CHAPTER 4

326 18 0
                                    

HUMINTO si Artemis sa ilalim ng malaking puno upang magpahinga at para masimulan ang pagkain sa bitbit n’yang tinapay at tubig. Sa kanyang harapan ay tanaw ang malawak na karagatan at lupain ng bayan.

Nais n’yang masdan ang napakagandang paligid subalit baka may makita sa kanyang mga mata.

Kapag nalaman ng taong-bayan na isa s’yang bampira ay hindi malayong tutugisin siya. Tuluyan nang sumikat ang araw, marami nang mga bata ang naglalaro at mga matatandang nagtatrabaho.

Hinawi niya ang kanyang buhok na nakatakip sa kanyang mga mata.

“Wala naman sigurong makakita sa’kin dito.”

Siya ay namangha sa kanyang nakikita, hindi ito tulad ng normal n’yang paningin kapag nagiging bampira.

Tanaw na tanaw niya ang mga taong nasa malalayong lugar katulad ng mga mangingisda at mangangahoy sa bundok.

Iba ang bayang ‘to kumpara sa haka-hakang n’yang narinig. Ang buong akala niya ay nababalutan ‘to ng madilim na awra at nakakatakot na nilalang sa paligid subalit kabaliktaran. Mabait ang mga taong nakatira at sagana ang pamumuhay ng taong-bayan.

Kahit bayan ito ng mga normal na nilalang, bawi naman sa kasaganaan at kapayapaan.

Hindi tulad sa mundo ng imortal. Malalakas ang mga nilalang subalit nakikipagpatayan para lang sa kapangyarihan.

Palakasan ng mga angkan at agawan sa pagiging pinuno ng sanlibutan.

“Sinusumpa ko, ako ang magiging Nux balang araw at babaguhin ko ang kapalaran ng mundo ng imortal kung saan katulad ng bayang ito..."

Niyukom ni Artemis ang kanyang parehong kamay.

"Walang agawan sa kapangyarihan at lahat ay pantay-pantay. Pero bago mangyari ‘yon, kailangan ko munang tuparin ang misyon ko, ang hanapin ang mortal na nagngangalang Ambrose Frankenstein.”

“Meow…”

Agad napatingin sa itaas si Artemis nang marinig niya ang pusa.

“Sky! Pambihira kang pusa ka kung saan-saan kana— saan ka na naman pupunta?!”

Muli niya namang hinabol ang pusa at hindi na tinapos ang pagkain.

“Pusakal ka talaga!”

***

SINUNDAN ni Artemis ang pusa hanggang sa nakarating ito sa isang malaki’t malawak na mansyon. Tinignan niya ang buong paligid, naka-aakit lalo na ang tanimang bulaklak na nakapalibot dito.

Ngunit, napaatras ng isang paa si Artemis nang maramdaman niya ang hindi kaaya-ayang awra na nakapalibot dito, hindi na ito katulad sa bayan.

Maaari kayang dito nakatira ang nilalang pinanggalingan ng itim na kapangyarihang nakabalot dito?

Tinignan niya ang pusang nakaupo sa pintuan ng mansyon, ayaw niyang isipin na may kinalaman ang pusang ito sa masamang awrang nakapalibot.

“Binibini, ano’t narito ka sa’king mansyon?”

Natigilan si Artemis sa boses na ‘yon, agad s’yang humarap sa nilalang at doon ay nakita niya ang isang guwapong binatang nakangiti sa kanya.

Matangkad at may kahabaan ang buhok na umabot sa dibdib, nakasuot ito ng salamin at pormal na damit na walang dudang siya ang nagmamay-ari sa mansyon.

“Binibini?” Pang-uulit ng binata nang makitang nakatulala ang dalaga. “Batid ‘kong kaakit-akit ang aking hitsura ngunit wala kang dahilan para mailang sa’kin.”

Napailing si Artemis, nakaramdam siya ng hiya.

“Ipagpaumanhin mo, Ginoo. Hindi ko sinadyang mapunta rito sa harapan ng iyong mansyon, sinundan ko lamang ang pusa sa pag-aakalang dito ko matagpuan ang taong aking hinahanap.”

“Si Sky ba ang iyong tinutukoy?”

Napatingin ng direkta si Artemis sa kanya.

“Ibig sabihin nito ay ikaw ang tumawag sa kanya?” Tanong ni Artemis at tumango naman ang binata. “Kung ganoon, huwag mo sanang masamain Ginoo’t may katanungan ako.”

Huminga ng malalim si Artemis sabay pilit sa sarili na makapagsalita ng direkta sa binata dahil masyadong naka-aakit ang tingin nito.

Ayaw n’yang magmukhang katawa-tawa halo na’t may kahambugang taglay ang ginoo.

“Maaari kang magtanong, Binibini. Dalian mo lang sana’t ako ay may gagawin pa.” Wika ng binata.

“Ipagpaumanhin mo, Ginoo. Nais ko sanang itanong kung kilala mo ang Ginoong nagngangalang Ambrose Frankenstein?”

May namuong pagtataka sa mukha ng binata sa kanyang tanong. “Ano ang ‘yong nais?”

Tila nabuhayan ng dugo si Artemis sa kanyang tanong. Nilabas nito ang maliit na papel na binigay ng kanyang ina at pinakita sa binata.

“Kailangan kong makita ang Ginong sa lalong madaling panahon. Ang pirasong papel na’to ay binigay pa sa’kin ni ina bago siya pinaslang ng mga traydor naming lahi. Wika niya’y kailangan kong sundin ang lokasyong nakasulat nang sa ganoon ay makita at makilala ko ang Ginong.” Kinuha ng binata ang  papel at binasa.

May katunayan nga ang winika ng dalaga.

“Selena.”

Natigilan si Artemis nang sambitin ng binata ang pangalan ng kanyang ina. “Sandali, Ginoo— kilala mo ang aking ina?”

“Ang taong iyong hinahanap ay mismong nasa harapan mo na, kamahalan.”

Ngumiti ang binata sa kanya at nagulat na lang si Artemis nang niluhod nito ang isang paa at nagpakita ng pagpugay.

“Ginoo, hindi ko maintindihan. Bakit ka lumuhod?”

“Ako si Ambrose Frankenstein, aking kamahalan.”

Kinuha ng binata ang kamay ng dalaga at hinalikan ito.

“Ikaw ang aking magiging asawa.”

“ANO!” Bahagyang napaatras si Artemis sa kanyang winika.

Tumawa lamang ang binata.

“Nagbibiro lamang ako, binibini. Halika’t pumasok ka sa aking mansyon, may mahalagang bagay tayong dapat pag-uusapan.” Frankenstein

— KnightAncient

THE LUNAR'S VESSEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon