ng naukit sa suot nitong kulyar na ‘Sky’.

“Hindi ko alam pero may kakaiba sa’yong  pusa ka.”

Tinitigan ni Boris ang mga mata nito ay marahan na nilapit, ngunit biglang kinalmot ni Sky ang mukha niya.

“Aray!” sigaw niya sabay takip ng mukha. “Pambihira kang pusa ka! Ang sama ng ugali mo!” halos mangiyak siya.

Ang namumulang kalmot ni Sky sa kanyang hitsura ay agad namang nawala dahil sa taglay n’yang regeneration ability.

“Pasalamat ka gumagaling agad ‘yong mga sugat ko.” Tumingin siya sa kawalan at naalala kung saan niya namana ang ganitong abilidad.

Sa dating Hari ng mga lobo o ang Lycaon na si Amarok. Kaunti sa cells ni Amarok ang nakalagay sa kanyang katawan, bata pa lamang siya ay minsan nang naputulan ng kamay si Boris mula sa makamandag na Titanoboa na pinaniniwalaang isa sa mga alaga ng mga mangkukulam.

Dahil sa kamandag na kumalat sa buong kamay niya ay napilitan s’yang ipaputol ito at ang gumawa ‘non ay ang Lycaon na si Amarok at isinalin sa kanya ang kaunti sa mga cells nito para maitaglay niya ang regeneration ability.

Lingid sa kaalaman ni Boris ang gumawa sa operasyong iyon ay ang matalik na kaibigan ng kanilang pinuno na bihasa sa agham o siyensya na si Frankenstein.

Batid ni Amarok ang potensyal ni Boris na maging pinuno ng mga lobo na hahalili sa trono kaya binahagian niya ito ng kauting cells.

Subalit masyadong malakas ang bawat cell na tinataglay ni Amarok dahil sa dati itong Lunar’s Vessel na nagresulta ng pahirapang operasyon.

Kaya para maging compatible ang katawan ni Boris sa cells ni Amarok ay masusing operasyon ang ginawa ni Frankenstein ngunit nagkaroon ng masamang epekto at ‘yon ang pagkawala ng ilang ala-ala ni Boris… kabilang ang pagkakakilanlan kay Frankenstein.

Kahit ang ginoong si Frankenstein ay hindi niya namukhaan ang ngayong binata na si Boris.

“Sinusumpa ko, panginoong Amarok. Magiging mahusay akong Lycaon at hihigitan pa kita. Poprotektahan ko ang angkan na’tin at—“ ngumiti si Boris nang maalala ang magandang mukha ni Artemis. “at ang iyong nag-iisang anak, ang mahal na prinsesa na si Lady Artemis. Naniniwala ako’ng hihigitan niya pa kayo at ang dating Nux na si Reyna Selena. At naniniwala ako’ng siya ang mag-uunay sa kapayapaan ng tatlong lahi.”

***

SA KASTILYO ng mga bampira ay nakaluhod at yumuko ang dalawang immortal na nakatakas mula sa ingkwentro ng isla ng Bermuda. Kaharap nila ang kasalukuyang Nux at sa kanan nito ay nakatayo si Lazarus habang sa kaliwa ay si Garda.

“Panginoong Arcus, nais po na’ming iulat ang nalagap na’ming impormasyon mula sa paghahanap sa mahal na prinsesa.” Wika ng nakaluhod na bampira.

“Nakumpirma po na’ming doon nagtatago ang mahal na prinsesa sa isla ng Bermuda ayon sa naramdaman kong presensya ng kapangyarihan ng buwan.” Ulat din ng kasamahan nitong lobo.

Gumuhit ang kalahating ngiti sa mukha ni Arcus. “Mainam kung gayon.”

“May isa pa, Panginoong Arcus— ang aming ibang kasamahan ay nahuli ng tagapagbantay ng isla. Hindi siya lobo, hindi rin bampira… ngunit sa kanya nagmumula ang mabigat at madilim na presensyang nakapalibot sa isla. Nasaksihan ng mismong mga mata na’min kung paano niya hinigop ang kaluluwa ng ilan sa aming kasamahan hanggang sa naging tuyo’t balat bago naging puno.” Napatingin si Lazarus sa kanyang winika.

“S’yang tunay panginoon, naaamoy ko sa kanya ang dugo ng pagiging tao ngunit ang kapangyarihang taglay niya ay maikukumpara sa dating reyna ng mangkukulam.”  takot na ulat muli ng lobo.

Kilalang-kilala ni Arcus at Lazarus ang taong tinutukoy nila, ang taong nagtataglay ng kapangyarihan ng mangkukulam at nanghihigop ng kaluluwa ng mga immortal.

“Walang dudang si Ambrose Frankenstein ang inyong tinutukoy.” Sagot ni Arcus. “Kung ganoon ay buhay parin magpakahanggang ngayon ang mortal na ‘yon. Hindi nakapagtataka, tinataglay niya ang ipinagbabawal na kapangyarihan ng mga mangkukulam.” Napaismid siya.

Tinuturing ni Arcus si Frankenstein bilang asungot sa kanilang mga plano. Maraming plano nila ang napalpak dahil lamang sa taong ‘yon lalo na sa binabalak nilang pagharian ang lahi ng mga tao subalit ang presensya ng mga tao ay tila bula at biglang nawala kaya hindi nila matukoy kung nasaan ngayon.

At isa pa, ang pag-inom ng dugo ng tao ay nakapagdadagdag ng lakas ng bampira.

“Hindi ang kapangyarihan ng mangkukulam ang dahilan kung bakit buhay parin hanggang ngayon si Frankenstein.” Napatingin si Arcus sa winika ni Lazarus.

“Anong ibig mong sabihin, Lazarus? Sinasabi mo bang may iba pang dahilan kung bakit buhay pa rin hanggang ngayon si Frankenstein sa kabila ng pagiging tao?”

Umiling si Lazarus. “Hindi ko rin batid, posibleng ganoon ang dahilan pero posible ring hindi.”

Napaisip si Arcus sa kanya. “Batid kong may nalalaman ka. Kailangan ko ng matibay na dahilan.”

Tumango si Lazarus bilang sagot. “Sisimulan ko na ang pagsasaliksik, panginoon.”

Tumayo si Arcus at nagbigay ng utos sa mga alagad.

“Ihanda ang ating pangkat! Lulusob tayo sa isla ng Bermuda ngayong gabi! Kukunin na’tin ang kapangyarihan ng buwan sa babaeng ‘yon!”

Tiningnan niya ang dalawang immortal na nakatayo sa kanyang parehong tabi.

“Garda, ihanda mo ang iyong mga lobong-itim para sa paglusob. Lazarus, ikaw ang unang magmasid sa isla at tukuyin mo kung saang parte nagtatago ang prinsesa!”

“Masusunod.” Sagot ni Garda at Lazarus sabay naglaho.

— KnightAncient

THE LUNAR'S VESSEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon