SA KAILALIMAN ng gabi ay sinakop ng pulang ulap at hamog ang buong isla ng Bermuda. Si Boris at Artemis lang ang naiwan sa mansyon.
Nagising ang dalaga nang maramdaman n’yang wala na sa kanyang tabi si Ginoong Frankenstein.
Hindi niya maiwasan ang mangamba dahil dis oras ng gabi ay bigla s’yang umalis.
“Wala ba talaga s’yang sinabi sa’yo kahit ano tungkol sa kanyang pupuntahan?” tanong ulit ng dalaga.
“Wala nang ibang sinabi sa’kin si Ginoong Frankenstein, mahal na prinsesa.” Sagot ni Boris.
“Nag-aalala na ako. Hindi ko gusto ang simoy ng hangin, ang amoy ng paligid, ang katahimikan ng gabi. Masyadong tahimik kahit huni ng mga kwago ay wala akong naririnig… Ginoong Frankenstein.” Yumukom siya ng kamao. “Sana mali ‘tong kutob ko.”
Maaring nasundan na siya ng kalaban. Natatakot siya sa maaring mangyari.
“Mahal na prinsesa, may tanong ako tungkol kay Ginoong Frankenstein. Bakit kung makaturing siya sa’kin ay para akong bata para sa kanya?” Tanong nito.
“Anong ibig mong sabihin?” Tanong pabalik ng dalaga.
“Nais kong malaman kung ilang taon na siya kung bakit tinuturing niya akong bata.”
Huminga ng malalim si Artemis at pumikit bago sumagot.
“Si Ginoong Frankenstein… ay isang libo at dalawamput-siyam na taong gulang na.” sagot niya saka minulat. “Mas matanda rin siya ng ilang daang-taon sa’kin.”
Laglag pangang napakurap si Boris, hindi siya makapaniwala. “Ano ang iyong sinabi, mahal na prinsesa? Isang libo at dalawamput-siyam? Ngunit— isa s’yang tao, paano ‘yon naging imposible?”
“Kahit ako ay hindi naniwala sa kanyang sinabi hanggang sa tinukoy niya ang…bloodpact… sa aking mga magulang kung kaya’t nabuhay siya ng ganito katagal.” Wika ng dalaga na ikinatango ni Boris.
Ngayon ay naintindihan niya na ngunit siya'y nagtaka. Lumapit siya sa bintana at tiningnan ang kabilugan ng buwan at nagduda.
“May alam ako tungkol sa blood pact, mahal na prinsesa.” Napatingin si Artemis sa kanya.
“Talaga? Ang kasunduan sa pamamagitan ng dugo— maari mo bang sabihin sa’kin?” interesadong tanong ng dalaga.
“Makinig ka ng mabuti sa’kin, mahal na prinsesa… ang blood-pact ay tinutukoy nito ang pag-inom ng dugo ng immortal sa kapwa immortal o mortal na malapit sa kanyang buhay," panimula nito sa kaniyang paliwanag.
Seryoso at tahimik na nakikinig si Artemis sa paliwanag niya
"Ito ang mabisang paraan para magkaroon kayo ng matibay na bigkis at ramdam niyo ang presensya ng bawat isa. Sinasabi nito na kapag namatay o napaslang ang nilalang na kasama mo sa kasunduang iyon ay mawawalan ito ng bisa. Kaya’t…" nilagay ni Boris ang kaniyang kamay sa ibabang labi.
Hindi kumbinsido at parang nagtataka pa rin.
"Nagkapagtataka kung bakit buhay parin si Ginoong Frankenstein kahit dumaan na ang isang libong taon?” Tanong muli ng binata at sa pagkakataong ito ay kahit si Artemis ay nagtataka na rin.
“Ano ang ibig mong sabihin?” Naguguluhang tanong ng dalaga.
“Kahit ako mahal na prinsesa ay naguguluhan narin, kung buhay parin si Ginoong Frankenstein magpakahanggang ngayon ay…" Tiningnan siya ni Boris ng direkta sa dugong-pula nitong mga mata. "Posibleng buhay pa rin ang mga nilalang na kanyang nakasundo… ang iyon mga magulang."
Natigilan si Artemis kasabay ang pagkabog ng kanyang puso. Nakuha niya ang pinupunto ni Boris. Kung tunay nga’ng ganoon ang blood-pact ibig sabihin…
“Buhay pa sila ama’t ina?” Napatayo bigla si Artemis.
“Mahal na prinsesa—”
Kasabay 'non ang malakas na pagsabog sa labas ng mansyon.
“Ano yun?!” Agad tinago ni Boris ang dalaga sa kanyang likuran.
“Hindi maaari, narito na sila, nasundan nila ako.” Tinignan ni Artemis ang labas ng mansyon at nakita n’yang nagsisimula na ang Lunar Eclipse.
“M-May Lunar Eclipse?” Artemis
***
“ANO? Sapilitang magkaroon ng Lunar Eclipse para magwala ang kinatawan ng buwan?” gulat na turan ni Frankenstein.
“’Yon ang gagawin ni Arcus para madali n’yang makuha ang kapangyarihan.” Sagot ng kanyang kaibigan.
“Hanggang ngayon ay sariling mithiin parin ang iniisip ng matandang hukluban na ‘yon…” Ngising wika ng isang lalakeng kulay kahel na lobo habang hinihilot ang mga braso. “Humanda siya sa’king pagbabalik.”
“Kailangan muna na’ting makaisip ng plano bago sila harapin. H’wag n’yong maliitin ang kapangyarihan ni Arcus.” Wika ng isang babaeng-bampira na nagtataglay ng pulang-dugong mga mata. “Nananalaytay kay Artemis ang dugo ng pagiging bampira at lobo. Ako ulit ang bahala kapag nagwala siya.” Sagot niya sabay laho sa paningin ng tatlo.
“Tayo na!” wika ng kahel na lobo sabay ungol ng napakalakas kasabay ang pagwala ng ibang kahayupan sa loob ng kagubatan.
***
“ARTEMIS!!!” Isang malakas na boses ang narinig nila mula sa labas ng mansyon.
Agad hinawakan ni Boris ang kamay ni Artemis at hinila ito upang magtago.
Hinanap ng dalaga ang pusang si Sky subalit hindi niya ito mahanap.
“Si Sky nawawala!”
“Wala na tayong oras, Kamahalan. Kailangan na na’ting makatakas!” Hinila ng ginoo si Artemis paalis.
Dalawang pangkat ang nakapalibot ngayon sa mansyon, ang pangkat ng mga itim na lobo at bampira. Kasama ngayon sa pangkat ang nagpasimunong hanapin ang Lunar’s Vessel, ang vampire elder at kasalukuyang Nux na si Arcus.
Ngumisi ang Elder nang maramdaman niya ang presensya ni Artemis sa loob ng mansyon.
Siya’y nanabik dahil nais niyang paslangin ang bunga ng pagmamahalan ng bampira’t lobo, at para makuha ang kapangyarihan nito.
“Halughugin ang mansyon at dakpin niyo ng buhay ang Lunar’s Vessel!” Utos niya sa mga alagad.
Nang kumilos ang parehong pangkat ay hinanap niya ang kanyang kanang-kamay na si Lazarus.
Nilapitan siya ni Garda, “Panginoong Arcus, inulat sa’kin ni Lazarus na kasalukuyan n’yang kaharap ang pekeng immortal na si Frankenstein. Walang nagpoprotekta at mas mapadali ang ating paghahanap sa dalaga.”
Napahalakhak ang Elder. “Mahusay, Lazarus. Wasakin mo ang pekeng immortal na iyan.”
— KnightAncient
BINABASA MO ANG
THE LUNAR'S VESSEL
VampireAyla Selene Di Artemis, kalahating bampira at kalahating lobo na tinataglay ang gintong mga mata. Sumanib sa kanya ang kapangyarihan ng buwan upang maging kinatawan nito. Gamit ang kapangyarihang ito, misyon n'yang balansehin ang kapayapaan ng tatlo...