NATAPOS ang gabing 'yon na panalo ang kabutihan at payapang pagtatapos. Ang nasirang kapaligiran ay ibinalik ni Artemis sa kaayusan, si Lazarus naman ay in-unseal ang pagtago sa taong-mamamayan at binalik sa dati.
Kinaumagahan ay bumalik si Artemis at nagbigay ng maliit na handog sa lahi ng mga tao, lalo na ang matandang panadero na nagbigay ng tinapay at maiinom 'nong unang apak niya sa bayan.
"Binibini— este mahal na prinsesa. Nais kong isauli 'tong hikaw na ibinigay mo sa'kin. Batid kong mahalaga 'to para sa'yo kaya kunin niyo na pakiusap." Nakangiting wika ng matanda habang nakatingin sa pulang mga mata ni Artemis. "Tama nga aking kutob nga ikaw ay kakaiba, batid kong kalahati sa dugo mo ang pagiging bampira dahil kaya mong makipagsapalaran sa umaga."
"B-Batid mo, Ginong?" gulat na tanong ni Artemis.
"Kahit anong takip ng iyong mga mata ng oras na 'yon, nakita ko kung gaano natatakam ang iyong tingin sa aking mga panindang tinapay."
Mahinang natawa si Artemis sa kanyang tinuran. "Maraming salamat ulit, Ginong."
Batid ng taong-bayan ang ugnayan ni Artemis at Frankenstein. Nagkaroon muli ng mahabang kapayapaan sa parehong mundo.
***
SA KAHARIAN ng lahing bampira, ang dating madilim nitong paligid ay muling bumalik sa pagkapayapa nang muling umupo sa trono ang dating Nux na si Selena.
"Magbigay galang sa nagbabalik na reyna!" sigaw ni Lazarus.
"Maligayang pagbabalik, mahal na reyna!" bati ng lahat kabilang ang mga kakamping Elder.
Tiningnan ni Selena si Lazarus.
"Maraming salamat sa lahat ng tulong na ginawa mo, Lazarus. Ikaw ang totoong bayani rito." Nakangiting wika ni Selena.
"Hindi mo na kailangang sabihin 'yan, kamahalan. Para na kitang kapatid kaya gagawin ko ang lahat para sa iyo." Yumuko si Lazarus sa kanya bilang paggalang.
***
SA KAHARIAN ng mga lobo, ang dating nabalutan ng lungkot at katahimikan ay nagbago at napalitan ng ingay at diwang nang malaman nilang buhay ang kanilang pinakamamahal na pinuno.
Ang ibang lobo ay kasalukuyang nagsasaya.
Bagot na nakaupo sa trono ang Lycaon na si Amarok, isa-isa n'yang tiningnan ang mga kalahing lobo na nakatutok ng tingin sa kanya. "Bakit ganyan kayo kung makatingin sa'kin?"
"Baka naman kasi iisipin niyo namang tumakas." Sagot ni Boris.
"S'yang tunay." Sang-ayon ni Garda.
Huminga ng malalim si Amarok at hinilot ang noo.
"Sino bang namang hindi tatakas— halos wala akong gagawin dito kundi puro upo lang? Kailangan ko rin ilibang ang sarili ko ano."
Malakas na tinukod ng Werewolf Elder ang kanyang tungkod.
"Ililibang mo ang iyong sarili pagtakapos ay hindi na naman babalik? Huling ginawa mo Amarok ay nabalitaan nalang na'min na itinangay mo ang Reyna ng mga bampira… Pasaway ka!" Galit nitong sermon kay Amarok.
"Oo na, patawad. H'wag na kayong magalit."
"Sinong hindi magagalit!"
"Patawarin niyo na ako!" Nagtawanan ang mga lobong nanonood sa kanila.
***
KABILUGAN ng buwan sa sagradong kastilyo ng bampira ay nagtipon ang iilang panauhin para sa magaganap na seremonya.
BINABASA MO ANG
THE LUNAR'S VESSEL
VampireAyla Selene Di Artemis, kalahating bampira at kalahating lobo na tinataglay ang gintong mga mata. Sumanib sa kanya ang kapangyarihan ng buwan upang maging kinatawan nito. Gamit ang kapangyarihang ito, misyon n'yang balansehin ang kapayapaan ng tatlo...