"P-PAMBIHIRA, tunay nga s'yang reyna ng mga bampira."
"Ang bampirang may kakayahang kontrolin ang isip ng nilalang sa paligid. Ang ika-apat na Nux sa kasaysayan ng bampira, si reyna Ayla Selene Di Selena."
Hindi pinatagal ni Selena ang kanilang oras at agad silang pinagsasaksak gamit ang n'yang kamay, tumumba sa lupa ang dalawang walang buhay na lobo.
Dumating ang iba pang lobong-itim na umabot sa tatlumpong bilang at siya'y pinalibutan.
"Sa wakas, nakita na rin na'min ang dating Nux na nagtago ng halos dalawang-daang taon." Ngising wika ng babaeng puting-lobo.
Nakatingin ng masama si Selena sa kanya.
"Garda." Wika nito, hindi niya kayang kontrolin ang puting-lobo dahil sa espesyal na dugong nanalaytay na maihahalintulad sa pinuno ng mga lobo.
Napaatras ng isang hakbang ang dating reyna nang maramdaman niya ang iba pang ispiritwal na kapangyarihang palapit sa kanyang kinaroroonan.
"Bakit mo'to ginagawa? Ano ang iyong dahilan? Bakit ka kumampi sa kalaban sa halip kami ang pamilya ng iyong namayapang kapatid—"
"Katahimikan! Ikaw rin ang dahilan kung bakit siya namatay, mas pinili ka niya sa halip ang trono at ang kaligtasan ng buong angkan ng mga lobo. Ibalik mo sa'min ang ninakaw mong kapangyarihan ng buwan!"
"Hindi mo naiintindihan, Garda. Hindi ako ang dahilan ng pagkamatay ni Amarok kundi si—" hindi natapos ang mga winika ni Selena nang may bampirang mas mabilis pa sa hangin ang nagpakita sa kanyang harapan at siya'y sinakal.
"Wala kanang kawala, Nux. Ang kapangyarihan at kamatayan mo ang muling magpapalakas sa amin."
"L-Lazarus..." halos hindi makahinga si Selena sa lakas ng pagkasakal.
Hindi rin umuubra ang kapangyarihan n'yang kontrolin ang isip dahil nagmula sa espesyal na lahi ang bampirang kaharap niya.
Si Lazarus ang nag-iisang vampire-witch sa mundo ng immortal, makikilala agad siya dahil sa marka ng waning crescent sa noo.
"Magpaalam kana mahal kong reyna dahil sa gabing ito ay magtatapos ang iyong pagiging Lunar's Vessel."
"Mukhang wala kang naiintindihan sa nangyari, Lazarus. Ang kapangyarihan ng buwan..." Nahihirapang wika ni Selena.
Hindi maintindihan ng kalaban ang kanyang sinabi.
"Kailanman ay hindi kayang sakupin ang katawan ng isang bampira."
Nakatingin lamang ng seryoso sa kanya si Lazarus tila inaantay nitong matapos ang sasabihin ni Selena, ganoon din si Garda.
"Sa madaling salita, kasama ni Amarok ang kapangyarihang ng buwan sa kanyang kamatayan."
***
TUMATANGIS ang dalagang si Artemis habang siya'y mag-isang tumatakas sa mga imortal na tumugis sa kanilang mag-ina. Labag sa kanyang kalooban ang paglisan subalit kinontrol ng kanyang ina ang kanyang isipan kung kaya't kusang sumunod ang katawan.
Naririnig niya parin ang nanghihingalong hininga ng kanyang ina at ang presensya nito lalo-lalo na ang mapanganib na bampirang si Lazarus.
Hindi niya mapigilan ang mga luhang tumulo sa kanyang mga mata dahil sa bigat ng nararamdaman.
Siya'y napadpad sa gitna ng gubat kung saan madilim ang palagid at ang tanging liwanag ng buwan na sumasalamin sa kalmadong batis ang naaniag.
Huminto siya sa pagtakbo nang maputol ang bigkis ng ispiritwal na kapangyarihang konektado sa kanilang mag-ina, siya'y nagulat.
"H-hindi- ano 'to?!" Napayakap siya sa sarili. "Hindi ko na maramdaman ang kanyang presensya."
Mas lalo s'yang lumuha nang mapagtanto niya ang ibig-sabihin 'non. Hindi nakaligtas ang kanyang ina sa kamay ng kalaban.
Parang may kung anong bumara sa kanyang lalamunan at humila pababa sa kanyang puso.
"Hindi maari— inaaaaaaa!"
Ang kanyang sakit at hinagpis ay nagdulot ng paglabas ng kanyang espesyal na kapangyarihan nang hindi na mamalayan. Bumibilis ang galaw ng kalangitan ng gabi at lumamig ang simoy ng hangin.
Ang karagatan ay naglakasan ang mga alon at ang mga hayop sa loob ng kagubatan ay nagambala sa nagwawalang kapangyarihan ng buwan na nasa loob ng katawan ni Artemis.
Batid niya ang dahilan kung bakit sila tinugis dahil layunin ng kalaban na makuha ang kapangyarihan ng buwan na dati'y nakapaloob sa katawan ng kanyang amang-lobo na si Amarok.
Ngunit ang hindi alam ng kalaban ay naipasa na'to sa kanya bago pa siya naisilang ng kanyang ina na si Selena.
Napatitig si Artemis sa repleksyon ng tubig kung saan nasaksihan niya ang pagbago ng kulay ng kanyang mga mata.
Ang kulay itim na dapat ay maging pula, ngayo'y nagbago muli at naging kulay ginto.
Hindi niya maunawaan ang nangyari, ibang-iba 'to kumpara sa kulay ng kanyang ina. Hindi niya matukoy kung ano ito.
Pinagmasdan niya ang buwan habang tumutulo ang luha, malakas ang kanyang kutob na may kinalaman ang kapangyarihan ng buwan na nakapaloob sa kanyang katawan sa pagbago ng kulay ng kanyang mga mata.
Nais niya isumbat ang lahat ng hinanakit niya ngayon ngunit hindi niya maaaring gawin 'yon dahil batid n'yang may dahilan ang lahat.
"Kapangyarihan ng buwan, ako nga ba talaga'y karapat-dapat sa iyong kapangyarihan gayong ikaw ang dahilan kung bakit nawala ng tuluyan ang aking mga magulang?"
Mas lumiwanag pa ang buwan at ang sinag nito'y nakatuon kay Artemis at sumanib.
Kung ganoon ay tunay s'yang pinili ng buwan, tunay nga s'yang karapat-dapat Tumayo siya at malugod na tinanggap ang kapangyarihang sumanib sa kanya.
Muling namumbalik sa kanyang isipan ang mga katagang iniwan ng kanyang ina.
Gagamitin ang kapangyarihang ipinagkaloob para ibalanse ang mundo ng mortal at immortal.
Nakapagpasya na s'yang sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang.
Ang kanyang ina na dating Nux at ang ama na dating Lunar's Vessel.
"Ako si Ayla Selene Di Artemis, ang susunod na Nux at bagong Lunar's Vessel."
— KnightAncient
BINABASA MO ANG
THE LUNAR'S VESSEL
VampireAyla Selene Di Artemis, kalahating bampira at kalahating lobo na tinataglay ang gintong mga mata. Sumanib sa kanya ang kapangyarihan ng buwan upang maging kinatawan nito. Gamit ang kapangyarihang ito, misyon n'yang balansehin ang kapayapaan ng tatlo...